KABANATA 26

6 0 0
                                    


"Komposisyon mo ang Mira, Mi Amor..." gulat kong wika kay Soul.

Inilipat ko muli sa ibang pahina ang lumang libro na hawak ko pero hindi ko maintindihan ang mga nakasaad dito. Ang iba ay kumukupas na rin dahilan para hindi ko na ito mabasa ng maigi.

Tumingin ako sa gawi ni Soul na hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon.

"Kaya siguro kabisado mo ang liriko ng kanta. At may karugtong talaga ang liriko na... Te amo, Mi Amor." sabi ko. Pinilit kong kumalma nang biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Ayaw kong mapansin ito ni Soul.

Pero ang mga nalalaman ko ay hindi naman mahalaga. Dahil sa una pa lamang, hindi na ang ala-ala ni Soul ang kailangan niyang alamin.

Muli akong napatingin sa libro. Pero sunod akong napalingon sa isang silid nang mapansin kong nakabukas ito. Malapit na ito sa dulo ng ikalawang palapag kung nasaan ang mga litrato ni Gael kasama ang mga ninuno niya.

Kung tama ang pagkakaalala ko, doon nanggaling si Gael kanina. Bakit naman niya iniwan na nakabukas ang kaniyang silid? O baka naman nakalimutan lang niya.

Lumapit ako roon para isarado ito. Pero nang makalapit ako ay naagaw ng pansin ko ang mga kagamitan na nilalaman nito. Napasilip ako sa loob at pinagmasdan ang paligid. Malinis ang loob at halatang naaalagaan Ang mga gamit. Pero ang nakaagaw ng atensiyon ko ay ang mga hugis-parihaba na nakasabit sa dingding. Pero natatakpan ito ng mga puting tela.

Mukhang hindi naman mahilig si Gael sa mga makalumang gamit? Marahil ay nagkamali ako, hindi sa kaniya ang silid na ito.

Itinulak ko ang pintuan dahilan upang lumaki ang pagkakabukas nito. Tila may isang kakaibang hangin ang sumalubong sa akin. Dahilan upang muling bumilis ang pintig ng puso ko.

"Soul?" pagtawag ko sa kasama ko. "Magbantay ka rito. Sabihan mo ako kapag dumating na si Gael,"

"Mapapahamak ka sa iyong ginagawa, binibini."

Napatingin ako sa likod ko dahil sa sinabi ni Soul. "Wala namang itinatago ang pamilya ni Gael. Kaya Wala akong malalaman na ikapapamahak ko." saad ko.

Pumasok na ako sa loob at saka inilibot ang tingin sa kabuuan nito. Malawak ang silid. Makintab ang sahig pero makaluma na ang lahat ng kagamitan. Hinarap ko ang isang hugis-parihaba at hinawakan ang tela na tumatakip dito. Hinila ko ito dahilan upang bumungad sa akin ang isang painting. Pigura ito ng isang batang lalake. Ang husay ng pagkakagawa.

Sinuri ko ang bawat anggulo nito hanggang sa makita ko ang isang pangalan sa gillid sa ibaba ng painting.

- Gael Enrique II

Bahagya akong lumapit sa painting at hinawakan ito. Ang batang lalake na nasa painting... ang anak ni Soul kay Señorita Juliana. Kamukhang-kamukha niya si Soul. Ngumiti ako saka sunod na nilapitan ang katabi nitong hugis-parihaba na natatakpan din ng puting tela. Katulad Ng ginawa ko sa una ay hinila ko rin paibaba ang tela. Pero Kung ano ang bumungad sa akin ay labis Kong ikinagulat.

Napaatras ako at tila bigla akong nanginig kasabay ng pagbilis Ng pintig Ng puso. Ang babaeng nasa painting... Kamukhang-kamukha ko. Nakasuot ito ng baro't-saya habang nakangiti. Mula sa kaniyang mukha ay bumaba ang tingin ko sa ibabang bahagi ng painting Kung saan may pangalan na nakasulat doon.

- Juliana Natividad Enrique

Napakunot ang noo ko at muling ibinalik sa mukha Ng babaeng nasa painting. Napalapit pa ako Ng bahagya rito. Si Señorita Juliana ang nasa painting? Bakit kamukhang-kamukha ko?

Magkamag-anak ba kami?

"Anong ginagawa mo rito?"

Gulat akong napatingin sa pintuan ng silid na kinaroroonan ko nang biglang may magsalita mula rito. Pumasok si Lolo Gilong at seryoso ang tingin nito sa akin. Marahil ay ipinagbabawal na pumasok sa silid na ito. Pero hindi iyon ang mahalaga sa akin ngayon. Bakit magkamukha kami ni Señorita Juliana?

"L-Lolo—"

"Marahil ay nagtatakha ka kung bakit kamukha mo ang babaeng nasa obra," sabi ni Lolo Gilong dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita. Muli akong napalingon sa painting. "Hayaan mo akong ipaintindi sa iyo Ang lahat."

Mas lalong napakunot ang noo ko. Nalalaman din ba ni Lolo Gilong Kung bakit kami magkamukha ni Señorita Juliana?

"Siya ang aking asawa?" biglang tanong sa akin ni Soul na ramdam Kong nasa tabi ko. "Kaya pala pamilyar sa akin ang iyong hitsura, binibini."

Napalingon ako kay Soul dahil sa sinabi niya. Pati ba naman siya? Bakit hindi man lang nila sinabi sa akin na may kamukha ako? At si Señorita Juliana pa?

"Aiko...?"

Sunod akong napatingin sa likod ko nang marinig ko naman ang pagtawag ni Gael sa akin. Kunot-noo siyang pumasok sa loob at lumapit sa tabi ko.

"What are you doing here? And—" Napatigil sa pagtatanong sa akin si Gael nang mapatingin siya sa painting na kamukhang-kamukha ko. "Oh... so, nakita mo na." Sabi niya na ipinagtakha ko.

"Alam mo rin? Na kamukha ko ang asawa ni Soul?"

Tumango sa akin si Gael. "Yeah."

"Walang maayos na dahilan kung bakit kayo magkamukha ni Señorita Juliana," pagsasalita ni Lolo Gilong Kaya sa kaniya natuon ang atensiyon ko. Nasa harapan siya ng painting na may mukha ni Señorita Juliana na sobrang kamukhang-kamukha ko. "Ngunit normal lamang na may mga kamukha tayo. Maaring sa nakaraan, sa kasalukuyan o maging sa ating hinaharap."

Sang-ayon naman ako doon. Pero bakit hindi man Lang sila nagkuwento sa akin Ng mas maaga. Hindi lang ako makapaniwala na kamukha ko ang asawa ng kaluluwang nais Kong tulungan. Maging si Soul, hindi rin niya sinabi sa akin na pamilyar ako sa kaniya. Ngayon talaga nila ako ginugulat.

At hindi ko rin akalain na may kamukha ako noong sinaunang panahon.

"Ito si Señor Gael Enrique II, ang anak ng kaluluwang parati mong nakakasama." wika ni Lolo Gilong at lumapit sa unang painting na nakita ko kanina. "Ang obra na kamukhang-kamukha mo at Ang obrang ito ay gawa ni Señor Gael Enrique I. Noong panahon na ginagawa Ang obrang ito, marami nang nalalaman si Señor Gael tungkol sa asawa niyang si Señorita Juliana. Ngunit hinayaan lamang niya. Nais ni Señor Gael na si Señorita mismo ang magsabi sa kaniya Ng lahat Ng kaniyang nakaraan."

Gamit ang tungkod ni Lolo Gilong, naglakad siya palapit sa ibang mga hugis-parihaba na natatakpan pa rin ng puting tela. Isa-isa niyang tinanggal ang mga takip nito at bumungad sa amin ang magkakamukhang hitsura.

Ang mga ninuno ni Gael.

"At ang mga ito ay ipinagawa na lamang upang pagalala sa kanila." muling saad ni Lolo Gilong.

"Katulad mo, nagulat din ako nang malaman Kong kamukha mo ang isa sa mga ninuno ko," Sabi sa akin ni Gael. "Iyon din ang dahilan kung bakit ginusto ko na mapalapit sa'yo. Ah, hindi ibig-sabihin na gusto kong mapalapit sa'yo dahil lamang kamukha mo siya. I really want to be friends with you."

Napangiti na lamang ako. Kahit papaano ay naliliwanagan ako. Pero hindi ko maiwasang maisip. Paano naging madali para Kay Soul na makasama ako? Lalo na at kamukha ko ang dati niyang asawa na siyang dahilan Kung bakit siya nabigo.

Nagpaalam sa amin si Lolo Gilong at tinapik pa niya ang balikat ko.

"Alam mo na rin pala ang tungkol sa harana. Orihinal na pagmamay-ari ni Lolo Gael iyon at hindi sa akin," wika ni Gael sa akin habang nakatingin sa librong hawak ko.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Iniharap niya ako sa kaniya at ngumiti.

"G-Ginoo—"

"Hinihiling ko, na sana sa pangalawang pagkakataon... hindi na mabigo si Lolo Gael." nakangiting wika sa akin ni Gael dahilan para napakunot ang noo ko. "Sana mapalaya mo na siya." dugtong pa ni Gael.

Binitawan niya ang kamay ko at tumingin-tingin sa aming paligid na tila may hinahanap.

"Lo? Matutupad niyo na ang kahilingan ni Lola Mathilda."

#

Mourning SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon