chapter #5 SAVED

119 16 1
                                    

Nattasha Pov:

"Arayyyyyy amg sakit!!" Reklamo ni tristan pero mas diniinan ko pa yung ice compress sa muka nya.

"Deserve mo yan" wika ko. Binitawan ko ang ice compress at hinayaan nalang na sya ang gumawa nun sa sarili nya.

Nakapameywang akong humarap sa lahat na abala sa paglalagay ng ice compress sa mga muka nila. Kasama ko din si Sam, tumutulong din sya paggamot sa mga ugok.

"Ano masakit?" Tila nang aasar kong tanong sa kanila.

"Hindi!" Sabay sabay naman nilang sagot. Tss palibhasa mga sanay sa basag ulo.

"Nat nat, kuha kaya tayong gamot. Marami kasi sa kanila ang may sugat eh" suggestion ni sam. Tumango naman ako bilang pagpayag.

Iniwan muna namin sila sa loob ng classroom habang papaunta naman kami ni sam sa clinic para humingi ng gamot. Dapat kasi hindi na ginagamot ang mga hunghang ma yun eh, deserve nila yun.

"Pangit mo kabonding kanina nat, akala ko ba naman makikipag away ka na. May pa ayos ayos ka pa ng sapatos at tali" wika ni sam habang naglalakad kami.

"Baka mas lumala kapag nakisali ako sam" sabi ko sa kanya.

"Tsk tsk. Btw anong sinabi mo sa kanila at napahinto sila?" Tanong nya. Napaisip naman ako sa nangyari kanina. Oo nga naman bakit naman ang bilis nilang mapahinto eh hindi naman nakakatakot yung mga banta ko. At karamihan din sa kanila ay sina tristan ang nagpatigil. Ano kayang sinabi ng tukmol na yun?

"Hindi ko din alam kung bakit sila tumigil, eh hindi naman importante ang mga banta ko sa kanila" sagot ko.

"So binantaan mo sila? Sa pagkakilala ko sa class E hindi sila nagpapaawat sa away kahit na professor pa ang mag awat" paliwanag nya. "Baka naman sumunod sila sayo kasi gusto ka rin nila pero di lang nila sinasabi" muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway sa sunod na sinabi ni sam.

"Gusto? Eh pinahihirapan nga nila ako"

"Siguro gusto ka din nila pero di lang nila sinasabi" pag uulit nya pa habang nakatingin sa taas na parang nag iimagine.

"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya. Pumitik sya sa harap ko at ngumiti.

"Dati kasi ang class E. Gustong gusto nilang magkaroon mg lass katulad ng sa ibang section para naman daw may prinsesa sila, at nung nagkaroon nga sila ng lass subrang saya nila nun pero nung nalaman ni bianca yun, gumawa sya ng paraan para mapaalis ang lass ng class E" kwento nya habang naglalakad kami. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig.

"Siguro hindi kinaya ng lass ng class E ang pambubullyng ginagawa ni bianca. Kaya nabalitaan nalang namin na lumipat na ang lass ng ibang school, subrang nalungkot ang class E dahil sa pag alis ng lass nila. Tapos nun makalipas ang ilang lingo may bago na namang lass na dumating so tuwang tuwa ulit sila pero dahil nalaman na naman ni bianca yun at napakaepal nya. Ganun din ang ginawa nya sa bagong lass ng class E at yung lass naman umalis na naman"

"Nalaman ng class E ang ginagawa ni bianca sa mga lass nila kaya hanggang ngayon magkagalit ang dalawang class." Pagtapos nya sa kwento.

Nakarating na kami sa clinic at agad kaming nanghingi ng gamot. Binigay naman agad yun ng nurse. Pagtapos nag paalam na kami.

"Bakit nga pala galit si Bianca sa mga lass ng class E?" Tanong ko pa. Ewan ko pero gusto kong malaman ang mga nangyari sa class E.

"Kasi... ex nya ang iba dun" binulong nya pa ang huli nyang sinabi. Laki mata ko naman syang tinignan. Eh? Seryoso may mga ex sya dun?

"Sino sino?" Curious ko pang tanong.

"Hindi ko alam kung sino sa kanila pero ang alam ko tatlo ang ex nya dun, kaya sya nagagalit sa mga lass ay dahil nagseselos sya, dahil may babae ang
Class E. Knowing bianca hindi nya gustong may umaagaw sa gusto nya or sabihin na nating galit sya sa mga ex nya at gumaganti sya sa paraan ng pagbully sa mga lass" paliwanag nya. Napa ohh naman ako dahil sa nalaman ko. Tss kung galit sya sa mga ex nya bakit nya binubuntong sa mga lass?

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon