Chapter 14

43 5 0
                                    




"Hoy gagi uuwi na daw si Jayden!" naagaw ni Irish ang atensyon ko.


Nandito kami ngayon sa condo nya.


"Buti naman. Napakadaming celebration na ang wala ang gago na yon." sabi ni Gelo.


"Pumayag sya Yey! kumpleto tayo sa kasal ko." masayang sabi ni Irish.


Seven years na ang lumipas simula ng umalis sya. Sobrang dami na ng nangyari, kasal na si Gelo at ikakasal na din si Irish. Halos wala akong naging balita sa kanya dahil hindi naman sya madalas nag paramdam samin dahil mag kaiba ng oras. Hindi kami nag sasakto kapag available kami dito sa Pinas sya naman ay hindi available.


Naging baliktad ang mundo namin. Nung una ay kahit papano nakakapag usap pa pero nung tumagal na ay unti unti ng nawala kaya hindi ko na alam kung ano na ba ang magiging reaksyon ko kapag nag kita kami ulit.


Kamusta na kaya sya? Ano ng balita sa kanya? May girlfriend na kaya sya? Masaya na kaya sya?


"Di ka excited?" tanong sakin ni Irish ng maupo sa tabi ko.


"Sakto lang." kibit balikat na sagot ko. Hindi namin pinag uusapan na mag kakaibigan ang tungkol samin ni Jayden. Hindi na nga nila nababanggit kapag mag kakasama kami kasi malulungkot lang daw ako.


Hindi naging malinaw sa kanila kung ano ang nangyari samin. Hindi din naman sakin malinaw. Nung time na nawalan na kami ng communication ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko until now. Hindi naman kasi naging kami kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.





"Bakit di ka umuwi nung birthday ni Farrah?" tanong sakin ni Kuya Denzel ng makauwi ako sa bahay namin.


"Busy ako." sagot ko. Totoo naman. Naging mas busy ako para sa sarili ko.


Akala ko ay matatapos na ang pagka disappoint sakin ni Papa ng maging CPA nako pero mali. Hindi parin sya naging masaya na nakapasa ako sa unang take ng boards. Hindi ko daw kasi nagawang makasama sa top 10.


Ano bang kailangang patunayan ko? Nakakapagod na talaga.


"Di ka pa nakakapag ipon para makabili ng sarili mong lupa Maeve?" tanong sakin ni Papa habang kumakain.


"Hindi pa po." meron na akong ipon pero hindi pa iyon sapat para makabili ako ng lupa at makapag patayo ng bahay.


"Ano ba yan. Ilang taon kanang nag tatrabaho pero hanggang ngayon wala ka pa rin nararating?" natatawang sabi ni Papa kaya nakaramdam ako ng hiya dahil nandito ang ibang mga kamag anak namin ngayon.


"Ang Kuya Denzel mo ay nakapag pundar agad ng lupa at nakapag pagawa ng bahay sa dalawang taon na pag tatrabaho nya." huminga ako ng malalim dahil narinig ko nanaman ang linyahan nya.


Kelan ba sya titigil? Ang sakit na sa tenga ng paulit ulit nyang sinasabi.


Hindi kami parehas ng sahod ni Kuya. Hindi kami parehas na talagang kailangan kong bumili ng mga bagay na kailangan ko. Si Kuya ay binilhan na agad ng kotse at binigyan din nya ng condo. Samantalang ako ay sama ng loob at pag mamaliit sa sarili ang bigay nya sakin. Napaka unfair nya.


Hindi kailangan mag simula ni Kuya sa baba dahil una palang ay may mga bagay na sya na kailngan nya. Kaya bakit ang hilig nyang ikumpara kami? Bumili ako ng condo gamit ang sarili kong pera. Bumili ako ng sasakyan gamit ang sarili kong pera. Nag iinvest ako. Pang gastos ko sa sarili ko sa araw-araw. Pang gastos at nung nirenovate yung bahay na ito ay nag bigay ako.


Fallen Too Far (NU SQUAD #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon