Jaize's POVAng saya saya ko talaga, nakapagsolo kame ni shairie dahil wala yung asungot, maganda din pala yung pag-aaligid ni cholo dun. tsk!
Nakangiti akong nakarating sa parking lot ng school.
" Ano ba! hindi ka ba titigel!?"
" hindi"
Napatingin ako dun sa dalawang taong nagsisigawan dito sa parking lot, buti at maaga pa kaya wala pang masyadong tao.
speeking of! yung dalawang bagay sa isa't isa yung asungot at yung lover niya! tsk!
" Ano bang gusto mo, nang tantanan mo na kong hayop ka!"
Ang harsh talaga niya magsalita, napangiti ako, babae pero ang angas ng dating.
" gagawin mo ba?" hamon sa kanya ni cholo.
Sinamaan siya ng tingin ni asungot.
" wag mo kong pinagtitripan, chonggo!" tiim bagang niyang sabi.
pft! hahaha natawa naman ako dun. chonggo daw oh! hahaha hilig niya talagang gumawa ng palayaw sa tao, gaya ko, tawag sakin kaps, as in kapre! tsk!
" Tingin mo pinagtitripan kita? C'mon babe, seryoso ako sayo" nakangiti pang sabi ni cholo, mas lalo naman siyang sinamaan ng tingin ni asungot.
Pak! hinampas niya ng helmet niya si cholo sa braso nito " aray!" daing ni cholo.
" alis! paharang harang ka kase!" bulyaw niya dito at nilagpasan si cholo.
" yung sinabi ko sayo kahapon, seryoso ako dun" sabi ni cholo na nagpatigil sa paglalakad ni asungot.
Napapikit si asungot at bumuntong hiningi, " ibang klase" iiling iling na bulong niya at napako ang tingin niya sakin, at agad naman ako nag-iwas ng tingin at tumingin sa motor ko na kunware may inaayos ako. Napapikit ako ng mata dahil sa inis, bat ko ginawa yun? bat iniiwasan ko siya?
" kita mo naman, ang ganda ng araw ko" sarkastikong sabi niya, naramdaman kong lumapit siya sakin.
Nabigla na lang ako ng sumandal siya sa motor ko,agad akong napatingin sa kanya na prenteng nakasandal at naka cross arms ang mga kamay at seryosong nakatingin sakin.
" Good morning kaps" sabi niya sabay ngisi.
hindi ko alam kung anong gagawin ko, HINDI AKO MAKATINGIN SA KANYA!
Hindi ko alam kung anong nagyayare sakin!
"go-good mo-morning mo m-mukha MO!" malakas na pagkakasabi ko sa kanya.
bakit nabubulol ako!
" anong problema mo?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya na nakunot noo at seryosong nakatingin sakin.
" anong problema ko?" tanong ko sa kanya.
hindi ko rin alam kung anong problema ko! at kung bakit ako ganito sayo ngayon! AAAAAH!
" IKAW!?" malakas na sagot ko.
Mas lalong kumunot ang noo niya at umayos ng tayo.
" ang tagal na nating issue yan kaps, ngayon mo lang narealize?" ngumisi siya kalaunan ay natawa.
Napintig ang tenga ko nung marinig ko yung salitang natin.
"bakit may natin?! walang natin! walang tayo!" sigaw ko sa pagmumukha niya
tsk! tsk! ano bang nagyayare sakin!?
Mas lalo namang kumunot ang noo niya, at mas lalo namang hindi ako makatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy Ka
RomanceTunghayan ang lovestory nina Jaize at Pisces. Ang dalawang magkaribal sa nagugustuhan, Sa huli magkakatuluyan?! PAANO?!