Chapter 11

59 5 1
                                    




"Ano ba? Sabi ko diba kaya kong umuwi?" binawi ko ang braso  ko sa kanya. Hindi ko napansin na nakasunod pala sya sakin.



"Bakit ka umiiyak?" humakbang sya palapit sakin pero umatras ako.


"Wala ka na don." pinunasan ko ang luha ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya.


"Tell me. Kaibigan mo ko diba?" lumapit sya sakin. Nag angat ako ng tingin sa kanya.


Tanga ka ba Jayden? Kaya ako umiiyak kasi kaibigan mo lang ako. Tangina kung may lakas lang ako ng loob na sabihin sayo ginawa ko na. Kung hindi tayo masisira inamin ko na. Ang sakit sakit Jayden.


"Please tell me, ayokong nakikitang umiiyak ka." hinawakan nya ang pisngi ko para punasan ang luha ko.


Gusto kita maging akin Jayden. Pero hindi pwede. Kasi mag kaibigan tayo.


"I'm just tired." sinuklay ko ang buhok ko tsaka umatras para bahagya akong makalayo sa kanya.


"Ihahatid na kita, wag ka na umiyak." mas lalo akong naiyak ng yakapin nya ko, hinaplos nya ang buhok ko.


"Mag pahinga ka pag uwi mo, ayos lang iiyak lahat kasi normal lang naman mapagod. Pero wag mong itataboy o lalayuan ang mga tao sa paligid mo kasi pagod ka." patuloy sya sa pag haplos ng buhok ko.


Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong humikbi. Paano mo nagagawang ma comfort ako? ikaw nga dahilan ng pag iyak at ng sakit na nararamdaman ko. Bakit ka ganyan Jayden?


"Matatag ka at malakas tatandaan mo yan. Kayang kaya mo lagpasan lahat ng pagod, hirap at sakit kasi ikaw si Maeve. Laban lang ng laban wag kang susuko sa nakakapagod na mundo." naramdaman ko ang pag halik nya sa buhok ko kaya napapikit ako.





"Hindi ka nag take ng risk?" tanong sakin ni Lyssa pagkabalik namin ng Manila.


Tapos na ang christmas break namin. Ang daming mga pinagawa kaya naman mas inuna ko yon kesa mag enjoy nung bakasyon. Last year na kasi kaya sobrang busy namin. Kahit nga kami nila Irish ay hindi na masyadong nagkikita kita kasi ang daming gawain.


February na pero hindi parin kami makahinga sa acads. Halos wala na kong tulog araw-araw wala na din time kumain kakaaral. Buti nalang tinatawagan ako ni Jayden para sabihin na kumain ako.


Hindi na kami masyado nag kikita minsan nalang dahil kahit sya ay busy pero nag uusap parin kami. Sinasabihan nya ako ng mga update sa buhay nya. Pero mag kaibigan kami. Ganito na ata ang meaning ng friends ngayon. Kahit na medyo umiwas ako ng konti sa kanya dahil alam ko na kung san ako lulugar at alam ko kung ano ang role ng isang kaibigan ay ginawa ko yon.


Pero mas naging malambing sya sakin at mas naging caring kaya mas naguluhan ako. Sinasabi nila Ate na hindi ganon ang mag kaibigan. Kami kasi nila Gelo ay hindi naman ganon. Hindi din sila ganon ni Irish.


Kami lang talagang dalawa. Kaya hindi ko alam kung tatanggapin ko nalang na mag kaibigan lang talaga kami. Naguguluhan ako sa kanya bahala na.


"Ang gulo Ly, hindi ko sya maintindihan." kinamot ko ang kilay ko dahil sa inis kapag naiisip ko ang sitwasyon namin.


"Hay bahala na nga mag aral na nga tayo may oras pa naman sa ganyan." kinuha ko ulit yung lapis ko para maituloy ang sinosolve ko.


"Ikaw bahala baka mamaya magsisi ka sa huli kasi di mo sinabi." tiningnan ko sya na nag tuloy na sa pag pindot ng calcu nya.


Bakit ba kailangan ganito maramdaman ko putek naman. Ang epal naman kasi ni Jayden! Pag nakita kita susuntukin talaga kita para naman makabawi ako kahit papano. Palagi mong ginugulo ang isip at nararamdaman ko.


Fallen Too Far (NU SQUAD #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon