chapter #7 CAMPING PART ONE

106 13 0
                                    

Nattasha Pov:

"Maraming salamat sa lahat ng pumunta!" Wika ng dean mula sa stage. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya habang nakikinig.

Napasulyap ako sa mga kasama ko. Walang gana silang nakatayo habang kung san san ang tingin. Hayts sarap nilang tirisin isa isa, sumama nga sila hindi naman sila nakikinig.

"I just wanted to let you all know that we will have camping activities. It is a survival life where we are going somewhere with no one else but you. You have to stand on your own two feet to survive, you will only bring essentials" anunsyo ng dean. Marami ang natuwa at class lang ata namin ang walang natuwa.

"Lahat ay kaylangang sumama dahil para rin ito sa mga grades nyo" mas lalo silang natuwa dahil sa sinabi ng dean, pero yung class namin wala paring emosyon.

"Kaylan po magaganap yun?" Tanong ng nagtaas ng kamay.

"Bukas. Kaya maaga ang uwi nyo ngayon para makapaghanda kayo ng mga gamit nyo" napalaki ang mata ko sa sagot ng dean. As in bukas? Talaga agad agad? Bakit ngayon lang nila sinabi?

Pagtapos mag anunsyo ng dean pinaalis na rin agad kami. Yung class E hindi pa sinabi ng dean na tapos na sya sa announcement nya bigla nalang umalis ang mga loko, as in lahat sila. See ang babastos, napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa kahihiyang binibigay nila sakin.

"Sasama kayo bukas" anunsyo ko sa class E. Hindi man lang nila ako tinignan ay aba bastos ng mga to ah. "Narinig nyo ba ako?" Kalmado kong sabi pero gusto ko na talagang sumabog sa inis.

Wala akong nakuhang sagot sa kanila kaya umupo nalang ako sa upuan ko. Masyado nang sumasakit ang ulo ko sa kanila, sila ata ang dahilan nang ikakamatay ko eh.

"Masama ba pakiramdam mo nat nat?" Tanong ni sam. Tumingin ako sa kanya saglit bago dumukdok ulit sa lamesa.

Nasa cafeteria kaming dalawa. Kumakain sya habang ako nakadukduk sa lamesa. Uwian na rin naman kaya dumaan muna kami dito dahil nagugutom si sam. Tulad ng sabi ng dean maaga kaming pinauwi lahat para makapaghanda.

"Bakit pinahirapan ka ba nila ulit?" May bahid ng pag aalala ang boses ni sam. Kahit di ako nakatingin sa kanya alam kong nakanguso sya.

Pinihig ko ang ulo ko. "Hindi. Ayos lang ako" wika ko para naman tumigil na sya sa pag aalala.

"Ano nga? Hindi ka okay eh sabihin mo na" pagpupumilit nya. Humarap ako sa kanya at tama nga ako dahil nakanguso na naman sya.

"Wala lang akong gana" simpleng sagot ko. Kumuha sya ng isang fries at inalok sakin na tinanggihan ko naman.

"Namomroblema ka ba sa mga kaklase mo? Nakita ko kasi kanina sa gymnasium na hindi sila nakikinig eh at mukang wala din silang pakialam sa announcement ni dean" wika nya. Tumango ako sa kanya.

Dumukdok ulit ako sa lamesa. Para akong maiiyak na hindi, naluluwa kasi ang mata ko kahit hindi naman ako umiiyak tapos parang bibigay pa yung mga tuhod ko.

"Duh hindi ka si Nattasha Zen Mesina para sa wala noh, edi pilitin mo silang sumama at kung ayaw talaga nila samahan mo sila sa mga bahay nila at ikaw nalng mismo ang mag ayos ng gamit nila" suggestion nya. Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya.

"Kung gagawin ko yun baka sa susunod na araw pa ako matatapos at syaka hindi na sila bata para ipagligpit no"

"Hindi na nga sila bata pero kung mag isip masahol pa sa bata"

"Ah basta bahala sila kung hindi sila sasama bukas, hindi ko sila pipilitin hindi naman ako ang mawawalan ng grades eh" wika ko bago tumayo. "Hindi ka pa ba tapos dyan? Tara na" aya ko sa kanya. Dali dali nya namang nilagay lahat ng fries sa bibig nya bago uminom ng juice.

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon