Trigger warning: HarassmentIsang linggo na ang lumipas simula nung mag start ang OJT namin. Medyo malayo ang company na napasukan ko. Wala din akong kasama na kakilala ko. Sila Rianne at pati sila Lyssa ay malayo sakin.
Dapat ay 5pm ang end ng duty ko pero dahil maraming ginagawa ngayon sa office ay nag OT narin ako. Nag request kasi ang senior ko na baka pwedeng tulungan ko sila sa mga gawain para mapabilis at pumayag naman ako. Hindi ko na namalayan na 9pm na pala.
Paano ako uuwi wala na akong masakyan na jeep dahil sa halos punuan na ang lahat. Nag punta ako sa tapat ng Fisher mall dahil malapit lang naman dito ang Company. Nag hintay ako ng jeep doon. Halos maubusan nako ng pasensya ng may huminto sa tapat ko.
Mabilis akong sumakay doon. Medyo nailang pa ko dahil lima lang ata kaming babae sa loob halos lahat lalake. Naupo ako malapit sa likod ng driver. Lalaki ang katabi ko sa mag kabilang gilid ko. Sobrang hindi ako komportable dahil masyado silang madikit sakin.
Parehas silang nakahawak sa hawakan sa bakal ng jeep. Niyakap ko ang bag ko na nasa lap ko. Naka hoodie ako at pants dahil malamig sa office kanina. Napalingon ako sa kanan ko ng maramdaman ko ang kamay ng lalaking katabi ko sa bandang bewang ko.
Shit wag naman po ganito Lord.
Pilit kong kinalma ang sarili ko dahil kinakabahan nako, sa kabilang gilid ko naman ay hinihiga ng lalaki ang ulo nya sa balikat ko. Hindi ko alam kung saan ako haharap para maiwasan ko silang dalawa. Ginilid ko ang bag ko para maharangan ang kamay ng lalaki doon sa bewang ko.
Inayos ko ng bahagya ang buhok ko sa bandang balikat ko para mawala din ang ulo ng lalaki doon. Napatingin ako sa babaeng kaharap ko na pinapanood ako. Alam kong may alam sya sa sitwasyon ko ngayon pero nag iwas lang sya ng tingin sakin.
Mas lalo akong kinabahan ng maramdaman ko na tumaas na ang kamay ng lalaki sa gilid ng dibdib ko. Nahihirapan akong huminga hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makapag salita nawawalan ako ng boses ngayon.
Paano kung mag reklamo ako at may gawin syang masama sakin? Huminto ang jeep dahil may stop light. Dahil nararamdaman ko parin ang kamay ng lalaki sa gilid ng dibdib ko ay bumaba nako. Kahit hindi ko alam kung nasaang banda nako ay bumaba parin ako.
Natigilan ako ng bumaba din ang lalaking humahawak sakin. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa mga bukas na shops. Habang mabilis ang lakad ko ay hinanap ng kamay ko ang pepper spray ko sa loob ng bag ko. Ito lang ang self defense na meron ako.
Pakiramdam ko ay madadapa nako dahil mas bumilis ang lakad nya. Wala pa naman tao sa paligid at medyo madilim din sa nilalakaran namin. Malayo pa ang bukas na shops kaya tinakbo ko na yon.
Napatili ako ng hawakan nya ko sa braso. Kahit madilim ay kita ko ang panlilisik ng mata nya. Malawak din ang ngisi nya kaya mas natakot ako.
"Saan ka pupunta? Paisa lang naman ako." tumatawa na sabi nya. Madiin ang pag kakahawak nya sa braso ko kaya nanlaban ako.
"Bitawan mo ko!" tinapakan ko ang paa nya kaya lumuwag ang hawak nya sakin.
Kinuha ko yon na pag kakataon para hatakin ang braso ko at tumakbo ulit. Pero dahil malaki syang tao ay naabutan nya ko. Hinila nya ang buhok ko tsaka nya ko hinarap sa kanya. Amoy na amoy ko ang sigarilyo at ang alak sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.
May mga dumadaan na sasakyan pero hindi ko alam kung bakit walang nakakapansin samin. Siguro dahil masyadong madilim sa pwesto kung nasan kami. Nilakasan ko na ang loob ko para ma spray ang hawak ko sa mata nya tsaka ko sya sinipa sa sikmura.
![](https://img.wattpad.com/cover/268369643-288-k580584.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.