"Ate Maeve!!" napalingon ako kay Farrah ng bigla syang sumigaw sa likod ko."Ano?" tanong ko. Nandito ako sa sala ngayon hindi ko alam na pupunta pala sya.
"Di mo ba ko namiss?" nakalabing tanong nya. Naupo sya sa tabi ko.
"Hindi." natatawang sabi ko. Kinuha ko ang remote tsaka ko hininto ang pinapanood ko.
"Ang sama. Asan na pasalubong ko?" nilahad nya ang kamay nya sa harapan ko. Isang linggo na rin simula nung nakauwi kami galing Boracay.
"Ako." pinatong ko ang baba ko sa kamay nya.
"Wag nalang pala." binawi nya ang kamay nya.
"Choosy ka pa ako na nga 'to." inirapan ko sya. Tumayo ako para kunin yung juice na tinimpla kanina ni Kuya Cladge sa Ref.
"Ay wow naman bakit may pamiryenda pa?" nakangiting tanong nya ng nilapag ko sa harap nya ang tray na may pitchel, baso at cake.
"Nakakatakot naman inumin 'to lasang gin!" reklamo nya ng inumin nya ang lychee na juice.
"May gin nga yan." biro ko at nanlaki naman mata nya.
"Weh?" tumawa ako kaya tinulak nya ko.
"Sinungaling." kumuha sya ng slice ng cake tsaka kumain. Tinuloy ko na ang pinapanood ko sa TV habang naka indian sit sa sofa nakapatong sa lap ko ang unan.
"Nanonood ka pala nyan?" tanong nya habang nakatingin na din sa TV. Grey's Anatomy kasi ang pinapanood ko.
"Bakit di ka nag Med?" natigilan ako sa tanong nya.
Gusto ko talaga maging Gynecologist. Yon talaga gusto kong course pero hindi ko alam kung bakit napunta ako sa accountancy. Basta noon ayokong naco-compare kay Kuya Denzel. Ayokong nasasabi ni Papa na 'Kuya mo ganito grades ikaw ano?' 'bakit kuya mo mataas grade' 'bakit kuya mo honor student'. Ayoko ng ganon, pakiramdam ko hindi ako deserving lalo na pag galing sa parents.
Kaya sabi ko sa sirili ko gusto ko iba yung field ko kay Kuya para hindi ako makumpara. Para hindi masabi sakin na 'bakit yung kuya mo kaya nya' hindi ako masyadong masasaktan pag ganon kasi ako alam ko sa asarili kong mag kaiba kami ng inaaral. Hindi nila pwedeng asahan sakin yung bagay na nagagawa ni kuya kasi hindi naman kami parehas.
"Hindi ko nakita sarili ko doon." yan ang palagi kong sinasabi para hindi nalang pag usapan.
Nanood lang kami ng mga ilang episodes bago kami umakyat sa kwarto ko. Nag kwentuhan kami ng mga hinanakit sa buhay kagaya ng palagi naming ginagawa. Natigil lang kami ng mag sabi yung pamangkin ko sa pinsan sa side ni Papa na pupunta daw sya dito. Si Farrah ay pinsan ko sa side ni Mama.
(Hi po Lods.)
"Kamusta?" hindi ko inaasahan na tatawag sya kaya naman hindi ko alam kung ano nanaman ang sasabihin ko. Hindi na ata ako mababago pag dating kay Jayden. Palagi akong lutang sa kanya.
(Okay naman, sobrang enjoy ka siguro sa vacation mo noh?)
"Bakit naman?" iba yung pakiramdam ko sa tono nya.
(Nakakalimutan mo na ko.)
"Sorry po Lods." nakonsesya ko dahil may mga ilang chats sya na di ko na narereplyan.
(Joke lang, ayos lang naman sakin.)
"Babawi ako sayo bukas. Ngayon kasi nandito mga pinsan ko baka may inom kami." nahiga ako sa kama ko habang yakap ang unan. Nasa baba si Farrah ngayon tumutulong mag luto kila Kuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/268369643-288-k580584.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.