Chapter #1 CLASS E

222 16 0
                                    

Ano ba ang ibig sabihin ng mga boys? Sila yung mga laging magugulo, puro katarantaduhan ang alam, minsan immature madalas puro basag ulo ang alam.

Pero meron din namang mga boys na mahinhin mas mahinhin pa sa babae, tahimik na di makabasag pinggan, at pag aaral ang priority.

Sana lang yun ang mga mapuntahan ko... ang mga mababait pero hindi eh.

Class E
Dedicate to eatmore2behappy


Nattasha Pov:

"Tasha!!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa labas. Hayst kairita ang lakas ng boses ni mama palibhasa professor kaya ganyan.

Kahit labag sa loob ko bumangon pa din ako at nag tupi ng higaan. Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na yun tinignan dahil alam kung inis na muka na naman ni mama ang sasalubong sakin.

"get up there and pack your things for school!!" Wika nya. Tinignan ko lang sya nang tapos na ako sa pag ligpit ng higaan ko.

"Maa... ayoko ngang pumasok dun" reklamo ko.

"Walang nang atrasan aba, dalian mo na" wika nya bago lumabas ng kwarto ko.

Wala akong nagawa kundi ang mapapadyak dahil sa inis.

Pano ba naman kasi ipapasok nya ako dun sa school kung saan sya nagtuturo. at hindi lang yun ang nakakainis ipapasok nya kasi ako sa school kung saan puro lalaki ang mga nag aaral. Hayst kainis naman. Ano kayang school yun at puro lalaki lang mga nandun?

Matapos kong mag cr lumabas na agad ako ng kwarto ko at nadatnan ko sya dun sa sala na may hawak na laptop. Busy sya sa pag tytype habang may kape sa gilid nya.

"Oh dalian mo na dyan at kumain ka na, malalate ka na oh" utos nya.

"Maa ano ba kasing school yun? Ayoko dun okay na ako sa school ko bakit pa ako lilipat dun?" Sunod sunod kong reklamo.

"Sinabi ko na sayo diba? Paulit ulit? Unli ka teh?" Wika nya.

May isang class daw kasi dun na kaylangang patinoin kaya ako ang ilalagay nya dun dahil tiwala dae sya na mapapatino ko yun. Layk putangina muka ba akong pinanganak para mag patino ng mga bakulaw?

"Ayoko pa rin" reklamo ko at nag krus ng braso.

Binato nya naman ako ng unan na nasa tabi nya pero nailagan ko iyon. "no more complaints, hurry up and go to school" utos nya. Pero hindi ako gumalaw sa upuan ko.

Kumuha ulit sya ng isang unan sa tabi nya. "2!!" Bilang nya at akmang ibabato sana ang unan pero tumayo na ako agad. Pag ganun kasi ang bilang nya galit na sya.

"Ano ba yan. Professor ka pero di ka marunong mag bilang" pang aasar ko pa at tuluyan nya na nga akong binato ng unan kaya napatawa ako.

Nang matapos akong maligo nadatnan ko ang mga gamit ko na ready na. Teka hindi ko naman to niligpit ah, tss si mama na naman to. Atat masyado ha.

Walang gana akong nagpaalam sa kanya at lumabas sa bahay mamaya pa kasi ang pasok nya kaya ako lang muna ang aalis, pero nasa gate palang ako nang tawagin nya ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Kapag napatino mo sila... papayagan na kitang hanapin mo ang papa mo" parang bigla akonb ginanahan ang loob ko sa sinabi nya.

Matagal ko na kasing gustong makilala ang papa ko pero hindi nya ako pinapayagan dahil galit sya dun, pero hindi naman ako galit kay mama dahil hindi ko naman alam kung anong pinag daanan nya kay papa kaya kung ganun sya magalit.

Kung kanina nakabusangot akong lumabas sa bahay mgayon nakangiti akong lumabas ng gate, pero hindi ibig sabihin nun gusto ko pa din pumasok sa MENAREA school ha.

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon