(Happy Valentine's Day!)Napangiti naman ako ng marinig ko ang boses ni Jayden.
"Happy Valentine's Day too." umayos ako ng upo sa kama ko.
Weekend ngayon kaya nandito ako sa bahay namin. Dinaanan ako ni Kuya Denzel kaya naman kahit wala akong planong umuwi ay napauwi ako.
(Kamusta tulog mo?)
"Okay naman siguro nagising pa ko ih." sabay kaming natawa sa sagot ko.
(Anong plano mo ngayong araw?)
"Makikipag date." lumawak ang ngiti ko ng natahimik sya.
"Huy, nanjan ka pa?" tanong ko dahil ilang minuto na syang tahimik.
(Yeah. Kanino naman?)
"Secret." may pang aasar sa tono ko.
(Sige, enjoy sa date.)
"Oh ayos ka lang? Bakit parang nalungkot ka?"
(No. Ayos lang ako. Ingat ka.)
"Joke lang yon hoy!" tumawa ako.
(Pangit mong mag biro.)
"Sorry Lods." natatawa paring sabi ko.
(Hmp.)
"Laro nalang tayo buhatin kita sa ML para di ka mainis." kinuha ko ang earphone ko tsaka ko kinabit.
(Wow ang lakas naman talaga. Sige open nako.)
Bilis din talaga mag bago ang mood nito. Masyadong marupok sa mobile legends. Nag laro kami ng classic. Support Rafaela ako at core Helcurt naman sya.
"Hoy help nag ss sakin si Aldous." sabi ko ng makita ko na ako ang target ni aldous dahil konti nalang ang buhay ko.
(Punta ka dito sakin.)
Nag punta ako sa tore dahil nandon sya at pag tama ni aldous sakin ay nag ss din sya. Napatay nya si Aldous kaya tumawa kami. Nagulat ako ng nag chat sya sa ML.
'Don't kill my Rafaela.'
"Shuta ka! Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi tayo yung sweet na mag kaduo na nice one baby meta tapos ganyan ka?" nag tawanan kaming dalawa dahil sa ginawa nya.
Nakailang laro pa kami bago ako nag paalam na bababa nako para kumain. Nag paalam din sya na bibili sya ng pag kain sa labas.
"Ang saya mo naman ngayon." sabi sakin ni Kuya Denzel habang kumukuha sya ng kanin.
"Palagi naman." sagot ko tsaka ako naman ang kumuha ng kanin.
"Edi palagi pala kayong mag kausap?" kumunot naman bigla ang noo ko.
"Ha? Nino?" tanong ko sa kanya pero nag smirk lang sya.
"Yung kausap mo kanina." narinig nya pala?
Hindi nako sumagot dahil nakatingin na sakin sila Mama at Papa.
Wala naman nangyari sakin buong weekend. Nag stay lang kami sa bahay, umalis lang ata kami nung sunday morning para mag simba. Then nung hapon ay bumalik na kami sa Manila.
"Nag kita na kayo?" tanong ni Lyssa habang kumakain kami. Nakatingin sakin sila Ate.
"Hindi pa." nag patuloy ako sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Fallen Too Far (NU SQUAD #1)
Short Story'Auryn Maeve Velasquez & Jayden Alistair Montefrio' -NUSQUAD series #1 **The photo I used for the cover is not mine. Credits to the rightful owner.