chapter #10 DANGER

102 13 0
                                    

Nattasha Pov:

"Don't pretend you care about me. Dederetsahin na kita... hindi kita gusto para maging lass ng section namin"

Hindi naman masakit parang kagat lang ng dragon. Dalawang araw na ang nakalipas at hindi parin mawala sa isip ko yung sinabi ni james. Oo alam kong hindi nya ako gusto nung una palang pero yung sabihin sakin yun ng harap harap... nakakadurog na puso.

Last day namin ngayon at sa kabutihang palad hindi naman nakuha ang flag namin dahil bantay sarado ito ng lahat. Hindi na naging masaya ang pananatili namin dito dahil lumungkot ang awra araw araw. Bukod kasi sa may kasalanan pa sila sakin eh dagdag pa yung sinabi ni james, awkward tuloy kapag nagkakatagpo kami.

Lumabas ako ng tent at nagsimulang ayusin ang mga gamit, sabi kasi ni dean dun na daw kami mananatili sa main house dahil last day na namin. Gusto nya kasing makapag bonding din kami sa ibat ibat class. As if namang mangyayari yun.

Nakita kong lumabas na din sila sa kanya kanya nilang tent at sinimulang ligpitin ito. Tumingin lang sila sakin ng saglit at tumutok ulit sa tent nila.

Maya maya lang lumapit si tristan at ethan sakin para tulungan ako sa pagliligpit, ngumiti sila sakin pero tinignan ko lang sila. Hindi naman ako galit sa kanila sadyang wala lang akong ganang makihalobilo sa kanila. Iniisip ko kasi kung sino si leah at ano ang role nya sa class E at sa buhay ni james.

Akala nila hindi ko nakita at narinig yung away nila nung nakaraang gabi, nung oras na nagsagutan sila nandun na ako nun pero hindi lang ako lumapit dahil gusto kong marinig kung anong dapat kong malaman, lumapit lang ako sa kanila nung magsimula na silang magsapakan at tinanong kung anong nangyari kahit alam ko naman.

"Kahit kaylan hindi ko sya tatangapin bilang lass ng class E. Sa una lang naman sya magaling at sa huli aalis din sya at iiwanan tayo kaya wag kayong masyadong umasa na magtatagal sya satin dahil katulad lang sya ng mga nauna na walang kwenta!"

"Palibhasa si leah lang ang iniisip mo kaya hindi mo kayang tumanggap ng bagong lass. Wag mong ikumpara si Nattasha sa mga dating lass dahil iba sya sa mga yun. Bakit nagawa ba ng dating lass na ipagtanggol tayo kay bianca? Nagawa ba ng dating lass na pigilan tayo sa cutting classes? Nagawa ba ng dating lass na pigilan tayo sa away? Nagawa ba ng dating lass na ipagtanggol tayo sa dean? Hindi diba? Kahit kaylan hindi nagawa ng leah mo ang ginawa ni Nattasha ngayon!"

Dahil sa mga sinabi nila parang nagkaroon ako ng rason para manatili sa tabi nila, parang gusto kong malaman ang lahat ng nangyari sa mga naunang class lass.

"Lass?" Napaigta ako ng pumitik si ethan sa harap ko. Tumingin ako sa kanya at sa class E na paalis na pala at ako nalang ang naiwang nakatulala.

Kinuha ko ang bag ko at ang flag bago sumunod sa kanila, nasa unahan silang lahat habang ako nasa likuran kasama si ethan.

"Nattasha ayos ka lang?" Tanong nya habang naglalakad kami.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng mapait. "Ayos lang ako" tugon ko nang nakangiti.

"Ethan pangit ba ako?" Nagulat kami nang bigla nalang sumulpot si tristan.

"Tinatanong pa ba yan?" Sigaw ni steven ng di tumitingin samin.

"Manahimik ka dyan hindot. Ikaw na ba si etha ngayon?" Pagatataray ni tristan, tumingin ulit sya kay ethan at hinintay ang sagot nito. Problema nito bat bigla bigla nalang susulpot at magtatanong ng obvious na tanong.

Hinawakan ni ethan ang dalawang balikat nya. "Alam mo tan. Walang pangit na ginawa si God" wika nya dito.

"Talaga? Salamat"

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon