Nattasha Pov:
"Nabalitan ko lagi karaw tulala~~" kanta ni sam sa tabi ko pero di ko sya pinapansin. "Lagi ka raw umiiyak, lagi mo raw akong hinahanap. Di ka parin nagbabago mahal mo parin ak--"
"Ang sakit mo sa tenga punyeta!" Napatigil sya sa pagsigaw ko .
"Ano ba kasing iniisip mo?" Humarap sya sakin. Itong babaeng to lahat nalang inaalam, anong bang pake nya kung ano iniisip ko? Young version ata to ni marites eh. Pero mas malala sya kasi pati yung iniisip ng tao aalamin nya, yung kay marites kasi kung ano lang ang naririnig at nakikita nya ang pinapakialaman nya eh.
Tumingin ako sa malayo, ililiko ko na sana ang tungin ko nang makita ko si louie na nakatingin sakin. Kasama nya si lia habang nakatingin sakin. Titig na titig sya pero walanv emosyon ang muka nya.
Tinaasan ko sya ng kilay ng walang dahilan kaya natawa sya nang bahagya. Nakita ko pang kunot noong tumingin si lia, iniisip nya siguro kung nababaliw na yung kasama nya o ano at bigla nalang tatawa. Nang mapansin nyang nakatingin sa kanya ang bata agad syang umayos ng upo.
"So iniisip mo si louie? Ay teka nga, kayo na ba?" Agad kong inabot ang ulo nya at kinaltukan ito.
"Walang kami noh!" Agad kong tanggi. Gagu to, kung ano ano pinagsasabi mamaya may makarinig sa kanya eh.
"Ay weh? Teka nga, bakit ayaw mo ba kay louie? Gwapo naman sya, mabait, mayaman, matalino, at higit sa lahat maganda ang katawan. Diba gusto mo yu-- aray!" Inabot ko ulit ang ulo nya. Kinamot nya ang ulo nya at ngumuso. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh, aminin! Gusto mo rin yu--" bago nya pa matuloy ang sasabihin nya agad na syang tumakbo. Pero tumingin muna sya sakin habang tumatawa tawa pa. "May gusto sayo si louie kaya ang inaantay nalang eh magkagusto ka rin sa kanya" kumuha ako ng medyo malaking bato sa tabi ko at agad kong binato sa kanya.
Pero dahil may lahi syang hukage naiwasan nya ito kaya tumama ang bato sa taong nasa likod nya.
"Sya po yu--" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya nang makilala ang natamaan ko. Lumaki din ang mata ko nang makita ko ang nabato ko. Si miguel.
Nakatingin lang sya sakin pero walang ekpresyon ang muka nya. Tumingin din sya kay sam at ang mabait kong kaibigan dali daling tumakbo.
Tumingin ulit sya sakin. Nag peace sign lang ako pero wala akong sinabi na kung ano man. Inalis ko ang tingin ko sa kanya kaya di sinasadyang mahagip ng mata ko si louie na ngayon ay nakatingin kay Miguel. Tulad ni Miguel wala ding emosyon ang muka nya at nakatitig lang ito.
Bagay sila.
"Hindi ka ba magsosorry?" Napatingin ako kay Miguel nang kunot ang noo. "Ang laki ng batong yun, wala ka bang sasabihin?" Dugtong nya pa.
Tumaas ang kilay ko at tinitigan din sya. "Kapag ba nagsorry ako pwede kitang batuhin ulit?" Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "Kapag ba nag sorry ako babalik ang oras at babalik ang bato sakin? Nangyari na eh anong magagawa mo?"
"Kahit na zen! Dapat magsorry ka parin" biglang kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa tinawag nya sakin.
"Kahit na mag sorry ako hindi na mababalik ang nangyari kaya ano pang silbi ng sorry ko kung nangyari na, at syaka hindi ko naman kasalanan kung nandyan ka ah kaya ka natamaan!" Inis kong sabi. "At isa pa... wag mo na akong tatawagin sa ganyang pangalan" mahina kong dugtong bago tumayo at naglakad paalis.
Ang kapal naman ng muka nyang magsabi na magsorry sa kanya. Eh sya nga hindi nagsorry noong niloko ako eh at kahit na mag sorry sya hindi ko yun tatanggapin dahil nangyari na eh. Ano pang silbi ng sorry mo kung hindi mo na maibabalik ang nangyari.
Nasa kalagitnaan na ako nang paglalakad nang may humawak sa braso ko. Inis kong nilingon yun.
"Ano b--" gulat na muka ni tristan ang bumungad sakin.
BINABASA MO ANG
Only Girl In The Class
RandomMENAREA SENIOR HIGH SCHOOL Isang paaralan kung saan bilang lang sa daliri ang mga babae. Isang paaralan kung saan ikaw ang prinsesa ng maraming Prinsepe. Isang paaralan kung saan napapalibutan ka ng maraming lalaki. Isang paaralan kung saan kada se...