Simula ng malaman ko yon mula kay Farrah hindi nako makapag isip ng maayos hindi narin ako makatulog naging mas madalas ang pag iyak ko sa gabi. Parang may mas dumurog sakin kahit na wala na kami.Isang buwan palang kaming hiwalay may iba na sya agad? Ano ba ang tingin nya sa relasyon namin? Laro lang na ganon ganon lang kadaling palitan lahat? 2years kami tapos papalitan nya lang sa loob ng one month? Sabagay kami pa nga niloko na nya ko ano pa bang bago?
Kahit alam kong mali ay nag stalk ako sa kanya sa IG para makita ko kung sino yung bago nya pero hindi ko kilala. Iba yung girl nya ngayon sa girl nya noon. Halos mga kaibigan ko ay nag chachat sakin na bakit daw may bago na at hindi naman daw maganda yung bago nya.
Para sakin hindi ako na iinsecure sa itsura kasi alam kong lahat tayo may own beauty ang hindi ko kaya is yung idea na may nagagawa sila na alam kong hindi ko magawa kaya hinahanap nya sa iba.
"You okay?" tanong ni Rianne. Kaibigan ko and kaklase ko since first year. Bukod sa mga kadorm ko ay may mga kaibigan din ako dahil hindi naman kami mag kaklase ng mga dorm mates ko.
"Yeah." kahit hindi ay sumagot parin ako na okay ako dahil hindi ko naman alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nararamdaman ko.
"I saw his story yesterday." nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil ayoko na sanang pag usapan ang tungkol sa kanila. Hindi ko na nga maalis sa isip ko iyon kaya ayoko ng mas isipin pa. Napapagod na ko.
"I'm hungry." sabi ko tsaka ko kinuha ang wallet ko sa bag. "Bili tayo foods sa baba?" aya ko sa kanya dahil wala pa naman si sir.
Nauna nakong lumabas kay Rianne para makahinga naman ako kahit papano. Pakiramdam ko kasi kinukulang ako sa hangin kapag may gustong makipag usap sakin ng tungkol kay Luis. Kaya sa dorm ay hindi namin napag uusapan dahil ayoko na talaga gusto ko ng matigil lahat.
We decided to buy cheese sticks malapit sa main campus. Sobrang solid kasi ng cheese sticks nila kasi totoong cheese ang nakalagay hindi katulad sa iba na cheese powder ang nakalagay sa loob.
"Ano kayang sports nila?" bulong sakin ni Rianne habang nakatingin sa isang grupo na nakasuot ng jersey ng NU.
"Baka basketball." sagot ko habang pinapanood namin sila na mag harutan, may mga babae silang kasama pero hindi naman nakajersey naka typical uniform lang sila ng NU.
Pag kakuha namin ng binili namin ay agad na kaming bumalik sa room namin.
"Ingay nyo hoy may ibang tao." saway ng isang babae na kasabay namin dito sa elev.
Nakasabay kasi namin yung grupo ng athlete dito. Tahimik lang naman kami ni Rianne habang kumakain. Hindi ko sila tinitingnan naka focus lang ako sa kinakain ko hanggang sa huminto na sa floor namin ni Rianne.
Nag angat ako ng tingin kaya nag tama ang mata namin ng isang lalaki malapit sa pintuan ng elev. nasa bandang dulo kasi kami ni Rianne kaya naman bahagyang gumilid ang iba para makadaan kami. Ilang segundo din nag tama ang mata namin hanggang sa makalabas kami ni Rianne.
After ng class ay agad akong bumalik ng dorm dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gusto ko na matulog agad pero may mga kailangan akong aralin para sa class ko bukas. Kumain lang kami dito sa Dorm bumili nalang kami ng foods sa labas para dito kainin dahil ang dami talagang kailangan gawin.
Nakakapagod pero kailangan lumaban. Gusto ko ng sumuko pero hindi pwede dahil meron pa kong pangarap na gusto kong abutin. Study break ko kaya kinuha ko ang phone ko pag bukas ko ng messenger nag send sakin yung isang kaibigan ko ng picture medyo nag loading pa nung una pero nung makita ko na ay agad akong nag sisi na tiningnan ko iyon.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.