Chapter #14 NZM

77 7 1
                                    

Nattasha Pov:

Mag aalas dyes na pero nandito parin kami sa bahay nina sam, subrang saya ni tita esther dahil umingay naman daw kahit minsan ang bahay nya. Natutuwa din sya sa trio habang nakikisama sa mga biro ng mga to.

Napahikab ako dahil sa antok na naramdaman ko, kanina pa kami dito kaya nakaramdam na din ako ng pagod habang ang class E parang walang kapaguran lalo na si tristan na sumasayaw pa sa harap ni tita esther. Napatawa nalang si tita esther sa ginagawa nya.

Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita si sam. Nasan na yun? Kanina nasa tabi ko lang yun ah. Naglakad ako papunta sa loob pero tumigil din nang makita ko si sam na papalabas na. Bumalik ako kung saan ako pumwesto habang tinitignan. Syang papalpit sakin.

"San ka galing?" Tanong ko.

"Miss mo na agad ako? Nakakatouch naman" wika nya at humawak sa puso nya na at umaktong natouch talaga. Napairap nalang ako sa ginawa nya. "Nag cr lang ako" umayos sya ng tayo.

["Umuwi na!"]

Text yun galing kay mama. Bumuntong hininga ako bago tumingin kay sam na ngayon ay nakangiting tumitingin sa mama nya.

Tumingin sya sakin ng may pagtataka. "Bakit? Pinapauwi ka na ba?" Medyo malungkot nya pang sabi. Tumango naman ako at ganun din ang gianawa mya. "Baka nga naman nag aalala na si tita sayo. Ano gusto mo bang ipahatid kita?"

"Ah hindi na kaya ko namang umuwi mag isa" wika ko nalang. Nagpaalam ako sa kanya bago pumunta kay tita esther na ngayon ay may hawak ng ihaw.

"Ito na ang inihaw!" Anunsyo nya sa lahat. Para namang mga asong takam ang class E na napatingin sa dala ni tita.

"Yown!"

"Masarap yan!"

"Ako una ha!"

"Ako muna hoy!"

Nang ibaba ni tita ang ihaw kanya kanya na silang kuhaan na kala mo mga patay gutom at ngayon lang nakakain ng inihaw. Lumapit ako kay tita esther at sinabing aaalis na ko.

"Gabi na, kaya mo bang umuwi mag isa? Gusto mo ipahatid nalang kita" nagaalala nyang tanong. Ngumiti ako sa kanya. "Kung gusto mo dito ka nalang matulog, sasabihin ko nalang kay mira"

"Wag na po. Ang totoo po nyan hindi po ako nagpaalam kay mama" nahihiya ko pang wika. "Si mama lang po ang mag isa sa bahay kapag dito ako matutulog" kahit na hindi kami magkabati ni mama ayoko parin syang iwan mag isa sa bahay noh. Kahit na mag kaiba kami ng kwarto mas gusto ko paring kasama si mama sa bahay.

Pagtapos kong mag paalam kay tita esther nagpaalam na din ako sa class E. Nagbulontaryo pa si ethan na ihatid ako pero hindi na ako pumayag dahil ayokong makaistorbo. Kaya ko namang umuwi mag isa eh.

Sinigurado kong wala na akong naiwang gamit bago lumisan sa bahay nila, dala ko pa kasi ang bag ko at naka uniform pa ako. Tinahak ko ang daan patungo sa labas ng gate, wala kasing pwedeng masakyan sa loob ng subdivision. Nakarinig ako ng tunog ng motor pero binaliwala ko lang iyon at nagpatuloy sa pag lalakad.

Maliwanag naman ang kalye dahil napupuno ito ng street lights, habang naglalakad ako pinagmamsadan ko ang mga bahay na nadadaanan ko. Malalaki ang mga bahay dito dahil obvious naman na pangmayaman to.

Mangha akong tumingin sa mga malalaking bahay kaya hindi ko na alam na may nakabangga ako. Agad akong yumuko para humingi ng paumanhin. kahit di ko pa naman nakikita ang muka ng nalabangga ko eh alam ko ng lasing ito dahil amoy alak sya.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo miss" napaangat ako ng tingin. Dalawa pala sila dahil nasa likod nya ang isang lalaki.

Sa tingin ko mga nasa 40+ na sya ganun din ang lalaki sa likod nya na may hawak pang beer. Tumingin sila ng may pagnanasa sakin at ngumiti ng nakalaloka.

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon