chapter #11 MINA

95 10 0
                                    

Nattasha Pov:

Nagising ako dahil naramdaman ko ang kamay sa muka ko. Pag dilat ko ng mata muka ni mama ang bumungad sakin, nagulat pa sya dahil sa biglaan kong pag gising pero natuwa din. Agad nya akong niyakap at halos hindi na ako makahinga. Pinakawalan nya lang ako nang umubo ako.

"Anak. Buti naman at gising ka na, jusko hindi ko kayang nakikita ka ng ganyan" halos mangiyak nyang sabi. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay nya.

"Ma... ang oa mo" agad nya akong hinampas dahil sa sanabi ko, natatawa akong bumangon at umupo. Teka nasan ba ako? White wall, puting sahig, puting kama, at mga puting gamit teka hindi ko to kwarto ah. Ahh confirm nasa langit ako.

"Ma nasa langit na ba ako?" Totoo ba? Tinanggap ako sa langit?

Napaaray ako nang batukan nya ako. "Anong langit ka dyan? Nasa hospital ka"

Nasa hospital pala ako, Akala ko nasa langit na ako sayang naman kung ganun. Teka pano ba ako napunta dito? Ang natatandaan ko ay nawalan ako ng malay malapit sa ilog dahil--teka si sam, oo tama si sam.

"Ma nasan si sam? Nakaligtas ba sya? Ma hindi ko sya natulungan, nasan sya?" Tumulo ang luha ko sa pagiisip na hindi nakaligtas ang kaibigan ko.

"Nakaligtas sya, Niligtas sya ng kaklase mo actually nasa kabilang room lang sya" agad akong bumaba ng kama na kinagulat ni mama.

"Teka Nattasha magpahinga ka muna" pagpigil nya sakin.pero bago nya pa ako mapigilan nakalabas na ako sa kwarto.

Dali dali akong pumunta sa kabilang kwarto. Kumatok muna ako bago pumasok, si tita esther ang nakita kong nagaalaga kay sam. Nakahiga si sam at wala pang malay.

Naramadaman ni tita esther ang pagdating ko kaya bumaling sya sakin. "Oh nat. Bakit ka nandito? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" alala nyang tanong. Naiiyak ako dahil sa pinapakita nya, nagagawa nya pang mag alala para sakin samantalang muntik na mamatay ang anak nya at wala akong nagawa.

Naglakad ako palapit sa kanya at agad syang niyakap. "T-tita patawad p-po, patawad dahil hindi ko nagawang iligtas si s-sam. Kasalanan ko po kasalanan ko kung bakit sya n-nandito?" humihikbi kong wika habang nakayakap sa kanya.

Bumitaw sya ng yakap. Hinawakan nya ang muka ko upang punasan ang mga luha ko. "Wag mong sisihin ang sarili mo, naiintindihan kita kung bakit hindi mo nagawang iligtas si sam. Alam ko ang dahilan kaya wag mong sisihin ang sarili mo" nakita kong may bumagsak na likido mula sa mata nya.

Tumingin kami kay sam na wala pang malay. "Subrang natakot ako nung malaman ko ang nangyari kaya nagmadali akong pumunta dito. Nalaman ko ang nangyari sa kanya pero hindi ako nagalit sayo" tumingin sya sakin at binalik ulit ang tingin kay sam. "Si sam lang ang anak ko kaya masakit kapag may nangyayaring masama sa kanya, hindi ko kaya nat hindi ko kayang mawala ang anak ko. dahil sya ang lakas at kahinaan ko" pinunasan nya ang luha nya. "Alam mo... kung di dahil sa lalaking sumagip sa kanya siguro wala na akong a-anak. Malaki ang utang na loob ko sa lalaking yun"

Tumingin ako sa kanya na nagtatanong. "Sino daw po ang lalaking yun?" Tanong ko.

Nag kibit balikat si tita. Maya maya may narinig kaming katok kaya agad na pinagbuksan yun ni tita esther. Hindi ko na pinansin ang taong yun dahil kay sam lang ang tingin ko.

Tinignan ko ang kabuuan nya. Maganda si sam, makinis at maputi ang balat nya, mahaba din ang buhok nya at may hugis ang katawan nya, maamo din ang mukha nya. muka syang mahinhin pero ang totoo madaldal talaga sya. Galing sya sa mayamang pamilya kaya alagang alaga sya sa katawan nya.

Hindi ko nga alam kung pano kami naging magkaibigan eh. Isa syang alien na bigla nalang lumitaw sa buhay ko.

"Nat" tawag ni tita esther kaya lumingon ako sa kanya. Katabi nyang nakatayo si kian? Anong ginagawa nya dito? "Nat sya yung lalaking nagligtas kay sam" pagpapakilala nya kay kian. Tinignan ko si kian pero masamang tingin lang ang reply nya.

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon