Dedicate tokriingkles
Nattasha Pov:
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad lakad sa open field dahil hindi pa naman nagsisimula ang klase. At para exercise na.
Umupo muna ako sa bench at tumingin sa mga tumatakbong mga lalaki. Siguro exercise na rin nila habang naghihintay ng klase tulad ko.
"Nattasha?" Nagulat ako sa nagsalita mula sa gilid ko. Tumingin ako sa kanya at tumambad sakin ang lalaki na nakabunggo ko noong isang araw.
Dalawang araw ata ang nakalipas nang magkita kami at ngayon nagkita ulit kami. Ngumiti sya sakin at sumenyas sa tabi ko kung may nakaupo ba dun, nang hinilig ko ang ulo syaka sya naupo dun.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya. Feeling close na sya guys.
"Nag aaral po" sagot ko na nagpatawa sa kanya. "Ikaw po? Ano pong ginagawa nyo dito?"
"Hinatid ko lang ang anak ko, at may inasikaso rin ako. Actually pauwi na ako kaso naisipan kong dumaan dito at nakita kita" ang daldal nya no?
"Akala ko po ba hindi nyo po nakita ang anak nyo?"
"Ah no. May is--" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang may tumawag sa kanya.
"Dad!" Sigaw ng kung sino. Kunot noo akong tumingin dun.
"Bianca? Bakit?" Nagsalubong ang kilay ni bianca nang makita ako. Tumingin sya sa daddy nya at kumapit sa braso nito.
"May nakalimutan po akong sabihin, umalis ka na po kasi agad" malambing nyang wika. "Bakit pala kayo magkasama dad?" Tumingin sya ng masama sakin.
"Alis na po ako" pagpapaalam ko. Di ko naman alam na tatay pala ni bianca yun. Kung gano kabait yung muka ng tatay nya ganun din kasama yung muka ni bianca. parang hindi sila mag tatay.
"Anong ginawa nya sayo dad?" Rinig kong tanong ni bianca. Mukha ba akong may gagawin sa tatay nya.
"Wala naman. Nakita ko lang sya dito" sagot naman ng tatay nya.
Araw ng pag-alis namin, yung mga volunteers ng pagtulong sa mga bata. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin namin dun dahil hindi ko natanong si sam. Hindi naman kasi talaga ako sasama eh kaso pinilit lang ako ni samantha.
At GUESS WHAT?
Sumama din kasi si Miguel kaya mas lalong ayoko talagang sumama. Hindi lang si miguel pati rin si bianca. Alam kong napipilitan lang ang lentik na yun eh dahil sa muka nyang di maipinta ngayon.
Kasama kasi si Miguel kaya yan nagpapansin sya, kunyari mabait pero landi lang naman ang gagawin. Wala sa itsura nya ang bait at mas lalong wala sa ugali nya.
"Exciting diba?" Di mapakaling wika ni sam sa tabi ko.
Nag-aabang kami ngayon ng bus na sasakyan namin. Si kian, tristan, Miguel at ako lang ang sumama sa class E habang si bianca,louie, at lorenz naman ang sa class A.
Sa ibang section may sumama din pero hindi ko na sila kilala maliban kay sam. Hindi rin sumama ang dalawang lass kaya tatlong babae lang ang meron ngayon.
"Hoy! Sabi ko exciting diba?" Nakangiti nyang tanong. Inikotan ko sya ng mata at tumingin sa ibang dereksyon. "Exciting kaya kasi alam mo kung bakit?..." kinalabit nya ako kaya napilitan akong harapin sya.
"Dahil kasama yung crush mo!" taas kilay kong wika. Tumawa naman sya ng malakas kaya tumingin ulit ako sa ibang dereksyon.
"Oo exciting nga yun pero mas exciting dahil... kasama natin yung ex mo at yung boyfriend mo"
BINABASA MO ANG
Only Girl In The Class
RandomMENAREA SENIOR HIGH SCHOOL Isang paaralan kung saan bilang lang sa daliri ang mga babae. Isang paaralan kung saan ikaw ang prinsesa ng maraming Prinsepe. Isang paaralan kung saan napapalibutan ka ng maraming lalaki. Isang paaralan kung saan kada se...