Chapter 3

62 7 5
                                    


"Anong balak mong gawin jan sa ID na yan?" tanong sakin ni Lyssa habang nakahiga kami sa kama nya.


"Ibalik sa kanya malamang anong gagawin ko naman dito tatabi ko?" tumawa sya sa sagot ko.


"Baka gusto mong itabi. Titigan mo magdamag." mas lalo syang tumawa dahil hindi ko na maexplain ang itsura ng mukha ko.


"Ang creepy non Ly, di ko nga kilala yung tao." naiiling na sabi ko.


"Pano mo babalik?" napaisip ako sa tanong nya.


"Chat ko kaya." kinuha ko ang phone ko tsaka ako nag search sa Fb.


"Ay athlete!!" excited na sabi ni Lyssa.


Napataas ang kilay ko ng makita kong may highlights story sya na nakasuot sya ng jersey ng NU pero wala naman nakalagay kung anong sports. Wala din masyadong post and ang tagal na nung  mga Shared post nya. Wala din photos kahit nga profile picture nakaprivate.


"Ang private naman nito." reklamo ko dahil wala kaming makita masyado sa account nya.


"Chat mo na para bukas mabalik mo na. " sinunod ko ang sinabi nya pinindot ko ang mesage button para makapag personal message na sa kanya.


"Ano sasabihin ko?" tanong ko kay Ly dahil wala akong maisip.


"Edi sabihin mo na nasayo ID nya." tinitigan ko sya na parang ang dali lang ng sinabi nya.


"Paano?" taka nya kong tinignan dahil hindi ko talaga alam kung paano ko sya ichachat.


"Jusko Maeve sa mga ganyan ikaw ang mas may alam satin. Hindi ko din alam ang sasabihin mo." kinamot nya ang kilay nya kaya natawa ako.


NBSB kasi si Lyssa, baby pa sya kaya di pa sya pwede mag boyfriend. Hindi din naman nya gusto study first daw. Ewan ko ba dito hanggang crush lang. Maganda naman, matalino and mabait di ko alam kung bakit ayaw mag hanap ng jowa. Gusto ko na nga sya ibenta pero syempre baby pa kaya di pwede.


Maeve: Hi, nasakin nga pala yung ID mo napulot ko sa tapat ng gate nung main building. Saan ko pwedeng iwan para alam mo kung saan mo kukunin? Godbless.


Kahit medyo kinakabahan ay sinend ko na ang message ko. Hindi ko alam ung bakit di ako mapakali sa kakahintay ng reply nya. Pakiramdam ko ako yung nawalan ng ID.


"Oh shit." gulat akong napatingin sa phone ko na nasa lamesa. Naupo ako sa upuan tsaka ko kinuha ang phone ko. Oh he replied.


Jayden: Hello, Thank you sa pag tabi ng ID ko. Bukas anong oras first class mo? 


I slightly bit my lips before I type my reply.


Fallen Too Far (NU SQUAD #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon