Chapter 9

653 32 7
                                    

We were so busy eating na hindi na namin namamalayan ang paligid. Halos tawanan at asaran ang nangyayari kung kaya't parang magtatae pa ata ako nito.

"Wait lang." pigil ko sa gagawin ni Dan. Agad akong tumayo habang dala dala ang bag ko.

"Bakit? Ano gagawin mo? Saan ka pupunta oy?"

"Daming tanong. Mag cr ako sir."

Nagulat siya at iyong mukha niya, nanlalaki ang mata at nakanganga, tila ba nakakita ng multo.

"CR lang uy, kala mo naman halloween na dahil sa reaksyon mo." natatawa pa ako habang inaasar siya. Ngunit mukha atang hindi siya makagalaw at nakakita ng multo.

Inangat ko ang kamay ko at sinampal siya... Very slight lang naman.

"Ohshit!" hiyaw niya. Napalakas ata.

Agad kong tinago ang kamay ko sa likod. Mahirap na.

Nang mukhang nahimasmasan na siya agad na muli akong nagpaalam.

"Cr na po ako..." at agad na ring umalis sa harap niya dahil parang wala naman sa akin ang atensyon niya. Pati ang pag alis ko hindi man lang niya tinignan.

Bagsak ang balikat, tinignan ko siyang muli ng makalayo na ako. At binagtas ko ang direction ng tinitignan niya.

And there I found a group of ladies ordering from the cashier. Hindi ko alam bakit andito sila, e mukha naman silang magpaparty dahil sa suot nilang damit.

Ngunit nagtagal ang tingin ko sa isang partikular na babae. Nakatayo siya doon at masayang nakikipag kwentuhan sa mga kasama niya. Her hair is carefully tied up and her make up was perfectly done. Sakto lang din ang damit na humahapit sa katawan niya, nagbibigay ng emphasis sa bawat kurba.

Nakakalungkot man pero unti unting lumukob sa akin ang inggit.

I know I'm pretty but I'm not into that thing. I mean, coloring my face and pulling a nice outfit, just not so me.

At ang malamang nakatitig sa kaniya si Dan, sumisikip nalang ang dibdib ko.

Agad na akong tumalikod ng maramdaman ang nagbabadyang mga luha sa mata ko. I may be martyr, but I know my place. Hindi ko naman siya masisisi kung magmamahal siya ng iba, pero respeto naman sana sa aking asawa sa papel. Huwag naman harap harapan.

Nagtagal ako sa cr dahil kinalma ko muna ang sarili ko. Masyado kasing madaming pumapasok sa utak ko na ayaw kong pakaisipin.

Tulad nang, ano nalang kaya ang ginawa nila noong babae sa isang buong gabi? Saan sila nagkita? Paano sila nagkakilala? At kung saan nauwi ang pagkikita nila.

Pero lahat ng iyon na sumasagi sa isipan ko ay pinipigil ng kaisipang, hindi naman niya ako mahal at anytime ay pwede siyang magfile ng divorce dahil sa ibang bansa naman kami nagpakasal.

That's why walang nakakaalam na kasal na siya. Doon kami nagpakasal dahil citizen siya doon. Pero okay pa rin kahit hindi ko muna gamitin ang pangalan niya. Or I say, I prefer not using his last name. Masyadong kilala kasi.

Pagkalabas ko ng cr, bumulaga na agad sa akin ang eksenang nakaupo na ang babae sa dati kong upuan at masaya na niyang kinakausap si Dan.

I froze standing there dahilan na maitulak ako ng nasa likod ko at matumba ako.

"Shit!" hiyaw ko pero parang walang nakarinig at lahat sila ay nagpatuloy sa kanilang ginagawa.

Tumayo ako at saktong nararamdaman ko ang hapdi sa tagiliran ko. Tumama yata sa isang upuan.

Naiiyak na tuloy ako. Bukod sa masakit na ang tagiliran ko, masakit pa nakikita ko. Ang saya saya nila at mukha talagang sila ang magjowa.

Pinili kong umalis ng hindi nagpapaalam. Umuwi ako sa bahay namin at kahit nagtataka sila mama, wala na silang nagawa ng dirediretso akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong dito.

Bigla bumuhos ang eksena kanina sa isipan ko. Ang pagtitig niya sa babae na siyang ikinawala bigla ng atensyon niya sa akin. Ang bilis lang iyon. Ang layo pa ng babae. Kahit nasa harap niya ako, parang wala pa rin.

At kung gaano siya kasayang kausap ang babae na para talagang nakalimutan niyang andoon ako.

Lahat iyon iniyak ko sa unan ko hanggang sa makatulog ako. Iniisip na sana naman bukas, wala na tong lintik na sakit na to. Sagabal lang ito sa mga plano ko e.

Naalimpungatan ako sa narinig kong kaluskos. Madilim ang kwartong nabungaran ko pero nakita ko bumukas ang pintuan ng banyo at pumasok ang isang bulto dito. Nag adjust na muna ang mga mata ko at ang isip ko.

Mukhang kakauwi palang ni Dan. Sumikip bigla ang dibdib ko. Iniisip ko palang na nakalimutan niya ako dahil sa babae kanina  unti unting namuo ang tubig sa mga mata ko.

Ayan kana naman, self! Why do you like to hurt so much ba? Aren't those tears awhile ago not enough that you'll cry again now?

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at nag isip ng kung anu ano. Tinignan ko ang oras at nakita kong pasado alas dose na.

Kaysa pakaisipin pa ito, tumalikod ako at pinilit ang sariling matulog. Umaasang mawala na ang kung anong nararamdaman ko at bumalik nalang ako sa dati.

Sa dating walang pake kay Dan.

The Campus Crush is My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon