Four

18 4 0
                                    

Pisces's POV 

Akala ko naagapan ko na ang mga lalaking gustong manligaw kay shairie, pero nakalusot ang isang 'to! ng hindi ko alam!?

Lagot kang lalake ka!

Pinapasalamat kong P.E namin na P.E din ng lalaking yun, pinuntahan ko siya sa court dahil naglalaro daw ang 2-B ng basketball sa court.

Pagdating ko dun naglalaro nga ang mga boys ng section na yun, pumuta ako sa mga estudyanteng nakaupo lang sa may bench.

"nasan si jaize loki mendez?" tanong ko dun sa classmate niya ata.

"si jaize?"

bingi pa ata

"oo" nawawalang pasensya kong sabi.

"nandun" turo niya sa lalaking pinakamatangkad na naglalaro ng basketball.

tumaas ang kilay ko.

"siya pala?" nakacross arms kung sabi sa sarili ko.

Lumapit ako dun sa lalake

"hoy! miss umalis ka jan!"sigaw ng kung sino na hindi ko naman pinansin.

Tumigil ako sa paglalakad ng nasa likod niya lang ako.

"ikaw ba si jaize loko mendez?" maangas natanong ko, taka naman siyang tumingin sakin hawak hawak ang bolang ishoshoot niya sana.

"yes, and let me correct you, loki hindi loko" sabi niya.

sinandya ko talagang imali yun dahil loko siya sa paningin ko.

"ikaw ba yung nanliligaw kay shairie del vega?"maangas na tanong ko.

"oo" ginaya niya ang tono ko.

Nakagat ko ang babang labi ko sa sobrang inis.

Mahangin ang isang to.

"at sino ka? isa sa mga fangirls ko? sorry miss may gusto na ko"

oo at gusto ko rin ang gusto mo!

Nagtawanan naman ang mga kaklase niya.

Napangisi ako sa kahanginan ng lalaking to.

kumibot ang vein sa noo ko.

"pwede mamaya na yung autograph? naglalaro kase kame ngayon" mayabang pero malokong sabi nia.

Tinalikuran ako.

Napikit ako sa sobrang inis, huminga muna ako ng malalim at pinigilan ang pagsabog ko, pero hindi ko magawa.

"ang ayoko sa lahat ay yung tinatalikuran ako!" sigaw ko.

Hinawakan ko ang jersey niya at buong pwersa kong hinila siya pababa, na mahia ata kaya bumagsak agad sa sahig.

"woooo" hiyawan ng mga kaklase niya,

"ano ba!" sigaw niya at biglang tumayo.

"napagsak ang isang jaize loki mendez ng isang babae? wooh" katyaw sa kanya ng mga kaklase niya, kaya bahagyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at naiinis ito.

"ang hina mo pala eh" ngmiti ako ng nakakaloko.

pinulot ko ang bola sa sahig.

"maglaro tayo, one on one" hamon ko.

Buong pagtatakang tinignan niya ako,

"sino ka ba talaga? iniistorbo mo ang paglalaro namin" may inis sa tono niya, nakapamewang pa siya.

"kaibigan ako ni shairie at ayokong nililigawan mo siya" deretchong sabi ko sa kanya.

"ano?" hindi makapaniwalang tanong niya na nanlaki pa ang singkit na mga mata nito.

Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon