Nattasha Pov:
Nakatulaley lang ako sa kisame habang pinapanood ang mga butiking nag t-twerk. Charot wala lang talaga ko magawa, nakalabas na ako sa hospital at hindi muna ako pinapasok para makapagpahinga daw ako.
Nandun parin si sam. Hindi ko alam kung gising nya sya or hindi pa, hindi ko din alam kung galit ba sya or hindi. Itatakwil nya na ba ako bilang kaibigan nya dahil hindi ko sya natulungan. Sasampalin nya ba ako dahil ansama ko? Sana hindi, malapad kasi yung kamay ni sam eh. Pag sinampal ka nun tanggal pati kaluuwa mo.
Napabangon ako nang may marinig akong parang nabasag na gamit. Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para tignan kung anong nangyari. Nadatnan ko si mama na pinupulot ang nabasag na pinggan habang sa kabilang kamay nya hawak nya ang cellphone nya.
"Ma anong nangyari?" Tanong ko habang palapit sa kanya. Agad syang umangat ng tingin sakin at tinago ang cellphone nya.
"W-wala. Nadulas lang ang pinggan sa kamay ko, don't mind me bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga" tugon nya. Tumango tango nalang ako bago maglakad pabalik.
"Ouch" napahinto ako at tumingin kay mama. May dugo ang kamay nya na sigurado akong dahil yun sa pagdampot nya ng bubog.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay nya. "Ma naman wag mong damputin, walisin mo nalang" amok ko. Laking gulat ko nang bawiin nya ang kamay nya sakin nang padabog.
"I told you to go back to your room, didn't I!?" Pasigaw nya.
Tumayo sya kaya tumayo na din ako. "O-okay?" Hindi nalang ako dumagdag pa dahil mukang masama ang mood nya. Ayoko namang dumagdag pa sa kung anong problema nya.
Nang sumapit ang tanghali napagdisisyonan kong lumabas ng kwarto para kumain. Hindi ko nakita si mama sa sala nang dumaan ako. Wala din sya sa kusina nung pumasok ako dun, siguro lumabas lang sya saglit or nasa loob ng kwarto nya.
Pagtapos kong kumain nilinis ko na agad ang mga ginamit ko. Lumabas muna ako saglit sa garden namin para lumasap ng sariwang hangin. May garden kami sa likod ng bahay kung saan para itong maliit na kubo pero walang bubong, mga halaman ang mga nandun at sa gitna nun may upuan para pahingaan.
Ang gaganda ng mga halaman ni mama. Umupo ako sa gitna at tumingin sa paligid. Magaling mag alaga ng mga halaman si mama at magaling din syang pumili ng magagandang klase ng halaman. Dati nga kapag kumukuha ako ng dahon sa isa sa mga halaman nya pinapagalitan nya ako eh, mas mahal mya pa nga ata yung mga halaman kesa sakin eh.
"I will not give her to you" narinig ko ang boses ni mama kung saan. Galit ang boses nya na parang may kaaway sya. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin sya.
Natagpuan ko sya sa labas ng kubo. May kausap sya sa phone nya.
"Pwede ba tantanan mo na kami" diin nyang sabi. Sinusubukan nyang pigilan ang paglakas ng boses nya. Teka sino ba yung kausap nya?
Pinatay nya ang tawag kaya dali dali akong nagtago sa loob ng kubo. Narinig ko ang yapak nya hanggang sa makaalis na sya.
Ilang minuto din akong nasa loob ng kubo habang iniisip kung sino ang kausap ni mama. Nag aalala kasi ako sa kanya dahil iba ang awra nya kanina. Sinong ayaw nyang ibigay at sino yung taong kausap nya?.
Bumalik ako sa bahay, nadatnan ko si mama sa sala habang nakaharap sa laptop nya. Nang makita nya ako agad sya tumingin sakin nang may pagtataka.
"Saan ka galing?" Magkasalubong na kilay nyang tanong.
Hindi ko pwedeng sabihing sa garden dahil baka malaman nyang narinig ko sya.
"S-sa labas lang po" tugon ko. Tumango tango lang sya bago ibalik ang tingin sa laptop.
BINABASA MO ANG
Only Girl In The Class
RandomMENAREA SENIOR HIGH SCHOOL Isang paaralan kung saan bilang lang sa daliri ang mga babae. Isang paaralan kung saan ikaw ang prinsesa ng maraming Prinsepe. Isang paaralan kung saan napapalibutan ka ng maraming lalaki. Isang paaralan kung saan kada se...