Paano nalaman ni Soul na magkamukha sila ni Gael? Naaalala na ba nito ang buhay niya noong nakaraan?"Nakikita mo na ako?" tanong sa akin ni Soul at bakas sa tono Ng pananalita niya ang pagkagulat.
Umiling ako at kaagad na ipinakita sa kaniya ang hawak kong kuwadro na may litrato niya.
"Ikaw ito. Gael Enrique I ang tunay mong pangalan, Soul." sabi ko sa kaniya. Kasiyahan ngayon ang nangingibabaw sa loob ko. Masayang-masaya ako para kay Soul.
Hinintay ko siyang magsalita pero wala akong nakuhang tugon mula sa kaniya. Marahil ay katulad ko, hindi rin siya makapaniwala.
"Malaki nga ang koneksiyon niyo ni Gael. I-Ikaw rin 'yung nakita ko noon," Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"N-nakita mo na ako, dati pa?"
Tumango ako sa katanungan ni Soul. Hindi ko naman akalain na siya pala iyon.
"Paano 'yan? Alam mo na kung sino ka, ano na ang gagawin mo?" saad ko at ibinalik ang litrato ni Soul sa ibabaw ng kabinet. Saglit ko pa itong sinulyapan at hinaplos. Muli akong humarap sa gawi ni Soul. "Sa tingin mo kapag nalaman natin kung paano ka namatay ay matatahimik na ang kaluluwa mo? Iyon Kaya ang dahilan kaya nanatili rito sa mundo ang kaluluwa mo?"
"H-Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko ay hindi iyon ang kailangan ko."
Napakunot ang noo ko. Tila hindi nagproseso sa utak ko ang sinabi ni Soul. Ano ang ibig niyang sabihin sa kaniyang mga tinuran? Maliban sa kagustuhan niyang malaman kung paano siya namatay, ano pa ba ang maaring dahilan kung bakit siya nanatili dito?
"Tunay nga na nakakikita at nakaririnig ka ng mga kaluluwa,"
Gulat akong napalingon sa may hagdan nang biglang may nagsalita mula rito. At si Lolo Gilong ang bumungad sa akin. Paakyat ito mula sa hagdan. Kahit nagtakha ako sa mga sinabi niya ay kaagad ko siyang nilapitan at tinulungan sa paglalakad. Inalalayan ko siyang umupo sa isang silya.
"Sinasabi ko na nga ba at narinig mo rin noon si señor Gael," wika ni Lolo Gilong na ikinagulat ko. Wala siyang sinabi kung sinong Gael ang tinutukoy niya pero alam kong si Soul iyon.
"N-naririnig niyo rin po ako?" tanong ni Soul na mukhang nagulat din sa sinabi ng matanda.
"Ganon na nga po... señor."
Napaupo na lang din ako sa isang silya. Kung ganon, tama pala ang hinala ko noon pa man. Totoo nga na may kausap at nakikita si Lolo Gilong noong araw na nilapitan ko siya sa hardin. Pero ang kaluluwang iyon ay hindi ko nakita at narinig. Katulad din ba ito ni Soul?
"Kilala niyo po siya?" tanong ko kay Lolo Gilong.
Tumango ito at tumingin sa direksiyon ni Soul pagkatapos ay sa akin. "Marahil ay naikuwento na sa iyo ni señor Gael- ang iyong kaklase... na kaibigan ako ng kaniyang Lolo. Pamilya ang turing nila sa akin. At maging ang kuwento ng kanilang mga ninuno ay nagagawa nilang ibahagi sa akin. Mahalaga sa akin ang pamilya Enrique, ngunit patawarin niyo ako señor Kung mas pinili ko kayong balewalain." wika ni Lolo Gilong at tumingin pa ito sa direksiyon ni Soul na hindi naman namin nakikita. "Natakot ako na humingi kayo sa akin ng tulong. Matanda na ako at hindi na masyadong nakagagalaw pa."
"Ayos lang po iyon. Masaya ako na malaman na may nakaririnig sa mga kuwento ko noon." tugon naman ni Soul at alam ko na nakangiti ito ngayon.
"Eh, Lolo. Iyun po bang kaluluwa na nakakasama ninyo parati ay ang babaeng tinutukoy niyo na pinakamamahal ninyo?" sunod kong katanungan matapos kong maalala ang tinukoy niya noon sa hardin. Ang babaeng pagaalayan niya ng mga bulaklak. Labis talaga ang pagtatakha ko noong araw na iyon.
"Siya nga iyon, hija. Sa katunayan ay narito siya ngayon." sagot ni Lolo Gilong sa akin at tumingin ito sa kaniyang tabi. "Katulad ni señor Gael, hindi ko na rin siya nakikita pa. Dahil nabubuhay rin siya noong sinaunang panahon. Noong panahon ng mga kastila."
Magkahalong gulat at pagkamangha ang naging reaksiyon ko dahil sa kuwento ni Lolo Gilong.
"Umibig po kayo sa babaeng nabuhay sa sinaunang panahon?" gulat kong tanong. "Na ngayon ay kaluluwa na po?"
"Oo. Nakatatawang pakinggan ngunit sa kaniya ko lamang naramdaman ang tunay na pag-ibig. Masakit man Lalo na at hindi kami pwedeng magsama, pero masaya ako na nakilala ko siya. Kahit bilang kaluluwa na lamang," nakangiting sagot ni Lolo Gilong. Pansin ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata habang tila pilit nitong tinatanggap Ang kapalaran nila ng kaniyang minamahal.
Maaari pala ang ganon. Ang umibig sa taong nabuhay pa noong sinaunang panahon. Kahit kaluluwa na lamang ito at hindi na pwedeng makita at mahawakan. Ngunit kahit naman siguro sino ay maniniwala sa ganitong bagay. Dahil kung ako ang tatanungin, posible nga ito. Hindi man natin nakikita ang mga taong iniibig natin, puso naman ang nagdidikta. Sa sitwasyon na ganito, puso ang mapagkakatiwalaan.
"Lolo, t-tungkol po kay Soul— este Gael— Señor Gael. Ano po ang nangyari? Paano po siya namatay?" muli ko pang tanong kay Lolo Gilong. Nagbabaka sakali ako na may mga malalaman ako kay Lolo Gilong tungkol kay Soul. Sinabi nga niya kanina, alam niya ang kwento ng mga ninuno ng pamilya Enrique.
Ngumiti sa akin si Lolo Gilong at tumingin ito sa direksiyon ni Soul. "Maswerte ka, señor, dahil nakatagpo ka ng binibining katulad niya. Marahil ay hindi mo pa nalalaman lalo na at wala kayong naaalala... ngunit hinihiling ko na siya na ang makapagpapalaya sa inyo."
"A-ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ni Soul na mukhang katulad ko ay hindi maintindihan si Lolo Gilong.
Sa hindi ko malaman na dahilan, bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. May diperensiya na 'ata ito.
Ano ang sinasabi ni Lolo Gilong na sana ay ako na ang makapagpapalaya kay Soul? Paano naman iyon mangyayari?
"Isang doktor si señor Gael," panimula ni Lolo Gilong at tumingin na sa akin. "At namatay siya sa kalagitnaan ng Digmaang Espanyol- Amerikano."
Napalingon ako sa gawi ni Soul. At ramdam ko na maging siya ay nakatingin sa akin. Isa pala siyang doktor. At marahil ay namatay siya habang ginagawa ang kaniyang tungkulin sa kaniyang mga kapuwa.
Masaya ako na may nalalaman na ako tungkol kay Soul. Pero Sabi nga niya kanina, parang may kulang. Parang hindi ang pagkamatay niya ang nais niyang malaman. At kung gayon, ano ang kailangan niya?
Gael Enrique I
Kamukha niya si Gael ng kasalukuyan.
Isang siyang kastilang doktor noon dito sa pilipinas.
Namatay siya sa kalagitnaan ng Digmaang Espanyol- Amerikano.Bukod sa mga nalaman ko, ano pa ba ang dapat kong alamin. Mukhang namatay naman siya ng matiwasay. Kung Kaya ay hindi hustisya ang kaniyang dahilan para manatili pa rito sa mundo.
Napatingin ako kay Lolo Gilong nang bigla nitong hinawakan ang balikat ko. Tumingin siya sa direksiyon ni Soul at muling ibinalik sa akin ang tingin. Magkahalong lungkot at saya ang nakikita ko sa kaniyang mga mata.
"Ang kaniyang buhay pag-ibig ang nais itama ni señor Gael. Nabigo siyang hanapin ang tunay niyang pag-ibig sa kaniyang kapanahunan. Sa piling ng kaniyang asawa na si Señorita Juliana. At ngayon ay mukhang nakita na niya ang tunay na... nagpapatibok sa kaniyang puso."
Napatulala na lamang ako sa narinig ko. Paano ko naman matutulungan si Soul para itama ang kaniyang buhay pag-ibig? At ano ba ang naging problema?
#
BINABASA MO ANG
Mourning Souls
Mystery / ThrillerWhen ghosts whisper their injustices, Aiko listens. With her extraordinary gift, she guided countless spirits to the afterlife. But her world is turned upside down by a mysterious presence - a ghost she can't see, only sense. As she's drawn into its...