Sixteen

17 2 0
                                    


" Anong sasabihin mo?" tanong ko ng nakatingin sa lupa.

"May gusto na siya sayo"

Otomatik na napatingin ako sa kanya, na deretchong nakatingin sakin.

" Ano?"  nalilitong tanong ko.

" Ramdam niyang umiiwas ka, nasasaktan siya"

Napayuko ako, bumuntong hininga.

" Kung hindi mo pala mapanindigan, sana hindi mo na sinimulan" napatingin ulit ako sa kanya, nakakunot noo na siya.

" Pano na yan? iiwan mo siya sa ere?"

"H-hindi"....ko alam

Gusto kong dugtungan, nalilito nga ako ngayon kaya nga umiiwas ako.

" Yun naman pala eh"

" Hindi mo naintindihan"

" Anong hindi ko maintindihan?"

Natahimik ako, hindi ako makasagot o ayaw kong sumagot kase may magbabago, hindi pa ako sigurado dun.
Nakakalito! Nakakainis!

"Alam ko naman na ako yung problema di ba?" tanong niya, hindi ako makasagot. Bumilis nag tibok ng puso ko.

" Ako yung pumipigil sa inyo"

Napayuko ako.

hindi na yun yung problema....

" Kaya nga nandito ako sa harap mo, para sabihin sayo na, hindi na ako gugulo sa inyo." napatingin ako sa kanya at siya naman ngayon ang nakayuko. Katahimikan ang bumalot samin.

" sumusuko ka na?" tanong ko.

Ngumiti siya. " hindi porket hindi ako gugulo, sumusuko na ko?" tumingin siya sakin. Kumunot ang noo ko.

" Hindi porket pinalaya mo na yung tao, sumusuko ka na, kase kung mahal mo, mas importante yung kaligayahan niya sa kaligayahan mo, kahit nasasaktan ka na, wala kang magawa kundi ang magparaya" nakatingin siya sa sahig habang sinasabi niya yun tapos inangat niya ang mukha niya at nagtama ang paningin namin.

" Ikaw ang kaligayahan niya"

Napalunok ako, ramdam ko yung sakit habang sinasabi niya yun.

" Sa simula pa lang, alam kong wala na akong laban sayo, pero pinilit ko pa rin, at alam ko naman na sa una palang hanggang kaibigan lang ako, hanggang dun lang ako" bigla siya yumuko pero hindi nakatakas sa paningin ko yung luhang bumagsak mula sa mata niya.

" Kaya, pinapaubaya ko na siya sayo" inangat niya ang mukha niya at mapait na ngumiti sakin. " wag na wag mo siyang sasaktan. dahil lagot ka sakin" pagkasabi niyang yun tumalikod na siya at naglakad papalayo.

Hindi ko pa maproseso ang lahat, nakatulala lang ako at nakatingin sa likuran niya habang papalayo siya. Wala ka kamong laban sakin? but my heart is shaking because of you.

" jaize "

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

" Shai " wala sa sariling sabi ko.

" I'm sorry " naiiyak na niyang sabi, tapos lumapit siya sakit at niyakap ako at umiyak siya sa mga dibdib ko

" Shai "

" Sorry "

She keep saying sorry, kaya mas nagiguilty ako.

" Ako dapat yung magsorry" sabi ko habang hinahawakan ang ulo niya. Ako dapat ang magsorry dahil sa nalilito kong puso.

Pisces's POV

" Ano na naman ba?" tanong ko kay chonggo, gusto ko ngang mapag-isa ngayon eh! hindi na namab ako matutunawan nito.

Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon