Hinawakan niyang mabuti ang kamay ko at hinila ako palabas ng Airport. I tried to read his mood as of the moment, but I can't choose whether he's on rage or he's on hurry. But maybe both?
The undefeaning silence envelope the two of us even when we ride the taxi all the way to the hotel. But his holds remains.
Panaka naka akong lumilingon sa kaniya at sa tuwing gagawin ko ito iiwas niya ang mukha sa akin at lumilingon sa bintana. Hindi ko tuloy mawari kung ano ba ang kulay ng mukha niya ngayon.
Napapansin ko sa gilid ng mata ko ang Panaka nakang pag igting ng panga niya, kasabay pa noon ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Nagtataka na ako sa inaasal niya. Hirap na nga niyang basahin, napakakomplikado pa ng actions niya.
Napa hinga ako ng malalim at doon ko nahuli ang tingin niya sa akin. Ngingiti na sana ako dahil sa wakas nahuli ko ang tingin niya, pero agad agad siyang nag iwas ng tingin na ikinasimangot ko nalang. Tingin ko magpapatuloy pa ang kaniyang ugali hanggang mamaya, kung kaya hindi na muna siya pinansin at tinigilan na muna ang pag lingon sa kaniya.
Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang nadadaanan namin. Hanggang sa makalimutan ko munang kasama ko si Dan at nawili na ako sa pagtingin sa labas ng bintana. Lumapit pa ako lalo dito ng may makita akong kakaiba ngunit dahil sa bilis ng patakbo ng sasakyan, hindi ko na nakita ulit iyon.
Nahinto bigla ang paninitig ko sa labas ng bintana ng hilahin ako ng katabi ko pabalik sa pwesto ko kanina gamit ang kamay kong nakahawak pa rin sa kaniya.
"Ano?" inis kong Turan dito. Bigla biglang nanghihina e ang ganda na ng moment ko.
Hindi naman siya sumagot at tumingin nalang din sa labas ng bintana.
Nainis ako lalo kung kayat binawi ko na ang kamay ko at Lumapit sa bintana, palayo kay Dan.
"Lumapit ka nga dito." demanding nitong sabi na ipinagsawalang bahala ko nalang. Bahala siya diyan, matapos niya akong ignorahin. Kanina pa siya ha. "Isa." dugtong niya pa. Pinababa niya pa ang tono ng boses niya na akala mo naman matatakot niya ako.
Lumingon ako sa kaniya pero para bigyan siya ng isang matinding irap at humarap na muli sa bintana.
"Acting like a child? C'mon!" tila napapagod niyang sabi.
"What did you say?" na pataas ng kaunti ang boses ko. Napansin ko pang na gulat din ang driver pero hindi na kumibo.
Nagulat din si Dan at nag iwas muli ng tingin sa akin. Napansin kong lumunok siya pero hindi nag salita.
Kinuha ko nalang iyon para magsalita muli.
"Acting like a child? Really?" hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Talagang ako pa ang sinabihan niya ha?
Mula non, hindi ko nalang siya pinansin kahit halata na ang pagtitig niya sa akin. Nakarating na kami ng hotel ng wala ng pansinang nagaganap. Hindi ko rin matantiya kung inis lang ba ako sa kaniya ngayon o nagagalit na ako. Pero wala rin akong gana makipag talo sa kaniya ngayon dahil gusto ko nalang mahiga at magpahinga muna. Na pagod ako sa biyahe at nawalan na talaga ako ng gana.
Dire diretso nalang ako habang hawak hawak ang bag at maleta ko. Nakipag unahan pa talaga ako kay Dan para lang ako na ang mag hawak ng maleta ko.
Totally inis na sa kaniya. Edi bata na kung bata. Child pala ha!
Nang makuha ang keycard, nag request pa ako ng duplicate nito. In case lang. At yeah, iisang kwarto lang ang kinuha niyang room. Well, mag asawa naman na kami at nag sasama na sa isang bahay pero... Yeah walang ibig sabihin siguro iyon.
Nagmamadali akong maglakad dahil bukod sa inaantok na talaga ako, sumasakit na rin ang paa ko. Kung bakit ba kasi itong masikip pa na sapatos ang naisipan kong isuot.
"Hey, wait up!" narinig ko ang boses ni Dan na tumatawag sa akin. Pero sa pagmamadali ko, hindi ko nalang siya pinansin. Hanggang sa magsara nalang din ang elevator na sinasakyan ko. Mabuti nalang at nakapag request pa ako ng isa pang key card kahit dalawa na iyong nasa kaniya.
In case lang naman, tulad ngayon.
Hindi pa man bumubukas ang elevator tinanggal ko na agad ang sapatos ko. Good thing that I always wear socks whenever I wear shoes. Ramdam ko man ang lamig ng sahig ng elevator na 'to, nakapag bigay pa rin ito ng kaginhawaan sa mga paa ko. Just the thought that it's now free from the tightness of the shoe gave me comfort.
Nifeel ko pa talagang mabuti ang mga paa kong walang sapatos hanggang sa marinig kong bumukas ang elevator. Lumabas akong bitbit ang maleta, bag at sapatos habang naka medyas lamang.
"Omoo!" gulat pa ang reaksyon ko ng makita ng carpet ang floor nila sa hallway. Mas lalong natuwa ang mga paa ko at hindi nakuntento sa sapatos na tinanggal kaya pati ang medyas ay tinanggal na.
Dinahan dahan ko pa ang paglalakad sa carpet na sahig. Ang gaan lang sa paa na umapak dito lalo pa't malamig din ito.
Natagalan pa talaga ako bago ko nahanap ang room namin at na gulat ng madatnan ko ang bulto ng tao na masamang nakatingin sa akin. Nakabukas na ang pintuan ng hotel room namin kaya hindi na ako nag abalang bitawan ang mga dala ko at nag tuloy tuloy nalang papasok. Ni hindi ko siya pinansin o binati man lang.
"Why are you barefooted? Wear your shoes!" napalingon ako sa kaniya ng painis siyang nag salita sa akin.
Pero isang irap lang ulit ang sinagot ko sa kaniya.
"Damn it, young lady!" wala na rin siyang nagawa ng bigla ko nalang itapon sa kaniya ang sapatos ko at ibagsak ng pabalya ang mga hawak ko saka humiga sa kama.
"Stop nagging! I'm so tired, can't your madness wait? Dang it!" halata na rin sa tono ko ang inis. Nakatalikod ako sa kaniya at nakadapa pa ako sa kama. May ilang kaluskos akong naririnig hanggang sa marinig ko ang pag sarado ng marahan sa pintuan.
Tila nahihiya siyang gumawa ng ingay ngayon. Lumubog ang kabilang parte ng kama senyales na naupo siya roon. Hanggang sa wala na akong ibang naririnig na ingay ng maramdaman ko naman ang isang brasong yumakap sa akin.
"Aren't you gonna eat first?" malumanay na ngayon ang kaniyang pagka kasabi na Tila hinaluan pa ng paglalambing sa tono nito.
Nakakatempt ang kaniyang alok na kumain muna pero sadyang wala akong gana para sagutin ito.
"Let's eat first before you sleep, hmm?" lumapit pa ito lalo sa akin at marahang humalik sa batok ko. Tumaas ang balahibo ko rito at nakaramdam ako ng init sa bawat halik na ginagawad niya rito.
"Just go to your lunch meeting. I'm not hungry." tuluyan na akong nag salita. Hindi ko na makayanan ang hatid na init ng kaniyang nga halik.
Bumaba ang braso niya sa bewang ko at doon kumuha siya ng bwelo para ilapit pa lalo ang katawan niya sa akin. "You should eat first before you rest, babe."
Napalingon ako sa kaniya ng bigkasin niya ang huling salita. Ngunit isa yata iyong pagkakamali dahil halos mahalikan ko siya. I binalik ko nalang ang tingin ko sa kabila at umungol ng may pag angal.
Hinaplos niya pababa pataas ang bewang ko habang pa tuloy ang pag amoy at paghalik niya sa batok ko.
Tila iba na ito.
Sa paraan ng paglalambing niya mas lalong umaayaw ang katawan ko na tumayo pa. Mas gusto na lang nitong ipahinga na tlaaga ang lahat.
Hindi na muling nag salita si Dan at mas isiniksik nalang ang sarili sa akin. Hindi na niya ako napilit pa at nagpa tuloy nalang sa ginagawa niyang paglalambing sa akin. Hindi ko tuloy alam kung naglalambing pa ba ito o nang aakit na.
Nakalimutan ko nalang ang pag iisip ng tuluyan na akong maka tulog sa ganoong pwesto.
Lame! Sorry na, bawi ako sa sunod promise😘
Leave comments lang ha, binabasa ko lahat iyan kahit MIA ako palagi hihi!
BINABASA MO ANG
The Campus Crush is My Secret Husband
Lãng mạnNo one should know, you must deny! Start: Sept. 12, 2020 End: Growth: 1k Reads 10/07/20 1.5k Reads 11/05/20 2k Reads 11/19/20 2.94k Reads 01/29/21 3.5k Reads 02/22/21 4.2k Reads 3/26/21 5.02k Reads 4/13/21 10.1k Reads 10/31/21