Chapter 23

266 18 11
                                    

Mugto ang mata ko ng magising kinabukasan. Mula kasi ng magising ako sa panaginip na iyon, hindi na muli ako nakatulog pa. 

Naalala ko na naman kung paano ko iniyak ang lahat kagabi. Kung paano ko pinilit ang sarili kong ipagpatuloy ang panaginip na iyon. Ngunit hindi na talaga naipagpatuloy pa.

Doon ko lang din narealize kung gaano ko pala talaga siya kamahal at namimiss.

Sa buong stay ko dito sa London, pinilit kong mamuhay malayo sa karangyaan. Pinipilit kong baguhin ang buhay ko malayo sa dating nakasanayan. Isa ito sa paraan ko para hindi mangulila ng lubos sa kaniya. 

Nasa trabaho na ako ng makareceive ako ng text habang andito ako sa locker para makapagpahinga. Isinubo ko muna ang tinapay na baon ko at nilunok ito bago ko tinignan ang message.

[Hailey: He's here now. The one I told you last night. He's been waiting for a couple of hours now. I told him you have work but he told me I was lying, dang it. I'll never butt in again. How dare him say it to my face. Akala niya ba  gwapo siya? Neknek niya.]

Nanlaki ang inaantok kong mga mata at muntik pa akong masamid sa sarili kong laway. Nanginginig na nagtipa ako ng irereply. Biglang nagkabuhol ang mga emosyon ko. 

Pero nangingibabaw dito ang pagkalito at kagalakan.

Nalilito ako bakit niya ako hinahanap, magkagayon ay nagagalak din ako na makita siya.

But what if he just need something that's why he is here? Come to think of it, six months have passed and either a wrong sent message have never slide on my dm. 

[Me: Can you give him my number?]

At first I was hesitant to send this. Pero bubulabugin naman ng pagkalito ang isip ko.

If it is really the Dan I know...bakit siya makikipagkita ngayon?

"C'mon guys, we need to hurry. Faster everyone!" mataas na boses ng manager namin ang nagpatigil sa akin para tawagan si Hailey. 

Hinayaan ko na lamang muna ang mga agam-agam ko at inayos ang gamit sa locker. Nag-umpisa na akong magtrabaho.

Minsan, humihinto ako sa paglilinis pero agad din akong nasisita nila Waldo.

"May problema ka ba?" si Waldo. Kalalabas lang namin sa isang family room.

"W-wala naman." 

"Huwag mo ng itago. Kanina pa kita nahuhuling nakatulala."

Tumingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi. Sa totoo lang, wala ni isa sakanila ang may alam ng nakaraan ko. Wala akong pinagsabihan ni isa sa kanila dahil hindi naman sila nagtatanong.

"Gusto mo ba i-cover muna kita ngayon?" may pag-aalala sa mukha ngayon ni Waldo. 

Pagdating ko dito, naging maingat ako sa mga galaw at emosyon ko. Hindi ko pinapakita sa kanila kung nalulungkot ako, lagi lang masaya o kaya tahimik. 

Ganito ba talaga ang epekto ni Dan sa akin? 

"Ano ka ba, okay lang ako. Saka diba may date kayo mamaya ni Cristine?" Nginitian ko siya ng maluwag. Kahit hindi naman totoo, ayaw ko munang makaabala sa iba. Hindi rin pa ako handa i-open sa kanila ang buhay ko.

"Matagal na namin napapansin na masyado kang malihim. Sa lahat ng pinoy dito, ikaw lang ang hindi nag-oopen ng mga problema. Naiiintidihan naman namin iyon dahil nga bago ka palang dito hindi tulad sa amin."

"Masama ba iyon?"

"Hindi naman. Ang masama lang ay kapag lagi mo lang kinikimkim sa sarili mo mga nararamdaman mo. Mabigat na pasanin iyon, Ganda. Andito lang naman kami palagi sayo. Para kana rin naming pamilya dito. Kung kailangan mo ng masasandalan o kausap, magsabi kalang sa amin ha? Lalo na sa akin, alam kong ako ang pinagkakatiwalaan mong mabuti dito dahil gwapo ako. Basta huwag lng pera." umalpas ang maikling tawa sa bibig ko. Ang seryoso niya pakinggan noong una, na bihira kong makita sa kaniya.

The Campus Crush is My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon