Halos iuntog ko ang ulo ko sa pader ng banyo namin dahil sa sobrang sakit. Uhhhh! ayoko na talaga!! Sobrang sakit ng ulo ko feeling ko mababasag na ang bungo ko dahil sa sobrang sakit. Umiikot din ang paligid ko kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang pag kahilo ko."Alak pa." rinig ko ang boses ni Papa sa bandang pintuan ng kwarto ko pero hindi ko na magawang sumagot at idilat ang mata ko.
Buong mag hapon akong natulog hindi ako kumain dahil kahit tubig ay hindi tinatanggap ng tyan ko. Gabi na ng naging maayos ang pakiramdam ko. Umuwi na din sila Farrah kahit na may hangover pa ay pinilit nyang makauwi.
"Ano iinom ka pa?" tanong sakin ni Kuya Cladge habang kumakain ng dinner.
"Syempre." nginitian ko sya. " hindi na."
"Scam." kontra sakin ni Kuya Allen.
Totoo naman, yung salitang 'hindi nako iinom' ang pinaka sinungaling na nasabi ko.
Pag katapos ng dinner namin ay bumalik nako sa kwarto ko para mag ayos ng gamit dahil bukas ng hapon ay babalik nako sa manila. Nakita ko ang phone ko sa kama ko kaya kinuha ko yon tsaka nahiga para makapag scroll lang sa social media.
Pag open ko ng messenger ko madaming chats galing sa mga friends ko na bumati ngayong new year pero natigilan ako ng makita ko ang isang chat.
Audio Call 30 mins
Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko yon.
Jayden: sleep kana, sobrang lasing mo na. :)
Jayden: Goodnight kahit umaga na, sarap sa pakiramdam na marinig ang boses mo.
Jayden: Goodmorning paniguradong may hangover ka ngayon. Uminom ka ng madaming water. Pahinga ka mag hapon.
Jayden: Goodevening, kain ka ng dinner mo.
Omaygad!! Anong ginawa ko bakit ko sya tinawagan kaninang madaling araw? Bakit ang tagal pa ng pag uusap namin? Anong mga sinabi ko? Puta!!
Pinilit kong isipin kung ano ba ang mga sinabi ko sa kanya pero wala talaga akong maalala. Hindi ko nga alam na tinawagan ko pala sya. Jusko Maeve anong ginawa mo?
"AHHHH!!" sigaw ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko tsaka ako gumulong sa kama.
"Ang tanga mo!" sinabunutan ko ang sarili kong buhok.
Hindi ko talaga maalala lahat.
Maeve: Hala, hindi ko na alam kung anong mga sinabi ko sayo kaninang madaling araw. I'm sorry :(
Parang gusto ko nalang mag pakain sa lupa dahil sa ginawa ko na yon. Sobrang lasing ko na talaga bakit hinawakan ko pa ang phone ko. Next time itatago ko na bago uminom.
Jayden: Ayos lang, nag enjoy nga ako sa mga kwento mo. Ang daldal mo pala. HAHAHAHHA.
My gosh Maeve!
Maeve: Uhh ano ba ang mga sinabi ko?
Jayden: Gusto mo malaman?
Napatingin ako sa kisame para mag isip. Baka hindi ko kayanin ang kahihiyan kapag nalaman ko. Baka tumalon nalang ako dito sa balcony namin dahil sa hiya.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.