Likod ng Lumang Building
What is he sorry for?
That thought bother me so much. I can't concentrate on what's happening inside our classroom. Only that, their stares freaks me out.
Mabilis ang balitang kumalat sa buong school. Kahit lunch na ay tutok pa rin sa akin ang mata ng ilan. Pinanatili kong makita nilang wala akong napapansin at inosenteng napapalingon sa ilang halatang tumititig sa akin. Kung kaya imbes na sa canteen ako dumiretso, lumabas nalang ako para kumain. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang kumain gayong titig ang halos lahat sa akin at pinapanuod ang bawat galaw ko.
Pakiramdam ko tuloy isa ako sa biglaang sumikat at bawat tao nagtataka kung sino ako at ano ang ginawa ko.
Napansin kong tumatawag sa akin si Dan. Kanina niya pa ako sinusubukang kausapin ngunit sa inis ko sa kaniya lagi ko itong iniignora.
Pero sa totoo lang, hindi lang naman kasalanan ni Dan ito. Iyong babaeng lumapit sa akin. Kung hindi niya iyon ginawa hindi makakagawa ng issue ang iba. Paepal kasi, lakas maka attention seeker.
Nang matapos na akong kumain ay siyang pagtawag ulit ni Dan. Half past twelve na at kanina pa siya tumatawag.
Naglunch na kaya to?
Naguilty naman ako kaya sinagot ko na ang tawag niya.
"Hello?"
Ilang sandali ang lumipas pero walang sumagot.
"Hello? Dan?"
Narinig ko siyang bumuntong hininga. Tila hudyat nito na magsalita na.
"You're not in the cafeteria. Where are you?" nahimigan ko ang pag-aalinlangan sa tono ng boses niya. Tanging boses niya ang naririnig ko at walang iba. Wala siyang kasama.
"Lumabas ako. People stares at me hysterically. Baka hindi ako makakain." I make my voice as normal as possible.
Tumikhim siya.
"I'm sorry. I know it's my fault. I shouldn't look at you that way. I-I really —"
I cut him off, "It's not really your fault. Kung hindi lang pinansin ng isa mong kaibigan I think wala namang magiging problema. Pero ayos lang. People will just think it for temporarily. Just ignore me next time."
Bumuntong hininga ulit siya. Hindi kumbinsido sa naging sagot ko pero hindi naman nagsalita.
I'm hesitant right now but my worries with him overflows. Hindi ko naman alam bakit ako kinakabahan. Normal naman ito sa amin pero nagkaroon na ata sa akin ng alinlangan simula noong mangyari iyong kagabi.
"Kumain kana?"
Narinig ko siyang tumikhim at tila naghahanap ng maisasagot pero walang masabi. Inantay ko siyang magsabi ng totoo dahil pakiramdam ko kapag pinilit ko siya mas lalo lang siyang magsisinungaling.
"Right. I forgot." sa huli ay sinabi niya rin ang totoo.
Tama nga ang hinala kong hindi pa siya kumakain. Hindi ko alam kung nag-almusal siya sa bahay pero umalis naman ako na may luto na. Sana naman ay kinain niya iyon.
"You should go to the canteen now. Kumain ka ba ng breakfast?"
"I saw foods in our dining table. Don't worry kinain ko iyon." tumikhim siya bago muling nagsalita, "Can I just go there? Uhm... You know my...friends probably ate already and uhm..."
Hindi niya naituloy ang sinasabi niya.
Naramdaman ko ang munting pag-asa sa boses niya. Tila isang tukso ang pumain sa harapan ko. Tapos na akong kumain pero ang isiping makakasama ko siya'y nagbigay ng galak sa akin.
BINABASA MO ANG
The Campus Crush is My Secret Husband
RomanceNo one should know, you must deny! Start: Sept. 12, 2020 End: Growth: 1k Reads 10/07/20 1.5k Reads 11/05/20 2k Reads 11/19/20 2.94k Reads 01/29/21 3.5k Reads 02/22/21 4.2k Reads 3/26/21 5.02k Reads 4/13/21 10.1k Reads 10/31/21