Nattasha Pov:
"Mag uusap tayo sa bahay Nattasha Zen Mesina"
Napalunok ako nang mabasa ko ang text ni mama. Buong pangalan kaya alam kung galit sya, kahit di nya sabihin tapos tintawag nya ang buon kong pangalan ibig sabihin nun galit sya.
Nasa classroom pa ako ngayon at naglilinis, uwian na kasi kaya ako nalang ang magisa dito. Actually hindi nila sinabi sakin na maglinis ako pero naglinis parin ako. Kung hindi ko kasi gagawin to wala ding gagawa at magiging payatas na naman tong classroom nato. Hayaan nyo tuturuan ko silang maglinis para hindi sila masanay na may ibang gumagawa ng mga bagay na dapat sila ang gumagawa. Aba kahit mga mayayaman yung mga yun kilangan parin nilang matuto maglinis noh.
Tinapos ko muna ang pagwawalis at sinunod ko na ang paglilinis ng blackboard. Salamat naman at hindi sila masyadong nagkalat tulad ng lagi nilang ginagawa noon.
Pagtapos kong maglinis ng blackboard inayos ko na rin ang mga upuan. Habang nag aayos ako may umagaw ng atensyon ko. Isang papel na nakalukot at nakaipit sa upuan. Si kian ang may ari ng upuan na to kaya posibleng sa kanya to.
Nakikilala ko na rin naman sila kaya hindi ko na din masyadong tinitignan ang portfolio. Actually lahat sila mayaman maliban kay Kenzo na utak ng klase. Katulad ko lang kasi sya na simple lang din ang pamumuhay at maykaya lang din ang mga magulang nya. Isa syang scholar dahil din yun sa talino nya. Nagtataka nga ako kung bakit hindibpa sya natatanggal sa scholarship eh basag ulo naman sya.
Wala namang masama kung kukunin ko ang papel diba? Basura nya nga ata to eh. Pero alam ko may something dito kasi ang kadalasan nilang basura ay mga papel na puti pero ito kulay pula.With that, the chismosa inner me hastily took over my system. Kinuha ko ang papel at binuksan ito. Nung una namangha pa ako sa laman ng sulat dahil napakaganda pero nung mabasa ko ang dear beautiful napalitang ng kilig ang reaction ko.
Dear beautiful.
You deserve that name because you are so beautiful. You know Probably not. I've been looking at you from afar for a long time because I know I've only been there, it's nice to watch from afar but maybe it's better if I look at you closely, but it looks like I can't do that because of my numbness. Every time I see you, shame and nervousness engulf me. Tss who isn't ashamed and nervous about you, isn't it annoying because I can't tell you that I love you. Many men approach you and I'm not there yet. I will wait for the day when my shame and nervousness disappear when I come to you and when that disappears I will make sure that I can tell you that I love you.
Para akong tanga na nakangiti habang binabasa ang sulat. Alam kong hindi para sakin yun pero hindi ko mapigilang kiligin. Alam kong wala akong pakiaalam sa nararamdaman ni kian pero naiinis ako dahil ang torpe nya. Tss turn off sa mga lalaki yun, bakit ba kasing maraming torpeng lalaki? Yung tipong gustong gusto ka nya pero hindi nya masabi yun sayo dahil torpe sya tapos kapag may ibang lalaking kasama naman ang babaeng gusto nya magseselos sya. Tss anong klaseng ugali yun?
Nilagay ko ang papel sa bulsa ko at pinagpatuloy na ang pag aayos ng upuan. Ayoko magpagabi dito dahil baka may multo dito, lam nyo na yung laging usap usapan na kapag school daw maraming ligaw na kaluluwa na di matahimik. Di naman sa takot ako ah pero... takot na takot talaga ako dai, duh kahit di pa ako nakakakita ng multo naniniwala parin ako dun at kasalanan yun ni mama dahil marami syang kinukwento sakin na tungkol sa multo dati, yun nga ang pantakot nya sakin eh.
Nang matapos ko na lahat kinuha ko na agad ang bag ko at lumabas ng classroom. May mga nakikita pa akong estudyante sa labas at mga professors pero bilang lang sila sa daliri.
Nag taxi nalang ako pauwi dahil wala nang dumadaang bus. Medyo mahal ang taxi dahil VIP ka talaga pero ayos lang naman dahil hindi ako makakauwi kung hindi ako mag sasakripisyo ng pera.
BINABASA MO ANG
Only Girl In The Class
RandomMENAREA SENIOR HIGH SCHOOL Isang paaralan kung saan bilang lang sa daliri ang mga babae. Isang paaralan kung saan ikaw ang prinsesa ng maraming Prinsepe. Isang paaralan kung saan napapalibutan ka ng maraming lalaki. Isang paaralan kung saan kada se...