You can't force me
"What? What did you say?" nakababa na kami sa sasakyan at naglalakad papasok ng building.
"You're going with me in Cebu." straight forward niyang sinabi habang titig ang mga mata niya sa akin. Gusto ko pa sana kaming tumigil at pag-usapan ito pero pinilit niya na akong umakyat muna sa pamamagitan ng paghawak sa baywang ko.
Nagulat pa ang receptionist dahil ngayon niya lang ata kami nakitang ganito kalapit sa isa't-isa. Hindi ko na ito nabigyan pa ng pansin dahil tuloy tuloy at mabilis ang ginawang paglalakad ni Dan at naaakay niya ako. Pagdating sa elevator ay sinimulan ko ulit na buksan ang topic.
"You can't take me in Cebu." malumanay man ang pag kakasabi ko, nakita ko ang pagtalim ng titig sa akin ni Dan. Ang kamay niyang nakakapit ay mas lalong humigpit.
"I can take you wherever I want." mataas ang noong sinabi niya. Tumingin din siya sa pintuan ng elevator at ng bumukas ito ay hinila ako. Agad niyang binuksan ang pinto ng condo namin at hinila ako papasok.
Hindi ko nagustuhan ang naging sagot niya. Tila andaming pinapahiwatig ng sinabi niya.
"You can't take me wherever you want, Dan. I have me own life, my own choice. You can't force me if I say I don't want to." seryoso kong sinabi. Tumingin siya sa aking with now his bloodshot eyes. Tila pagod na siya at hindi kakayanin ang isa pang argumento.
Huminga siya ng malalim bago niluwangan ang suot niyang neck tie. "And what do you want me to do? Go there on my own and leave you here?"
"Yes, duh! It's your business its not like I have to do something with it." tinalikuran niya ako at pumunta sa kusina para kumuha ng pitsel at magsalin ng tubig sa baso. Agad niya itong ininuman at mariing inilapag ang baso.
"Isang araw ka palang na hindi nagpapaalam, hindi ko na alam ang gagawin ko. What more if it takes for a week? Gusto mo ba akong mabaliw, babae?" mahinahon ang bawat bigkas niya pero may diin sa bawat salita.
Nagitla ako at hindi makagalaw. Tama nga akong nag-aalala siya. Pero bakit siya nag-aalala? Should I put meaning with that? Pero ayaw kong umasa. Ayaw kong paasahin ang sarili ko sa isang bagay na imposible at hindi makatotohanan.
"Okay. I'll update you from now on." nagkibit balikat ako bago inilapag ang bag ko sa sofa at nagtanggal ng sapatos. "But I won't be with you in Cebu." isang bagay na ayokong sumama sa kaniya ay dahil wala naman akong gagawin doon. He will meet businessman there. Plus the fact that his seminar will last for a week. And I know for sure na maiiwan ako sa hotel room at hihintayin siya. See how will I get bored?
At itong kaka issue lang saming dalawa. Baka may ibang makaalam pa kung sabay kaming mag aabsent at saktong isang linggo din. Hindi ba nakakapagtaka iyon?
Dumiretso ako sa kwarto at agad pumasok ng banyo. Naligo ako sa isang maikling argumento sa aming dalawa. Gusto ko rin sana sumama sa kaniya pero sa tuwing maiisip ko na mabobored lang ako doon samahan pa ng magiging issue, sumasakit lang ang ulo kong sumisigaw ng hindi pwede!
Natapos akong maligo at nadatnan ko siyang nakadekwatro sa kama namin. Ang dalawang kamay ay nakatukod sa magkabilang gilid habang mariing nakatitig sa akin.
"My flight is early tomorrow morning. You sure you won't come?" wala ng bahid ng inis ang boses niya ngayon. Nananantiya nalang ito sa akin. Natakot ko yata siya biglaang pagseryoso ko kanina. Hindi ko naman na iyon mababawi at tingin ko'y napabuti niyon ang sitwasyon namin.
"I'm already sure." nag aalangan man tinago ko na lamang iyon sa sarili ko at hinayaang pumirmi ako sa desisyon ko. Dahan dahang siyang tumango bago tumayo at lumapit sa akin.
"Fine, then. I'm just going to take a shower." hinagkan niya ako sa pisngi. Marahan lang ang pagkakadampi ng kaniyang labi pero nagtagal naman ito.
Lumayo na siya at pumasok sa banyo. Nagkaroon naman ako ng pagkakataong magbihis at mag-isip.
Lately, his actions became bold. Mas lalo na ang panaka nakang paghalik niya at pagtitig niya sa akin. Pero sapat na bang mga rason ito para bigyan ko ng kahulugan?
Napailing iling ako. Masyadong mababaw ang kaisipan ko sa mga ganito. Kung gaano ko kabilis naaanalisa ang bawat kaso at problema, ganoon naman ako kabobo pagdating sa kaniya.
Nasa pagitan ako ng pagkilala sa kaniya at ng takot. Both sides are crucial and very important. Isa ang dapat manaig sa dalawa, at isa lang dapat. Kung kikilalanin ko siya at ang bawat galaw niya, hindi dapat ako matakot sa kahahantungan ng puso ko. Pero kung mananaig ang takot sa akin, mas maiging huwag ko na lamang pansinin ang kaniyang ginagawa.
Natapos na akong magbihis at paglabas ko'y naupo ako sa vanity mirror ko. Kumuha ako ng suklay at dahan dahang sinusuklay ang buhok ko. Nagtuloy tuloy pa ang pag-iisip ko sa mga nangyayari. Tila walang tigil na tumatakbo ang isip ko at nakakagawa ng kung anu anong ideya at palaisipan nalang kung ito'y totoo.
Naalala ko rin ang naganap kanina sa sasakyan. Agad nag-init ang pisngi ko. Nagsitaasan rin ang bawat balahibo ko ng maalala kung paano ako dumaing sa bawat paglapat ng labi niya. Paano nalang kung nagtuloy tuloy pa iyon?
Umiling iling ako para iwaglit ang kung anumang naisip.
'Bad! Stop thinking so dirty, you idiota!' hindi ko namamalayang ipinupokpok ko na pala sa ulo ko ang suklay.
"WHAT ARE YOU DOING ZANIELLA?" dumagundong ang malakas na boses ni Dan sa apat na sulok ng kwarto. Lumaki ang mata ko sa gulat at natigil ang kamay ko sa ere. Lalong tumaas ang init sa pisngi ko.
Kinuha niya ang suklay sa kamay ko at inilayo ito.
"What the hell? Are you out of your mind? Are you crazy? Damn it! May problema ka ba?" naghi hysterical na siya ngayong nagtatanong sa akin. Hindi maapuhap kung anong tamang tanong ang itatanong sa akin. Bakas ang galit at pag aalala sa mukha niya.
"ah... I'm... Ahhh..." hindi ko malaman kung anong isasagot sa kaniya pero nakuha kong tumayo.
"What?" inis parin niyang tanong.
"I'm just thinking of something, okay?" parang bombilyang lumiwanag ito sa utak ko. Agad kong kinuha ang suklay sa kamay niya at naupo muli upang magsuklay sa sarili.
"Thinking while hitting your head with that heavy brush?"
"Yeah. I absentmindedly did that." nagkibit balikat ako. Hindi ko rin kasi alam kung bakit at paano ko iyon nagawa.
Inagaw niya sa akin ang suklay. Mas lalong hindi naging maganda ang timpla ng mukha niya sa sagot ko.
"Damn! Kahit ata pati pagsuklay hindi na kita pagkakatiwalaan." bulong bulong niya na narinig ko naman. Saka sinimulang suklayin ang buhok ko.
Napaigtad ako sa ginawa niya. Hindi dahil sa marahas ang pagsuklay niya, dahil marahan lang ang pagsuklay niya na halos hindi ko maramdaman sa ulo ko, pero dahil sa ginagawa niyang pagsuklay sa akin.
Marahan ang paghawak niya sa buhok ko habang ang isa'y nagsusuklay.
Napansin kong wala pa siyang suot na damit at tanging bathrobe lang ang suot niya.
"I think...uhm okay na yan... Ahh magbihis kana." pati siya ay napatingin sa katawan niya. Dala dala ang suklay ko, pumasok siya sa walk in closet namin.
Napairap nalang ako, "tuluyan na ngang hindi nagtiwala sa pagsuklay ko. Parang abnoy din. OA!"
BINABASA MO ANG
The Campus Crush is My Secret Husband
RomanceNo one should know, you must deny! Start: Sept. 12, 2020 End: Growth: 1k Reads 10/07/20 1.5k Reads 11/05/20 2k Reads 11/19/20 2.94k Reads 01/29/21 3.5k Reads 02/22/21 4.2k Reads 3/26/21 5.02k Reads 4/13/21 10.1k Reads 10/31/21