Chapter 12

695 39 10
                                    

I can't do this

"Anong mayron sa inyo ni Dan?" nabigla ako sa tanong ng katabi ko. Bago pa ako makaisip ng idadahilan sa kaniya, dinugtungan na niya ang sasabihin niya.

"Noong nakaraan pumunta siya dito. Which is very unusual because he never cross his path here. And this newest issue kung bakit ka nilapitan ni Faye. Everyone saw who he's staring at but only Faye confirmed who is it. And kanina lang, nakita kitang pumunta sa likod ng building na may dalang plastik. Doon palang nagtaka na ako. Kasi kahit kailan hindi kita nakitaan ng kahit sinong kaibigan..." tumingin siya sa akin, "o boyfriend man lang. Kaya sinundan kita."

Natuod ako sa kinauupuan ko. Maingay ang paligid namin pero tila isang malakas na kampana ang boses ni Shelby, ang katabi ko, at wala akong ibang marinig kundi ang boses niya.

Doon palang unti unting nag sink in sa akin ang lahat. She knows it already.

"Sorry Zan. I know I shouldn't stick my nose with your business but I was so curious. And worried." humina ang boses niya sa dulo. Hinawakan niya ang kamay ko. Wala pa rin akong maapuhap na isasagot sa kaniya. Nablanko ang isip ko at tila hindi ko magalaw ang dila ko.

Yumuko siya, "Don't worry. I won't meddle with your uhm...thing... I can keep it a secret. I... I just want to say that... I'm really worried about you. I heard babalik na siya."

And only that time, something click on my mind. But I refused to acknowledge it.

"Okay lang Shel. I know naman na walang sekreto ang hindi mabubunyag. Later or sooner, everyone will find out. It only takes a matter of time." humigpit ang kapit ko sa kamay niya, "Thanks Shel for understanding my side. I really appreciate what you've done and not being so hysterical about it."

Napangiti siya sa huling idinugtong ko. Naging mabigat ang tensyon sa pagitan namin. May mga nakapansin sa amin at tila nahihinuha ko na ang tumatakbo sa isip nila. Kaya nag-isip ako ng kasinungalingan para iwala ang iniisip nila.

"So, kita tayo mamaya. I'll help you with your presentation." ngumiti pa ako sa kaniya. Nakuha naman niya ang nais kong iparating at ngumiti din siya. Nag usap pa kami ng kung anu ano.

Sa hindi ko inaasahan, gumaan ang pakiramdam ko. Ang ganda pala sa pakiramdam kapag may tao kang napagsabihan ng totoo at hindi mo kailangang magpanggap. Ang ganda pala sa pakiramdam na makakilala ng taong nakakaintindi sa kung anong gusto mo.

True to what I said, nagpunta kami sa café pagkatapos ng klase. Pareho kami ng schedule sa hapon kaya naman hindi na kami nahirapan. Pumasok kami doon na parang ang tagal ng magkaibigan. Nakahawak ako sa kaniyang braso at siya naman ay nakangiting nagkekwento ng kung anu ano tungkol sa mga blockmates namin.

"Pero ano kasi...may gagawin talaga akong presentation at hindi ko pa nasisimulan." tila nahihiya siyang nagkamot sa likod ng ulo niya. Ang cute niya lang mahiya, sana all. Namumula pa ng bahagya ang ilong niya.

"Tulungan kita?"

Sunod sunod siyang tumango. Kaya sa buong pagtatambay namin sa café ito ang naging topic namin. May panaka nakang singit ng mga kwento sa pagitan namin pero all in all, naka focus kami sa presentation niya.

Doon ko lang napansin na nakagaanan ko agad siya ng loon. Ang bilis naman. Parang kakausap lang namin kanina agad na kaming nag click!

May mga ganoon kaya? Iyong tipong unang usap niyo pa lang alam mo nang okay siya?

Ewan ko. Basta ganoon ang pakiramdam ko.

"Hala gabi na pala!" tumingin siya sa labas at ganoon rin ang ginawa ko. Hindi ko namalayan ang oras.

The Campus Crush is My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon