Chapter #17 THE MAN

74 5 0
                                    

Nattasha Pov:

Buong magdamag akong kinonsensya sa nangyari kagabi.kahapon ko nalang ulit nakitang umiyak si mama, hindi ako sanay na ganun sya lalo na at tungkol pa sakin.

"Hoy! masyadong mataas yang iniisip mo ah, baka mahulog ka nyan" tinignan ko si nathan.

"Bakit ka ba nangingialam!?" Galit kong tanong. Ano bang paki nya kung mataas ang iniisip ko eh hindi naman sya kasama dun.

"May tanong lang kasi ako" umupo sya sa tabi ko.

"Ano?"

"Bakit bilog yung lemon square?" Tinignan ko sya ng masama kaya dali dali syang tumayo. Umalis syang tumatawa.

Buang.

"Sayang yun, may istorbo kasi eh" rinig kong sabi ni tristan habang papasok sa classroom, kasama nya ang trio nya.

"Oo nga, maoospital na naman sana yun eh" wika naman ni steven. Yung kahapon ata yung pinag uusapan nila, yung away nila na naistorbo ko.

"Anong sayang?" Kunwaring tanong ko? "Anong maoospital?" Dugtong ko pa. Lahat sila napatingin sakin bago tumingin sa trio.

"Ah y-yung pinapanood naming k-drama yun lass" pagpapalusot ni steven.

"Ah oo, sayang kasi yung kontrabida hindi pa namatay kaya yun problema na naman ng bida" dugtong pa ni justin.

"Alam mo, kung ako sayo lass manood ka rin nun maganda talaga" sabi naman ni tristan.

Tinignan ko sila ng maigi, nagsisinungaling sila sakin dahil nakita ko ang lahat. "Ano namang title ng k-dramang yun?"

"Kambal karibal!"

"Ninja turtles!"

"Spongebob!"

Sabay sabay nilang sagot. Agad naman nilang narealize ang mga sinabi nila kaya nag iwas sila ng tingin.

"Ano ba talaga?" Tanong ko ulit. Isa isa silang nag angat ng tingin.

"Ah kasi parang kambal karibal sya kasi magkaagaw sila ng asawa dun" paliwanag ni steven.

"Parang ninja turtles din kasi yung lalaki, mala ninja kung makipag laban para sa mahal nya" paliwanag naman ni justin.

"Kasi ano... ahm y-yung damit kasi ng lalaki habang nakikipaglaban ay spongebob kaya nasabi kong spongebob" napasampal sa noo ang dalawa dahil sa sagot ni tristan.

Tumingin lang ako sa kanila bago ngumiti ng pilit. "Okay"

"Nat nat okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni sam. Kasalukuyan kami ngayong kumakain sa cafeteria.

"Oo naman" sagot ko. Ngumiti sya sakin bago ipagpatuloy ang pagkain. Alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ko pero pinili nya paring manahimik.

"Ano daw ginagawa ni bianca?"

"Sanaol mahal"

"Tara tignan natin"

"Ako nalang kasi mahalin mo bianca"

Hindi ko na pinakinggan ang mga sabi sabi ng mga estudyante pero isa lang ang alam ko, tumatakbo sila palabas ng cafeteria at nagtumpukan sa kung saan.

"Tara nat maki chika tayo!" Yaya ni sam. Mag aayaw pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil agad nya na akong hinila palabas.

Nagpahila nalang ako dahil wala akong ganang makipaghilaan sa kanya. Pimunta kami kung saan may mga estudyanteng nag tutumpukan. Hindi naman kami nahirapan makakuha ng daan dahil babae kami.

Only Girl In The ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon