"San ba tayo pupunta?" tanong ko kay Jayden ng makasakay kami sa Bus.After namin sa Tagaytay ay halos hindi nila ko makausap dahil ang sama ng loob ko. Pero alam ko naman na plano na nya yon una palang. Kaya hindi ko dapat hadlangan. Sino din ba ko para pigilan sya diba?
Wednesday ngayon ng umaga ng puntahan nya ko sa dorm para sabihin na mag impake ako ng damit na good for three days.
"Sa bahay namin." napaawang ang labi ko sa sinabi nya.
"What?!" gulat na tanong ko sa kanya. Hindi pa nga kami meet the parents na agad?
Ang smooth mo talaga Jayden.
"Chill ka lang. Magugustuhan ka naman nila." bigla tuloy akong nahiya dahil wala manlang ako dalang pasalubong papunta sa kanila.
"Mami?" tawag nya pagkapasok namin ng bahay nila.
Sakto lang ang bahay nila simple lang pero malinis. Halatang malinis sa bahay ang mommy nya.
"Kuya!!" salubong sa kanya ng batang babae na may hawak na kutsara.
"Jai, nasan si Mami?" binuhat nya tsaka nya hinalikan sa pisngi ang bata.
"Nasa kusina po kasama si Ate." sagot nya, natigilan sya ng makita ako sa likod ng kuya nya.
"Hi." nahihiya akong kumaway sa kanya. Nginitian nya din ako tsaka nya sinubsob sa balikat ni Jayden ang mukha nya.
"Ay may ipapakilala ako sayo Jai." binaba ni Jayden ang kapatid nya sa pagitan namin.
"Sya si Ate Maeve." turo nya sakin ngumiti lalo si Jai.
"Si Jaira bunso kong kapatid." hinawakan nya sa ulo si Jai na nahihiyang lumapit sakin kaya ako ang lumapit sa kanya.
"Wag ka mahiya sakin Jai." niyakap ko sya. Tumawa kami ni Jayden ng mahigpit syang yumakap sakin.
Nag lakad na kami papuntang kusina kung nasaan ang Mommy at kapatid nya. Hawak ko sa kaliwang kamay ko si Jai.
"Jay, anak." humalik sa pisngi ni Jayden ang Mommy nya na kamukhang kamukha nya.
"Mami, si Maeve po." pakilala nya sakin.
"Hello po Tita." kahit nahihiya ay lumapit ako para mag mano pero natigilan ako.
"Mami nalang din tawag mo sakin wag kana mahiya Ija." niyakap nya ko.
Napalingon ako kay Jayden na nakangiti lang habang nakatingin samin. Tinanguan nya ko.
"Sige po, Mami." nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Eto naman si Jera sumunod sakin." turo nya sa isang dalagitang babae na kamukha din ni Jayden. Si Jai kasi ay hindi nila kamukha, sa Daddy siguro nila nag mana.
"Kain na kayo alam kong pagod kayo sa byahe tsaka tanghalian na din." aya samin ng Mommy nya.
Naupo ako sa gilid ng Mommy nya nasa tapat ko sya sa gilid ko naman ay si Jera sa tabi ni Jayden ay si Jai.
"Nako Ija buti naman at pumayag kana mag punta dito. Palagi ka kasi kinukwento ni Jay kaya palagi ko din syang sinasabihan na dalhin ka dito." magiliw na sabi ng Mommy nya.
"Ay talaga po?" nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Jayden na nakatingin lang sa plato nya. "Busy po kasi palagi sa school ngayon lang naging free."
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Historia Corta'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.