KABANATA 8

5 0 0
                                    


Napatigil kami sa paglalakad ni Gael nang biglang may lumapit sa akin na isang kaluluwang babae na may dugo pa mula sa kaniyang noo.

"Kailangan ko ang tulong mo, Aiko," sabi nito sa akin at sinubukan pa niyang hawakan ang magkabila kong balikat pero tumagos lamang Ang kaniyang kamay mula sa katawan ko. Samantala ay nakaramdam ako ng malamig na hangin dahil sa ginawa niya.

"Ayos ka lang? Bakit tayo tumigil?" nagtatakhang tanong sa akin ni Gael.

"Akala ko nakakakita rin siya Ng mga kaluluwa," wika naman ni Soul na nasa kabila Kong gilid.

"May iba ba kayong kasama?" sunod naman na tanong sa akin Ng kaluluwa na tila naramdaman ang presensiya ni Soul na katulad niya ay isa nang kaluluwa. "Parang may kakaibang hangin." dagdag pa nito.

Tumingin ako kay Gael at itinuro ang kaluluwang nasa harapan ko. "May kaluluwa ng isang babaeng estudyante," Saad ko na ikinagulat niya. Mas lalo pa itong lumapit sa akin at napansin ko na tila nagdadalawang isip siya Kung hahawakan ba niya ang braso ko.

"'Wag mo kaming sasaktan," sabi ni Gael habang nakatingin sa direksiyon na itinuro ko kanina.

"H-hindi ko kayo sasaktan. Kailangan ko lang ng tulong mo, Aiko. Hindi ba ay tinutulungan mo Ang mga kaluluwa na katulad ko?" tugon niya. Tumango naman ako sa itinanong niya sa akin.

Natutuwa ako na may mga naniniwala pa rin sa kakayahan ko maliban kay Gael. Akala ko kase ay ginagawa lang itong katuwaan ng iba. Na para bang kagustuhan namin na magkaroon ng ganitong kakayahan.

Katatapos lamang ng pang-umaga naming klase ni Gael at naisipan namin na maglakad-lakad muna. At ito nga, hindi ko inakala na may makakasalubong na naman akong kaluluwa.

Pero bigla akong nagtakha sa hitsura niya. Nakasuot siya Ng unipormeng katulad Ng suot ko. Gusot din ito habang dinudugo ang noo niya.

"Dito ka ba nag-aaral?" tanong ko sa kaniya.

Tumango naman siya bilang tugon sa akin. "Matutulungan mo ba ako?" sunod naman niyang tanong sa akin.

"Susubukan ko ang makakaya ko," sagot ko. "Ano ba ang nangyari?" paghingi ko ng impormasyon.

Mahaba-haba rin ang oras na meron kami para tulungan Ang kaluluwa ng babaeng estudyante. Bukod doon ay nagtatakha rin ako sa nangyari sa kaniya. Mukhang namatay siya pagdating niya galing dito sa paaralan. O Kaya naman ay dito siya mismo sa paaralan pinatay Kaya siya nandito ngayon.

At nakuha na kaya niya ang hustisya?

"Ilang araw na ang lumipas mula nang pinatay ako. Nakauwi na ako noon galing Ng paaralan. Napansin ko na wala si mama sa bahay at tanging ang kinakasama lamang niya Ang naroon. Napansin ko rin noong mga araw na iyon na may kakaiba sa boyfriend ni mama pero hindi ko iyon pinansin. Nagpatuloy lamang ako sa gawaing bahay hanggang sa magawi ako sa kusina kung nasaan ang basement namin. Nakita ko ang ilang mga patak ng dugo sa sahig na ipinagtakha ko kaya dala ng kuryosidad ay bumaba ako ng basement. At bumungad sa akin si mama na naliligo sa sarili niyang dugo," otomatikong bumagsak ang mga luha niya matapos ikwento sa akin ang nangyari sa kaniyang ina. Tila natulala rin siya na para bang pilit inaalala ang pinakamasamang nangyari sa buhay niya. "Noong palabas na sana ako sa basement para magsumbong sa lalakeng kinakasama ni mama, nakita ko naman na pababa na siya sa hagdan ng basement. Mayroon siyang dalang tali habang masama ang tingin sa akin. Natakot ako at Isa na lamang ang pumapasok sa isipan ko noon. Siya ang pumatay sa mama ko. Tumakbo ako at pilit na lumalayo sa kaniya sa loob lamang Ng maliit at madilim naming basement. Pero nahuli niya ako. Itinali ako sa isang silya at ginahasa. Pagkatapos ay pinatay at walang awang inilibing sa likod-bahay. Idinamay niya si mama para malaya niya akong magahasa. Hayop siya!" dugtong pa Ng kaluluwang humihingi sa akin ng tulong. Ramdam ko ang poot niya sa taong gumawa nito sa kanila Ng kaniyang ina.

Mourning SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon