Pisces's POV
Masaya pa akong naglalakad papuntang classroom ko, tsk! nakakatawa talaga yung kapre na yun, ketangkad tangkad, lampa naman.
"pie!"
napalingon naman ako dun sa tumuwag ng pangalan ko at napangiti, shairie.
"Good morning" bati ko sa kanya.
"Good morning din! wow! good mood ka ata ngayon ah?"
"huh?" inosente ko pang tanong na nakangiti pa rin sa kanya.
"kanina pa kita nakita, ngingiti ngiti ka jan. anong nangyare?" panunukso niya pang sabi.
bigla naman akong namula.
ang clueless niya talaga, hindi ba niya alam na siya lang ang nakakapagpangiti sakin ng ganito?
napatingin naman ako sa kanya na naghihintay ng sagot ko.
"ah-eh ano....ano wala kasing traffic kanina kaya good mood ako ngayon" sabi ko.
"aaaah" tatango tango naman siya.
"nakita mo ba si jaize?" tanong niya na nagpawala sa ngiti ko.
bat mo sakin hinahanap ang kapre na yun? tsk!
"ewan" nagkibit balikat lang ako.
"shai!" napalingon naman kame sa tumawag kay shai, sino pa nga ba?
"hello jaize, good morning" nakangiting bati sa kanya ni shai nung makalapit siya samin.
naikuyom ko na lang ang mga kamay ko at umiwas ng tingin sa kanila.
makita lang siyang nakangiti ng ganyan kay kaps, parang dinudurog yung puso ko.
"sige una na ko sa inyo" paalam ko sa kanina, bago man ako makaalis tinapunan ko naman ng masamang tingin si kaps.
ang hirap ng sitwasyon ko, alam niyo ba yun? yung gustong gusto mong gawin, pero hindi mo magawa dahil panigiradong may magbabago?
*sigh*
nakayuko lang akong naglalakad papuntang classroom ko, nakakunot at BV na BV!
Good mood ka, pero isang negative thing lang, bad mood ka na buong araw.
tsk! tsk! tsk!
*BLAG!*
sa lakas ng impact napaatras ako ng konti.
"ANO KA BA! HINDI MO BA NAKIKITANG DINADAANAN MO!" sigaw niya sakin.
huminga muna ako ng malalim bago ko siya tignan.
sinamaan ko siya ng tingin.
"nakita mong nakayuko ako 'di ba? dapat ikaw nag-adjust" kalmado ko pang sabi, habang nakatitig sa kanya, medyo may katangkaran siya kaya bahagyang nakaangat ang mukha ko.
"ako pa talaga? huh!" nakapamewang pa siya na parang hindi makapaniwala at frustrated sa sinabi ko.
"next time wag kang tatanga tanga" sabi ko tapos nilagpasan siya.
"teka!" napahawak siya sa braso ko na agad ko namang hinawi sa kanya.
"pwede ba wag mo ng dadagan yung bad trip ko? pwede?" sabi ko na nakatingin sa mga mata niya.
sobra na talaga akong naiinis na kung magpupumilit siya, babasagin ko ang mukha niya.
I glared at him, napatulala naman siya na ipinagtaka ko, parang nanigas siya sa kinatatyuan niya, hindi ko alam kung natakot ba sa tingin ko o ano.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy Ka
RomanceTunghayan ang lovestory nina Jaize at Pisces. Ang dalawang magkaribal sa nagugustuhan, Sa huli magkakatuluyan?! PAANO?!