Past..."Kuya!! Omg!!" sigaw ko habang nakatingin ako sa phone ko.
"What? Anong nangyari?" nag aalalang tanong ni Kuya Denzel.
Nandito kami sa sala ngayon nila Kuya nanonood ng movie.
"CPA nako!!" umiiyak na sabi ko, nanginginig ang mga kamay ko dahil hindi ako makapaniwala ng makita ko ang pangalan ko sa list ng mga nakapasa.
"May lisensya na ko." hindi parin makapaniwalang sabi ko. Tinakpan ko ang bibig ko habang humihikbi dahil sa tuwa.
"Congrats!! Proud kami sayo!!" mahigpit akong niyakap nila Kuya dahil hindi nako makagalaw sa pwesto ko.
Walang kasing saya ang nararamdaman ko ngayon. Sana naman maging proud na si Papa sakin kasi may lisensya nako. Ginawa ko yung best ko para makapasa ako dito.
"Hindi ka kasama sa top 10?" tanong ni Papa ng sabihin ko na nakapasa ako.
"Kahit sa Top 20 hindi din?" umiling ako ulit sa tanong nya.
"Ano ba yan, puro ka na nga lang aral hindi mo pa ginawa yung best mo." tinalikuran nya ko tsaka umakyat sa taas.
Napahikbi nalang ako dahil hindi pa pala sya proud sakin. Kulang parin pala yung ginawa ko. Kahit na anong gawin ko kulang parin sa kanya.
"Sana ginawa mo best mo." sabi ni Mama bago sumunod kay Papa.
Tinakpan ko ang mukha ko ng kamay ko tsaka ko pinatong ang siko ko sa lamesa. Umiyak ako ng umiyak doon. Tangina kelan ba? Kelan ko ba kayo magagawang maging proud sakin?
Chinat ko si Jayden na nakapasa ako, isang linggo bago sya nag reply na proud daw sya sakin. Hindi naging sapat yon para mawala ang sakit at bigat na nararamdaman ko.
Nag karoon ako agad ng trabaho after kong makapasa. Sobrang hirap noong unang pasok ko pero naging sanay na din ako. Nakahanap din ako ng Installment na condo at nagawa kong i-grab yon para naman may mapundar ako.
Halos tipirin ko ang sarili ko dahil nag bibigay ako sa bahay at nag babayad ako ng condo. Hindi sumasapat ang kinikita ko para sa gastos ko pero kahit na ganon ay nagagawa ko parin mag save.
Malapit na mag isang taon na wala dito si Jayden kaya sobrang lungkot pero kailangan kong mag patuloy alam kong babalik din sya. Kahit hindi ko pa alam kung kelan pero babalik sya dito alam ko yon.
Sobrang dalang ng pag uusap namin. Hindi na sya nag babalita sakin ng mga nanyayari sa kanya o kung ayos lang ba sya. Kahit anong chat ko ay hindi nya ko nirereplyan. Bumibisita ako sa family nya kaya alam kong maayos sya kasi nasasabi minsan ni Tita kung anong balita sa kanya.
(Ate Maeve si Mami po hindi ko po alam gagawin ko.)
"Kumalma ka Jera sabihin mo sakin ng maayos. Hindi kita maintindihan." nag madali ako sa pag kuha ng gamit ko dito sa office para pumunta sa bahay nila Jayden. Mahigit isang oras ang byahe kaya naman sobra ang kaba ko.
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi ni Jera pero tinext nya sakin kung nasaang hospital sila. Kahit hindi pa oras ng out ko ay umalis nako bahala na makaltasan ng sahod kailangan kong mapuntahan sila Tita.
"Ate!" mabilis syang tumakbo palapit sakin ng makarating ako sa hospital.
"Anong nangyari?" mahigpit ko syang niyakap dahil iyak sya ng iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/268369643-288-k580584.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Conto'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.