Humawak siya sa braso ko. Pansin ko ang pag-igting ng kaniyang panga, magkagayon pa man ang hawak nito sa braso ko ay sobrang gaan. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan. Naiisip ko palang na andito siya ngayon, napupuno na agad ako ng tuwa. Pakiramdam na andito na ulit siya malapit sa akin hindi ko na mapigilan ang mapangiti.
Para bang bumalik ako sa pagiging highschool at kinikilig sa crush niya.
Napagmasdan ko ang ilang pagbabago sa pisikal ni Dan. Tila lumapad ang likuran nito at maging ang braso nito ay naging maskulado kung titignan. Lumalabas ang ilang ugat nito sa kabilang braso dahil sa pagkuyom ng kaniyang palad. Pero hindi sa nakakatakot na tignan, mas nagmukha siyang mature dahil sa katawan niya.
Humaba ng kaunti ang kaniyang buhok at halata ang patubong balbas niya. Lumingon siya sa akin sa gitna ng paglalakad namin. Naabutan niya ang mata kong nakatitig sa mukha niya sanhi para mapabaling ako sa gilid namin.
"Tumingin ka sa dinaraanan mo, huwag sa akin." napabaling ulit ako sa kaniya ng magsalita siya. May halong lamig ang tono niyang bumalot sa tahimik na pasilyo. Ang lamig nito ang nagpataas ng balahibo ko.
Hindi na ulit ako tumingin sa kaniya at tanging pinagmamasdan ko na lamang ang nag-uunahan naming biyas sa paglalakad. Nang makarating kami sa kwarto niya, saka ko lang napagtanto na hindi ako dapat naririto.
"Sandali!" pigil ko ng akmang isasara na niya ang pintuan. Agad akong lumabas pero mabilis ang kamay niyang pumigil sa akin. Nakakunot ang noo niyang nagpabalik sa akin sa silid.
"What?" napakagat ako sa labi ko. Bakit ba ang sungit niya ngayon? Wala pa naman ako ginagawa, a! Siya nga itong nanghihila sa akin. Kung ganon sana hindi na niya dapat ako pinapunta dito kung ayaw niya na andito ako.
"Nasa trabaho pa ako. Saka bakit ka ba nagagalit ikaw nga itong nanghihila sa akin." napanguso ako sa tinuran ko. Boses maarte ang naging resulta no'n.
Hindi nawala ang diin ng titig niya sa akin na akala mo mawawala ako sa oras na matanggal ang tingin niya sa akin. Akala mo naman makakaalis pa ako, nakapasok na nga ako sa room niya at nailock na niya ang pinto. Hindi pa ako gano'n kadaling makalabas dahil nakaharang siya doon.
"I'll call your manager. Half day ka lang ngayon." mula sa malamig naging banayad ang pagsasalita nito. Tila natauhan sa inaasal niya. Pero hindi pa rin ako natinag. Umalis na ito sa pagkakasandal at dumiretso sa closet niya.
"Pero paano kung hindi sila pumayag?" bumalik sa akin ang mariin niyang titig. Inilabas niya ang maleta bago magsalita.
"Then resign." walang pakundangan niyang sagot.
Napatanga ako sa kaniya at na-estatwa nalang sa kinatatayuan ko. Bakit andali sa kaniyang magsabi ng ganito? Nagpakahirap ako para makakuha ng trabaho kahit wala akong experience at kulang ang credentials ko. Kaya nga dito lang ako sa hotel nauwi. Akala niya ba madali lang ito? Hindi ako nasanay gumawa ng mga gawaing bahay dahil buong buhay ko palaging may yaya na nakasunod. Lagi akong nandidiri sa tuwing madadatnan ko ang naiwang kwarto na madaming kalat at minsan ay may suka pa. Ilang beses pa akong nagsuka bago ko malinis ang ito. Lalo na ang bathroom.
Nanikip ang dibdib ko sa mga naisip. Kahit naman mahirap ang trabaho dito, dito ako naging komportable. Madami akong nakilalang kaibigan. Bukod kay Zach na hanggang ngayon ay hindi pa nagpaparamdam, ang mga tao dito ang naging kasangga ko sa tuwing mag-isa at malungkot ako.
Tumingin siya sa akin at mula sa matapang na ekspresyon, napalitan ito ng pag-aalala. Mabilis ang kilos nitong lumapit sa akin at hinawakan ako.
"Did I messed up again?" napapaos ang boses nitong nagtanong. Lumapat ang palad niya sa pisngi ko at may pinahid doon. Saka ko lang napansin na nagiging emosyonal ako.
BINABASA MO ANG
The Campus Crush is My Secret Husband
عاطفيةNo one should know, you must deny! Start: Sept. 12, 2020 End: Growth: 1k Reads 10/07/20 1.5k Reads 11/05/20 2k Reads 11/19/20 2.94k Reads 01/29/21 3.5k Reads 02/22/21 4.2k Reads 3/26/21 5.02k Reads 4/13/21 10.1k Reads 10/31/21