Nattasha Pov:
Panibagong araw na naman ng kamalasan. Ayoko pa sana magising kanina eh pero pinilit talaga ako ni mother. Sabi nya pa bubuhusan nya daw ako ng tubig kapah hindi pa ako bumangon, kaya ayon ang bilis kong tumayo sa kama.
Patungo ako ngayon sa School kung nasaan ang mga demonyo. Wala akong choice kundi ang magtiis sa kanila, kung kaya ko naman edi go peri kung hindi edi sasapakin ko na sila.
Nag bus nalang ako dahil mahaba pa naman ang oras at hindi pa nama ako malalate kaya para makatipid dito nalang ako sumakay.
Huminto ang bus dahil may mga sumakay. Kinuha ko muna ang earphone ko para naman hindi ako maboring habang nag babyahe. Pero isang muka ang umagaw sa atensyon ko dahilan para hindi matuloy ang plano kong pakikinig ng music.
Isang lalaking taga Menarea ang sumakay sa bus. Umupo ito sa tabi ko nang mapatingin sya sakin. Agad kong kinuha ang portfolio at tinignan kung isa sya sa class E dahil parang nakita ko sya kahapon.
Luke,kyle,carl,kenzo,nico,gian,yuan,ken,ethan, steven, nathan-- ayun si nathan Hivaldi. Pasimple kong tinago ang portfolio sa bag ko habang tinitignan ang detalye nya, mahirap na baka makita nya at magalit sya.
Nathan Hivaldi
18
May 13
Anak ng mag asawang Director.
Kapatid ng isang sikat na artista.
Tahimik
Walang paki sa paligid
Laging tulog sa klase.
Basag ulo ang libangan.
Nagulat ako nang biglang huminto ang bus kaya nauntog pa ako sa likod ng upuan na nasa harap namin. Sapo sapo ko ang ulo ko habang umaayos ng upo, manong naman kasi bakit hindi nagsasabi na hihinto sya.
"Hey love birds bayad nyo?" Napatingala ako sa biglang pag sulpot ng kundoktor. Agad akong kumuha ng barya sa bulsa ko at binigay ito sa kanya.
"Hindi po kami love birds" galit kong wika sa kanya.
Tumingin naman sya kay Nathan na ngayon ay naglabas ng credit card at binigay ito sa kundoktor. Gulat ko syang tinigna peri nanatili lang syang naka poker face na parang ayos lang ang ginagawa nya.
"Mr. Hindi yan tinatanggap dito. Kundoktor ako at hindi casher" napakunot naman ang noo ni ethan.
"What!?" Inis nyang binalik ang credit card nya sa wallet nya at naghanap ng cash dun. Pero kahit anong hanap nya wala syang makitang cash dahil puro credit cards ang mga nandun. Tss bakit ba kasi sumasakay to sa bus eh mayaman naman sya.
Kinuha ko ang pera ko sa wallet ko at binigay sa kundoktor kaya na agad namang umalis para maningik sa ibang pasahero. Habang si ethan naman walang alam na bayad na sya at todo padin ang pag hahanap nya ng pera.
"But I dont have ca-- where is he?" Wika nya nang mapaangat ang muka nya.
"Okay na. Bayad ka na" wika ko kaya napatingin sya sakin.
"Bakit? Sinabi ko bang bayaran mo?" Aba tigna mo tong lalaking to, sya na nga tong binabayaran sya pa tong galit.
"Hindi pero nasasayang ang oras ng tao dahil sayo" wika ko sa kanya.
"Trabaho nila ang mag antay" balik nya namang wika.
"Hindi. actually dapat naka ready na ang pera mo kapag sasakay ka sa bus. Teka nga bakit ka ba kasi nag bus eh mayaman ka naman?"
BINABASA MO ANG
Only Girl In The Class
RandomMENAREA SENIOR HIGH SCHOOL Isang paaralan kung saan bilang lang sa daliri ang mga babae. Isang paaralan kung saan ikaw ang prinsesa ng maraming Prinsepe. Isang paaralan kung saan napapalibutan ka ng maraming lalaki. Isang paaralan kung saan kada se...