"Di ka nakasama sa deans lister?" tanong sakin ni Papa.Nakagat ko ang labi ko tsaka ako umiling. Dinner namin ngayon, sinabi ko yung date ng graduation namin. Hindi manlang sya nag congrats na gagraduate na ko.
"Ano bang ginagawa mo sa dorm mo? Baka puro ka gala, barkada at boyfriend kaya ayan di ka nasama." inis na sabi nya. Nanatili akong nakatingin sa plato ko.
"Bakit kasi di mo ginaya Kuya Denzel mo? Ang bigat ng course pero kasama sa DL." bahagya nya pang tinuro si Kuya na tahimik lang.
Huminga ako ng malalim para mapigilan ang pangingilid ng luha ko. Pinilit kong ituloy yung pag kain ko kahit na nahihirapan akong lumunok dahil sa pag pipigil ko ng iyak ko.
"Parang sayang lang pinaaral sayo." tinapos nya ang pagkain nya tsaka sya tumayo.
Bakit ba kahit anong gawin ko hindi nya makita? Hindi nya ba alam na nag sisikap din at nag hihirap din ako? Bakit hindi nya mapansin ang effort ko? Bakit puro nalang si kuya ang magaling para sa kanya?
Anak nya din naman ako diba? Napaka unfair.
Tinakpan ko ang bibig ko habang nakaupo ako sa ilalim ng shower at hinahayaan na mabasa ang sarili ko. Pinipigilan ko na humikbi dahil baka may makarinig sakin.
Tanginang buhay 'to.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maging proud sya sakin. Kulang pa pala na nakapasa ako. Kulang pa pala yung pagod, hirap at sakit na naramdaman ko para maging masaya sya na nakatapos ako.
Ano bang nagawa kong mali? Never naman akong nag fail para maging ganyan sya sakin. Never akong sumuway sa mga sinasabi nya sakin. Palagi ko syang sinusunod para maging proud sya. Pero puta hindi ko magawa.
Gusto ko nalang biglang maglaho para hindi ko 'to maramdaman. Ayoko ng ganito. Nakakapagod.
Nag tagal ako sa banyo ng mga ilang oras para ubusin ang lahat ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pagkatapos kong maligo ay dumeretso ako sa kwarto ko para matulog na dahil napagod ako sa pag iyak.
(Kamusta ka na?)
"Ayos naman." pag sisinungaling ko kay Jayden.
Tatlong araw na ang lumipas ng sabihin yon ni Papa at malapit na ang graduation namin.
(Mag sisinungaling ka talaga sakin?)
Kinagat ko ang labi ko ng maramdaman ko nanaman ang pamumuo ng luha ko.
Kilala ako ni Jayden. Alam kong kahit hindi ako mag sabi sa kanya ay malalaman nyang may mali sakin. Kaya wala akong choice, sinabi ko sa kanya kung anong nangyari.
Syempre bilang Jayden nagalit sya. Pero wala syang sinabing masamang salita kay Papa. May respeto parin sya kahit na galit dahil hindi manlang daw naging masaya sa kung ano ang naabot ko ngayon.
Kahit ata anong problema ko kapag si Jayden na ang nag pakalma sakin ay talagang kakalma ako. He is my Person.
"Congratulations Graduates!"
Nag sigawan kaming lahat na nasa hall dahil yun ang pinaka inaabangan naming salita. Walang mapaglagyan ng tuwa ang puso ko. Grabe yung iyak ko dahil lahat ng pagod na naramdaman ko noon ay halos mawala na ngayon.
Tama sila worth it lahat ng pagod at luha.
"I love you all!" sigaw ko ng yakapin ko sila Lyssa.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.