Chapter 7

843 38 8
                                    

Sumunod din siyang pumasok sa loob at agad pinaandar ang sasakyan.

"You're hanging out for the whole day? Really Zan?" he's still in it. Napapansin ko na ngayon ang pamumula ng leeg niya hangganan sa tenga niya.

He's probably mad.

I should be mad too. Kanina niya pa ako pinagbibintangan sa bagay na hindi ko naman ginawa.

I was about to yell at him when he said the words I never expected, "I was searching for you the whole day. I thought umuwi ka sa condo, noong hindi kita nakita doon pumunta naman ako sa bahay niyo. Nang hindi kita maabutan minabuti kong pumuntang school baka sakaling andoon kana. I even go to some malls and search for you there for freaking hours. I never thought na sa kaibigan mo ikaw pala tatambay." he's now calming down while he's telling all of this escapades while finding me. Nagulantang lang ako ng malaman kong hindi pa rin siya tumigil ng malaman niyang wala ako sa bahay namin o sa school.

Then I'm curious about this something.

"Bakit mo ako hinahanap?" matiim akong nakatingin sa kaniya. Tumingin siya sa akin at saktong nagtama ang bawat mata namin. All weary and tired. Tila nangungusap ang mata niya ngunit agad din niya itong iniiwas.

"I was just worried. You've been missing the whole morning." his voice are filled with uncertainty.

But I know the truth. He saw me walking away because I have witnessed it with his other girl.

"Yeah, worried huh?" makahulugan kong sinabi bago umayos na sa pagkakaupo.

"And what you really did to his house? Ni hindi mo man lang ako magawang itext o tawagan? That's how busy you were with him?" balik ulit sa akin ang paratang. He's back with his annoyed face.

I have left with no choice kundi sabihin nalang sa kaniya ang totoo. Mas madali iyon kaysa magsinungaling.

"I passed out. I just woke up when you come to their house."

A moment of silence when he suddenly turns the car backward and maneuver it a way faster. I got panicked that I almost shouted.

"What are you doing? Where are we going?"

"We'll see a doctor."

"Are you out of your mind? Hindi mo ba napansin ang doctor kanina sa kwarto ko? We don't need to see a doctor. Nagpatawag na si Zach at napatignan na rin ako." mukha siyang natigilan sa sinabi ko at nag turn ulit.

"Then what's the doctor said? Sigurado ka bang magaling iyon? What kind of examines did he run?" I rolled my eyes.

"Paano ko malalaman kung pinaalis mo na agad ako doon? He's just waiting for me hindi ko rin alam bakit hindi siya lumapit sa akin ng magising ako but one thing is for sure, he already said it to Zach."

"Hmm, huwag mo na siyang tanungin ako na magtatanong sa kaniya." nagulat ako sa sinabi niya na napalingon pa talaga ako sa kaniya.

"Bakit? Kaibigan ka niya? Ikaw iyong nahimatay?" sunod sunod kong tanong na siyang ikinalukot muli ng mukha niya.

"Bakit? May balak kang pumunta pa ulit doon?" i rolled my eyes again.

"Duh, mukha bang pupunta ulit ako doon? He's just one call away, man!"

"One call away naman pala bakit kailangan mo pang pumunta doon kanina? Tsk!" bulong niya na narinig ko naman. Bubulong na nga lang dinig na dinig ko pa.

Sasagutin ko pa sana siya ng malakas na tumunog ang tiyan ko. He looked at me shocked at agad pinabilis ang sasakyan.

"Hindi ka pa kumakain? Damn!"

Humalukipkip ako bago sumagot, "Are you expecting me to eat while asleep? Duh!" tumingin siya sa akin gamit ang nanlilisik niyang mga mata. Napikon siguro, grabe naman kasi mag-isip. Ewan kung matalino ba talaga ito o paepal lang.

Hindi na siya sumagot at hindi na rin nagsalita. Pero agad na rin kaming nakarating sa isang restaurant. Bago ko pa matanggal ang seatbelt ko, lumapit na siya sa akin at siya na nagtanggal ng seatbelt ko. Saka siya lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

Hindi ako agad nakareact lalo na ng tumungo siya para magpantay kami.

Ikinagulat ko lalo ng simulan na niya akong halikan. Sa nanlalaking mga mata, ramdam ko ang padampi dampi niyang halik. Hanggang sa dumiin na ang mga halik niya at lumalim.

Napapikit ako ng maramdaman kong may kumikiliti sa tiyan ko. Bigla rin akong nanghina at ang tanging tumatakbo na lamang sa isip ko ay ang mga halik niya. Nakakalasing ito na hindi ko na napapansing napapasunod na pala ako sa bawat galaw ng labi niya.

Mahigpit ang kapit ko sa batok niya at siya naman sa bewang ko. Nararamdaman ko na lang na malapit na akong mawalan ng hininga pero hindi pa rin siya natigil. Kaya buong lakas ko na siyang itinulak.

Aatakihin pa ulit sana ako ng mga labi nito ng pigilan ko gamit ang palad ko.

"Haven't you had enough? Fyi, nasa public tayo and I'm hungry!" I spat at him making him to just smirk. Nang-iinis pa talaga. Naramdaman kong pinisil pisil pa nito ang bewang ko bago ako alalayan palabas ng kotse.

"Damn, nakakaadik!" right before after he said that, he again attacked my lips and kiss me fully on the lips. Andyan na naman ang kung anong nasa tiyan ko.

Nakakapanghina ang mga halik niya kaya agad kong iniyakap ang mga braso ko sa batok niya. Mabuti nalang din at hawak niya ako kundi bibigay nalang bigla ang mga tuhod ko.

Tinulak ko nalang ulit siya ng mapansing hindi pa siya tumitigil.

"Damn it, Daniel. Napaka-PDA mo. And please lang, tigil na awat na. Goodness. Halos makain mo na ng buo ang labi ko." natawa siya sa sinabi ko at kinintalan naman ako ngayon ng halik sa pisngi.

"Don't ever make me worried again like that, okay? Kung may problema ka, run to me. Andito lang naman ako, hindi mo na kailangang lumayo." he whispers to my ears.

"Paano kung ikaw ang problema ko?" nagulat ako ng maisatinig ko ang kung anong pumasok bigla sa utak ko. Babawiin ko pa sana ito ng marinig ko ang sagot niya.

"Then run to me. Kung ako ang problema sa akin ka tumakbo at aayusin ko. Aayusin natin ang problema sa pagitan nating dalawa, at hindi sa ibang tao." that's all he says before he guided me towards the restaurant while still clinging unto me.

Hindi ko rin alam kung bakit pero biglang nawala ang bigat na nararamdaman ko. Halos makalimutan ko rin ang sakit na nararamdaman ko kanina at napalitan nalang ito ng saya.

Ibig sabihin ba nito, may nararamdaman na rin siya sa akin?

Is it the start of everything?

The Campus Crush is My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon