Present..."Hoy bumangon kana jan." hinampas ako ni Ly ng unan dahil nakahiga parin ako dito sa kama ko.
"Ano bang nangyari sa dagat at na paralyze ka dito ng isang linggo?" tanong nya sakin pero nanatili lang akong nakatingin sa kisame.
Isang linggo na pala simula ng malaman ko yon pero hanggang ngayon ay hindi ako makabangon. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa pagod at ang bigat ng pakiramdam ko.
"Ly, ang sakit." gusto kong umiyak pero wala nakong maluha.
"Ano bang nangyari?" humiga din sya sa tabi ko.
"Wala naman syang sinabing mag hintay ako. Hindi ko nga alam na nag hintay pala talaga ako. Akala ko pag balik nya may pag asa pa. Akala ko masasabi ko na yung nararamdaman ko. Mali pala ko." huminga ako ng malalim dahil na ninikip ang dibdib ko.
"Tangina walang kasing sakit 'to." tumatawang sabi ko.
"May girlfriend na sya Ly." hinawakan ko ang dibdib ko tsaka ako pumikit para mas lalo kong maramdaman ang sakit na hindi ko mahanap kung saan.
Bumalik sa isip ko yung saya na nakita ko sa mata nya nung sinabi nya na may mahal na sya. Kita ko na sobrang saya at sobrang mahal nya yung Girl.
"Kung sino man yung Babae napakaswerte nya. Kasi yung taong pinapangarap ko mahal na mahal sya." naramdaman ko na nag init ang mata ko.
"Tangina akala ko wala nakong luha." tumatawang sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mata ko.
"Shh." niyakap ako ni Lyssa. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap ako sa kanya hanggang sa mapagod at makatulog nako.
"Bakit ba iniiwasan mo kami ano ba nangyari sayo?" tanong ni Ian ng puntahan nya ko sa coffee shop na malapit dito sa condo hindi ko alam kung paano nya nalaman na nandito ako.
"I'm busy." tinuon ko ang atensyon ko sa laptop na nasa harap ko.
"Anong nangyari nung nauna kaming bumalik ng hotel?" sinarado nya ang laptop ko para makuha nya ang atensyon ko.
"Ano bang problema mo? Wala ngang nangyari kaya pwede ba busy ako." Inis na sabi ko sa kanya, binuksan ko ulit laptop ko para ituloy ang ginagawa ko.
"Please Maeve sabihin mo naman samin. Nung kasal ni Irish ay nag punta ka nga saglit lang. Hindi mo manlang naenjoy yung kasal ng kaibigan natin." bumuntong hininga ako dahil ako na ang napagod para mag iwas sa kanya ng atensyon.
"Pagod ako non. Ayos lang ako Ian. Nakausap ko na si Irish at sabi ko babawi ako sa susunod na mag kakasama sama tayo." tiningnan ko sya ng seryoso.
"Sure ka ayos ka lang?" hindi sya naniniwala sa sinabi ko.
"Oo, ayos lang ako." nakangiting sabi ko sa kanya, tumango sya pero nakatingin parin sya binabantayan ang lalabas na emosyon sa mata ko pero pilit kong tinatago.
Iniwasan ko sila ng ilang buwan. Limang buwan ko na ata silang tinatakbuhan dahil ayaw ko muna ng makakapag paalala sakin tungkol kay Jayden. Sobrang sakit parin hanggang ngayon.
Wala naman syang kasalanan kasi ako lang naman sa sarili ko ang umasa. Kasalanan ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ako ang nag desisyon na mag hintay at patuloy na mahalin sya kahit alam ko sa sarili kong wala akong kasiguraduhan.
"Alam namin." nakaramdam ako ng inis sa sinabi nya.
"Alam namin na may girlfriend sya bago pa sya umuwi dito." hindi sya makatingin sakin.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.