Chapter #19 SAN MANARIA

73 5 0
                                    

Nattasha Pov:

Sabay kaming lumabas sa kwarto nang marinig namin ang ingay mula sa labas. Paglabas ko saktong sumalubong sakin si sam habang nasa likod nya si kian.

Tss

"Nat nat mamaya daw pupunta ang mga taga san manaria dito!" Excited nyang anunsyo.

"Oh tapos?" Walang gana kong tanong. Tumingin ako sa paligid kung saan nagbibigay si sir eman ng kulay green na damit na may letrang MSHC sa likod nito habang may tatak sagip kababayan naman ang nasa harapan.

"Baka maraming igop dun"

Tumingin ako sa kanya ng kunot noo. "Igop?"

"Pogi teh" napairap ako sa sagot nya. Andaming alam ng diablong to.

"Bakit pa kayo maghahanap ng pogi dun kung nandito naman kami sa harapan nyo" biglang sulpot ni tristan. Nag thats my bae pa sya habang naniningkit ang mata.

"Nat hindi ka ba kinikilabutan? May diablo atang mahangin dito" wika ni sam. Umakto pa syang kinikilabutan.

"Anong diablo? Pogi naman talaga ako ah" protesta ni tristan. Maya maya lang dumatin din si lorenz at ngumiti samin.

Abot tenga naman ang ngiti ni sam nang makita nya si lorenz. Sa kabilang banda naniningkit naman ang mata ni kian at igting panga syang tumingin kay lorenz.

Yan torpe mo kasi.

Siniko ko si sam kaya natanggal ang ngiti nya at inis na tumingin sakin. Tinaasan ko sya ng kilay at ganun din ang ginawa nya. Maya maya lang may lumapit na lalaki at binigyan kami ng tig iisang t-shirt.

"Bukas pa tayo magsisimula at mamayang hapon naman ang pagpunta ng mga taga san manaria dito. Sa ngayon kumain muna tayo ng tanghalian dahil alam kung gutom na kayo" anunsyo ni sir eman.

Binigyan kami ng pagkain at halos wala akong makilala sa mga yun maliban sa kanin. Sabagay puro mga mayayaman ang mga nandito kaya bakit pa ako magatataka?

Lahat sila tinangap ang pagkain maliban sakin. Nilagay ko lang yun sa mesa na nasa harap ko, lahat kami nagkalat dito sa loob ng malaking sala na to kaya kung saan saan lang sila nakaupo.

Hindi naman sa ayaw ko sa pagkain ah. Pero kasi hindi naman ako kumakain ng pagkain na yan at hindi ko kilala yung pagkain na yan. Hindi pa naman ako gutom kaya hindi ko muna yun kakainin.

Dati kasi nung bata ako kumain din ako ng pangmyamang pagkain, hindi ko alam na may allergy pala ako sa nakain ko kaya sinugod ako sa ospital at halos kinamatay ko yun, Subrang nag-alala si mama nun kaya simula nun hindi na nya ako pinapayagang kumain ng mga pagkaing hindi familiar sakin. Nagiingat na rin si sam sa mga pinapakain nya sakin na panmayaman.

Hindi ko alam kung saan ako may allergic sa mga pagkain, hindi rin kasi sinabi ni mama sakin kaya nag-iingat nalang ako.

"Nat!?" Tawag ni sam mula sa gilid ko nang mapansin nyang hindi ako kumakain. Tumingin sya sakin bago dun sa pagkaing nasa harap ko. Tumingin din sakin sina kian,louie,tristan at Miguel. "Ah, gusto mo ipabili kita ng ibang pagkain?" Alok ni sam. Kaya ni sam magpabili ng pagkain para sakin dahil mayaman sya kaya madali lang sa kanya na sabihin yun.

Hinilig ko ang ulo ko at ngumiti. "Ayos lang hindi pa naman ako nagugutom eh" nakangiti kong sabi sa kanya. "Sige na kumain ka na"

Nakita ko mula sa peripheral vision ko na binaba ni Louie ang pagkain nya kaya taka akong tumingin sa kanya. Tinignan ko ang pagkain nya at mukang nabuksan lang yun pero walang bawas.

Nagkrus arm lang sya at sumandig, sumulyap sya sakin nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin at hindi na sya pinansin.

Anong problema nya?

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon