Two

24 3 0
                                    

Pisces's POV

HIndi ko alam kung kailan nagsimula, pero hindi ko tinatangging may gusto ako kay.....shairie.

oh? medyo awkward ba? alam kon sa iba, nandidiri sila at siguro naasiwa pero,hello tao din ako, may nararamdaman at mismo sa sarili ko hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko, lalo na para kay shairie.

oo babae ako, at nagkagusto sa kapwa babae at kaibigan ko pa, pero anong magagawa ko? ito yun eh! ito yung nararamdaman ko.

pinilit kong labanan at pilit ko ring inaalis ito sa puso ko, pero sadyang taksil sakin ang aking nararamdaman.

kung mas lalo ko lang siyang iniiwasan? at pilit iniwawaksi ng utak ko ang aking nararamdaman? mas lalo ko lang napapatunayan na nagkakagusto na talaga ako sa kanya.

Bagya ako natawa.

Bakit pinaglalaban ko pa rin? kahit alam kong hindi tama?

Tinago ko man sa kanya ang aking nararamdaman, dahil sa ikabubuti ito ng aming pagkakaibigan, kahit masakit na itago at sobrang nahihirapan na ko, pipilit ko pa ring ipaglaban to.

bakit?

kahit ako hindi ko alam san to nanggagaling at san ako humuhugot ng lakas ng loob.

pero ang alam ko....mahal ko siya.

Flashback

unang araw ng pasukan  sa bagong pinapasukan kong paaralan, dahil bago lang ako dito, wala akong kakilala maski sino.

nangangapa pa ako sa environment ng mga tao dito.

room 216

"saan ko naman hahanapin yun?" bulong ko sa sarili ko.

naglakad pa ko ng naglakad at tinignan ang bawat room number ng classrooms.

marami rami na din ang mga estudanteng, katulad ko eh naghahanap din ng kani-kanilang room.

naglakad pa ako nang naglakad, hanggang sa may mabangga ako.

medyo napalakas ang pabangga namin kaya kapwa kame natumba sa lupa

"ouch!" daing niya.

"aray" nasapo ko ang pwetan ko ng tumayo ako.

"oh my gosh! okay ka lang ba?" tanong niya, kaya napatingin ako sa kanya.

Napatulala namana ako.

"woy, okay ka lang?"

sobrang ganda niya!

hindi sa napapakaOA ako, pero ngayon lang ako nakakita ng maganda at mala anghel na mukha.

tao pa ba to?

"miss" okay ka lang?" nakakunot niyang tanong.

"oh my gosh! okay ka lang ba?" tanong niya, kaya napatingin ako sa kanya.

"this is my fault! ang clumsy ko kase!" tulirong usal nito.

kaya napatawa ako sa naging reaksyon niya.

"no, okay lang ako, medyo nahihilo lang ng konti" at ngumiti ako sa kanya.

yung totoo pisces? nahilo nga ba?

"ganon ba?" may pag-aalala pa rin sa ekspresyon ng mukha niya.

tinignan niya ang kabuuan ko.

"hala!" lumapit siya sakin. "madumi na yung palda mo!" pinagpag niya yun.

"ah okay lang, ikaw rin naman eh" sabi ko kaya napatigil  siya sa ginagawa.

Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon