"I told you gurl, dapat matagal mo na yan hiniwalayan tingnan mo ngayon nasasaktan ka ng ganyan." my cousin said."Kahit naman maaga o matagal parehas parin naman masakit kasi minahal ko ng totoo yung tao." sagot ko sa kanya habang iniinom ang alak na nasa baso ko.
"Hays ewan ko ba sayo. Niloko ka na binalikan mo pa. Ang rupok mo rin kasi." inis na sabi nya tsaka kumuha ng piattos na nasa lamesa.
Nakasanayan na namin uminom ng kaming dalawa lang kapag may problema minsan kasama namin mga iba naming pinsan pero madalas kaming dalawa lang dahil kami lang naman babae saming mag pipinsan.
"Ano bang pag kukulang ko? Gabi gabi ko yon iniisip simula nung nag loko sya." bumalik nanaman sa isip ko yung araw na nakita ko sya na kasama yung babae nya.
Walang kasing sakit ang naramdamaan ko noon, hanggang ngayon nandito parin at hindi ko alam kung paano matatanggal. Four months ago nalaman ko na niloloko nya ko pero hindi ako nakipag hiwalay. Ewan ko ba sa sarili ko hindi ko maiwan si Luis.
Ngayon lang ako nag karoon ng lakas ng loob para mag let go kasi alam ko sa sarili ko na ubos na ko, na pagod na ko. Sa loob ng dalawang taon na akala ko ay hanggang dulo na dahil sobrang mag kasundo kami sa lahat ng bagay. Iba yung bond naming dalawa pag mag kasama masyadong solid.
Kaya hindi ko nakita na dadating kami sa ganitong punto. Na lolokohin nya ko, na may hindi papala ako nabibigay sa kanya kaya hindi ako naging sapat. It took me four months para makapag decide para sa sarili ko.
Sobrang pagod na kasi ako mag isip gabi gabi kung anong mali kung anong kulang kung bakit kailangan nyang gawin yon. Siguro hindi ko nabigay yung pag mamahal na gusto nya at aminado ako na nag kulang ako ng oras para sa kanya kasi palagi kong inuuna yung acads ko.
"Mag pakalasing nalang tayo para sa puso mong nag papagaling." natawa ako sa sinabi ni Farrah.
Buti nalang meron akong pinsan/sister/bff na katulad nya. Napaka all around nya kasi sobrang flexible na kayang makisama sa lahat ng personality ng tao. Napapaisip nga ako saan pa kaya sya flexible?
"Ano nanaman iniisip mo sakin puro ka nanaman kalokohan." tiningnan nya ko ng masama kaya mas natawa ako.
"Wala ah." tanggi ko tsaka ko sya inirapan.
Nag patuloy kami sa pag inom hanggang sa di na kami makatayo ng maayos papunta sa kwarto ko. Mag uumaga na ng matapos kami uminom at hindi ko alam kung nakailang bote na kami ng gsm ng kaming dalawa lang.
"Uhhhh ayoko na uminom!!" sigaw ko pagkatapos kong isuka ang lahat ng kinain ko kagabi bago uminom.
"Pang ilang beses mo na yang sinabi?" napatingin ako sa pintuan ng cr na hindi ko pala nasarado dahil sobrang sakit ng sikmura at ulo ko.
"Di ko na mabilang." natawa ako sa sarili ko dahil totoo naman. Palagi kong sinasabing ayoko na uminom or last na inom ko na pero eto parin ako sinasabi ko parin yon.
"Ewan ko ba sayo Maeve, eto inomin mo na 'to." binato sakin ni Kuya Allen ang gamot ko na pang acid.
"You know me well ha." malawak ko syang nginitian at napailing nalang sya bago nya ko talikuran.
Si Kuya Allen ang panganay kong kapatid. Bukod kay Farrah sya ang nakakalaman ng mga hinanakit ko sa mundo hindi naman lahat dahil alam kong mapapagalitan nya ako sa mga kagaguhan ko pero sobrang solid nya parin.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.