Nattasha Pov:
Gabi na at nasa kanya kanya na kaming mga room. Medyo naiilang din ako dahil first time kong may makasamang lalaki sa kwarto. Kahit nung kami pa ni Miguel hindi pa kami nun nagkakasama sa kwarto, hindi pa yun natutulog kasama ako.
Nasa kama ako habang nag aayos ng higaan ko habang yung kasama ko naman nakahiga na sa kama nya. Nasa kabila ang tingin nya kaya hindi ko alam kung tulog na ba sya or hindi.
Maya maya lang bigla syang gumalaw at tumingin sakin kaya dali dali akong umiwas ng tingin. Nakikita ko sa peripheral vision ko na hindi sya mapakali dahil galaw sya nang galaw. Problema nito?
Nang matapos akong mag ayos ng higaan, agad akong humiga. Mahina akong napatili nang bigla syang bumangon at humarap sakin kaya dali dali din akong bumangon at humarap sa kanya. Parang tanga tong lalaking to.
"Ano bang problema mo?"
"Hindi ka ba nagugutom?"
Halos sabay naming tanong, bigla namang tumunog ang tiyan ko kaya napatingin sya dun. Hindi rin kasi ako kumain kaninang dinner dahil ganun parin ang pagkain at tulad ko hindi rin sya kumain. Hindi ko alam kung anong trip nya sa buhay at nakikigaya sya sakin.
Nakakaramdam na din ako ng hilo kanina pa pero nawawala din naman yun.
"Bakit gutom ka na b-ba?" Hindi nya ako pinansin sa halip dumeretso sya sa aparador at kumuha ng jacket na agad nyang sinuot.
Nagulat ako nang hawakan nya ako sa braso at hinila palabas. Aangal pa sana ako pero sumenyas sya na wag gumawa ng ingay. At dahil nga masunurin ako hindi nalang ako nagreklamo.
Tahimik kaming lumabas sa kwarto. Nang makalabas kami, tahimik na sala ang sumalubong samin. Walang katao tao sa sala kaya maayos kaming nakalabas ng bahay.
Nang makalabas kami nang tuluyan, bumitaw ako sa kanya at takang tinignan sya. "Ano bang gagawin natin? Ano bang trip mo sa buhay ha?" Irita kong tanong. Bakit kasi dinamay damay nya pa ko dito at ako naman tong si uto uto, sumunod naman ako sa kanya.
Nilgay nya ang dalawa nyang kamay sa magkabilang bulsa nya at tumingin sa paligid. "Nagugutom ako"
"Tapos?" Gabi na kaya subrang lamig plus mag be-ber months na kaya yung lamig parang tinunaw na yelo. Buti nalang dahil naka-pyjama ako habang may suot na makapal na jacket.
"Hindi ka ba nagugutom? Ako kanina pa gutom, hindi ako kumain kaninang tanghaliaan tapos pinalampas ko din yung dinner kaya nagrereklamo na yung abs ko" napairap ako sa sinabi nya. Abs ba kumakain ngayon?
"Sino ba kasing nagsabi na wag kang kumain? Wala diba?" Umirap ako.
"Hindi ka kumakain kanina eh" nakanguso nyang saad. Lalo akong napairap sa ginagwa nya.
"Ano naman kung hindi ako kumain? Kaylangan ba wag ka na rin kumain?Aba kaylangan ba sabayan moko sa gutom?"
"Oo. Ganun talaga pag mahal mo, sabayan mo sa lahat" napatingin ako sa kanya. mabuti nalang at gabi kaya hindi halata ng pamumula ng muka ko.
Seryoso ba talaga sya sa sinabi nya na gusto nya ako? Bigla tuloy bumalik ang ilang ko.
"O-oh tapos?" Umiwas ako ng tingin. Narinig ko ang mahina nyang tawa. Maya maya lang naramdaman ko na naman ang kamay nya sa braso ko at huli na nang mapagtanto kong hila hila na nya ako.
Hila nya lang ako habang naglalakad at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakasunod lang din ako hanggang sa huminto kami sa isang kainan.
Wala sa sariling bumitaw ako sa kanya at naunang pumasok dun. Nang mapansin ko ang ginawa ko, huminto ako at hinintay sya. Nakangiting sumunod sya sakin.
BINABASA MO ANG
Only Girl In The Class
RandomMENAREA SENIOR HIGH SCHOOL Isang paaralan kung saan bilang lang sa daliri ang mga babae. Isang paaralan kung saan ikaw ang prinsesa ng maraming Prinsepe. Isang paaralan kung saan napapalibutan ka ng maraming lalaki. Isang paaralan kung saan kada se...