Pisces's POV
" Ano ba! Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito, sino pa hindi nakapag-attendance? Maya maya lang aakyat na tayo" sabi ko.
Pagkababa namin sa bus inabutan na kame ng tanghalian at nagpahinga lang kame saglit tapos kumain.
Nakita ko naman dun sa may gilid ng puno si Kaps, may kausap sa phone niya.Palagay ko Nanay niya yun or si Shairie. Wala kaseng magiging signal sa taas, kaya yung iba tumatawag na sa family nila bago kame umakyat.
Pagkatapos niyang tumawag ay tinawag ko siya, unaware na matagal ko na pala siyang tinititigan.
" Hoy! Kaps! Icheck mo nga tong attendance! Ichecheck ko naman yung mga dadalhin natin" nilapitan ko siya, inabot naman niya sakin yung papel at ballpen ng hindi tumitingin sakin.
" Guys, sinong hindi nakapagattendance"
Nakatingin lang ako sa kanya, nagtataka dahil simula nung dumating kame dito, todo iwas na niya sakin, like, may ginagawa na naman ba ako? Tsk! Makausap nga yan mamaya.
" Magready na kayo, aakyat na tayo" sabi ni coach na nanguna ng maglakad.
Nagready naman yung iba at sinuot na ang kanya kanyang backpack.
Magkakasabay kameng lumakad nina Shan, Jaimie, Alex at Sheila nasa likuran naman namin sina kaps, nick, mark, dave na nagkwekwentuhan at nagtatawanan, saglit naman ako lumingon sa kanila at naabutan kong nakatitig sakin si Kap na agad naman iniwas ang tingin. Nagunot noo ako at tumingin na lang ulit sa harap.
" Uy! Paunahan tayo, kung sino huling makaakyat, magiging slave the whole outing!" Suggestion naman ni Sheila.
" Magandang idea yan!" Pagsang ayon naman nina Shan at Alex.
Nagkibit balikat lang ako, pero sang-ayon din sa suggestion nila.
" Ready?" Tumingin pa si Sheila samin. "Go!"
"WAAH!" Napasigaw pa kame habang nagmamadaling tumakbo.
Naunahan pa namin yung freshman sa harap namin at si coach.
" Hoy! Bat tumatakbo kayo!" Tawag pa samin ni coach, pero hindi namin siya pinansin.
Dahil matangkad ako sa kanila at mahahaba ang biyas ko ay nanguna ako sa pagtakbo, madali lang naman ang daan paakyat kase may pathway sa daan. Nung nasa daan napahinto ako dahil may dalawang pathway, hindi ko alam kung sa right or sa left ako pupunta, pero napatingin ako sa signage na this way, sa right yung kaya dun ako pumunta at tumakbo.
Kaso napagod ako kakatakbo at hingal na hingal kaya naglakad muna ako, nagtataka naman kung bakit hindi pa rin sila nakakahabol, nagtuloy tuloy na lang ako kakalakad, hanggang sa...
"WAAAAH!"
Napasigaw ako dahil hindi ko napansin na nasa may bangin na ako, natapilok ako at nahulog dun.
Jaize's POV
Mabagal talaga ako magdating sa akyatan at hindi ko porte ang maghiking kaya medyo nahuhuli na ako sa kanila.
Medyo malayo na sila pero natatanaw ko pa rin, sa may kalagitnaan na may dalawang pathway at sa left side sila pumunta dahil dun daw ang daan papunta sa tutok ng bundok.
"WAAAAH!"
May narinig pa akong sigaw sa may right pathway pero binalewala ko lang yun at nagtuloy tuloy sa paglalakad.
Papunta na ako sa may left side nung nakita kong tumatakbo si Sheila.
" Si pisces!" Yun lang yung sinabi niya pero nagets ko agad yun, kaya agad akong tumakbo pababa at muling naalala yung sigaw na narinig ko kanina sa may right pathway kaya pumunta ako dun.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy Ka
RomanceTunghayan ang lovestory nina Jaize at Pisces. Ang dalawang magkaribal sa nagugustuhan, Sa huli magkakatuluyan?! PAANO?!