Dedicate to White-Readers
Nattasha Pov:
"Good morning!" Bungad kaagad ni tristan nang buksan ko ang pinto ng kwarto. "Ay fresh kahit bagong gising oh" inirapan ko sya bago laktawan.
Sinigurado ko talagang bago ako lumabas nakapag-ayos ako ng itsura ko. Lalo na kung mga mayayamang lalaki ang bubungad sayo. Umupo ako sa malaking sofa kung saan nakaupo ang iba.
"Good morning" bati ng lalaking tinabihan ko.
Ngumiti ako sa kanya at inayos ang upo. "Morning"
Maaga kaming ginising dahil maaga daw kami aalis. Pag gising ko wala na din si louie sa kama nya at ngayon hindi ko sya makita. Natulog kaming hindi nagpapansinan kagabi, hindi ko alam kung bakit sya nagagalit sa sinabi ko. Hindi naman talaga kami friend eh kaya anong kinagagalit nya?
Napabalikwas kami nang may marinig kaming busina ng bus. Kunot noo kaming tumingin sa labas at san manaria ang nakita namin. Lahat sila masayang bumaba sa bus habang kami nakatingin lang sa kanila.
"Sakit sa tenga" reklamo ng kakarating lang na si sam. Pinagkasya nya ang sarili nya sa tabi ko at yumakap sa braso ko. "Inaantok pa ako eh" mahina nyang saad.
Binalik ko ang tingin ko sa labas. Sabay sabay silanb pumasok pero walang nag welcome sa kanila maliban kay sir eman.
"Okay lahat kayo magsi-ayos na dahil maya maya aalis na tayo!" Anunsyo ni sir. Kahit ayaw pa ng iba tumayo ginawa parin nila.
Tumayo na din ako na kinatumba naman ni sam. Agad syang bumangon at tumingin sakin, hawak mya ang ulo nya na sigurado akong nauntog. Nakatulog pala sya sa braso nya.
"Ang saki...t" reklamo nya pero inaantok parin ang boses nya.
"Umayos ka nga! Dalian mo na dyan at maligo na. Aalis na tayo mamaya" saad ko sa kanya bago sya talikuran. Nakita ko namang tumayo sya kaya alam kung sinunod nya ako.
Tapos na ako magbihis pero wala parin si louie. Saan na ba nagpunta yun? Nakapantalon lang ako at tshirt na pinamigay ni sir eman. Tinali ko rin nang pa-pony ang buhok ko at nagsuot din ng rubber shoes.
Marami na rin ang nasa labas nang makalabas ako ng kwarto. Parepareho lang ang mga damit namin pero iba iba ng pambaba. May mga nakashort,pantalon,jagger at sweat pants.
Lahat ay excited nang huminto ang bus sa isang orphanage. Sabay sabay kaming bumaba.
"OMG! Andaming bata!" Impit na tili ni sam sa tabi ko. Mahilig kasi sya sa mga bata dahil simula pa nun gustong gusto nya na magkaroon ng kapatid pero hindi na kaya ng mama nya.
"Nakita mo ba si louie?" Biglaang tanong ko. Hindi nya narinig dahil nasa mga bata mula sa malayo ang tingin nya. "Sam nakita mo ba si louie?" Pag-uulit ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa lumilitaw si louie kaya kinakabahan na ako.
"Sam nakita mo ba si louie" tanong ko ulit. Ayokong lakasan ang boses ko dahil baka isipin nila hinahanap ko si louie na totoo naman. Sinuntok ko sya sa balikat na kinangiwi nya. Humarap sya sakin nang kunot noo.
"Bat ka nanunnutok! Ano na naman ba trip mo?" Inis nyang asik.
"Sabi ko nakita mo ba si louie?" Tanong ko. Lumaki naman ang mata nya at lumapit sakin kaya agad kong nilayo ang muka ko.
"Bakit nag away kayo ng boyfriend mo?" Naningkit mata nyang tanong.
"Hindi ko sya boyfriend"
"Edi manliligaw?"
BINABASA MO ANG
Only Girl In The Class
RandomMENAREA SENIOR HIGH SCHOOL Isang paaralan kung saan bilang lang sa daliri ang mga babae. Isang paaralan kung saan ikaw ang prinsesa ng maraming Prinsepe. Isang paaralan kung saan napapalibutan ka ng maraming lalaki. Isang paaralan kung saan kada se...