"Finally." nakangiti sya habang dahan dahan na humakbang palapit sakin. Huminto sya sa pag lapit ng dalawang hakbang nalang ang pagitan namin."Yeah finally, nakita na natin ang isa't isa sa malapitan." bahagya akong natawa para mabawasan ang kaba ko.
"Nakita kitang pumasok dito kaya sinundan kita. I realize something." napakunot noo ko sa sinabi nya. Ano naman kaya yon?
"Ikaw yung girl na muntik ko ng matapakan sa KFC don sa P.campa." agad kong naalala yung gabi na yon. Sya yung guy na pumiyok!
"Ikaw yung girl na kumakain ng cheese sticks sa elevator." hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng marealize ko na oo nga.
"Ikaw yung guy na muntik ng di makasakay ng elev buti nalang napindot ko yung open button." tumatango pang sabi ko.
"Ikaw yung sinabihan ko ng goodluck habang umaakyat ng hagdan." tumawa kami ng sabay dahil sobrang mapag laro talaga ang tadhana.
"Ikaw din yung nag open ng pinto for me dahil sobrang pagod ko na sa exams kaya di ko na magawang buksan pa yung pinto." inipit ko sa tenga ko ang buhok ko.
"Yeah." he bit his lips tsaka yumuko.
"Sobrang mapag laro ng tadhana." wala sa sariling sabi ko.
"Nakikita na natin ng malapitan ang isa't isa before." tumango ako sa kanya.
"Hindi ko inaasahan na makikita kita ulit ng ganito kalapit." malawak ang ngiting sabi nya. "Ang ganda mo."
Enebe nemen Jayden.
"Parang tanga 'to. Ako lang 'to si Maeve kalma lang." malakas kaming tumawa at nailing pa sya.
Grabe ka Maeve hindi ka na shy ngayon?
"Let me introduce myself properly." umayos sya ng tayo sa harap ko.
"Hi, I am Jayden Alistair." nilahad nya ang kamay nya sa harap ko.
"Hello, I am Auryn Maeve." tinaggap ko ang kamay nya. "Nice to meet you."
"Nice to meet you too." dinala nya sa bibig nya ang kamay ko para halikan iyon.
"Wow gentleman." natatawang sabi ko kahit na deep inside para nakong maiihi sa kilig.
"Syempre para sa very special girl." kinindatan pa nya ko kaya naman napairap nalang ako.
Wag kang ganyan Jayden iuuwi kita. Hmp.
Natigilan ako ng tumunog ang phone ko.
(Tapos na ko, pababa nako.) sabi ni Lyssa.
OMG! nakalimutan ko na may kasama nga pala ako.
"Sige punta nako jan." binaba ko na ang tawag.
"Uhh, I think we should go na. Sinamahan ko lang kasi si Ly and uuwi na din kami." sabi ko sa kanya, sumeryoso ang itsura nya.
"See you around?" nakangiti akong tumango sa kanya.
"Masaya ako na nakita kita ngayon bago matapos ang school year." I bit my lips, ngumiti sya sakin.
"Ingat ka. Chat mo nalang ako." paalala nya sakin.
"Yes lods, Ingat ka din." dahan dahan akong umatras sa kanya para makalayo na. Hindi ko ata kayang talikuran sya.
"Wait." napahinto ako dahil pinigilan nya ko. Akala ko may sasabihin sya sakin pero mabilis nya kong nilapitan para yakapin.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.