Nineteen

25 2 1
                                    

Pisces's POV

"Sinasaktan mo ba talaga sarili mo? Bat panay tingin mo sa kanila?" Naiinis na sabi ni kape kaya tumingin ako sa kanya tsaka yumuko.

" Kung gusto mo talagang makamove-on, ikaw ang kusang umiwas. Hindi yung ikaw pa yung gumagawa ng paraan para masaktan ka ulit" prangkang sabi niya.

Bumuntong hininga ako. " Sorry, hindi ko maiwasan eh, naiinis ako dahil nakikita kong masaya sila" hindi ko alam kung maiiyak ako sa sinabi ko, kahit naman ako frustrated na din sa sarili ko. I keep checking on them and end up hurting myself. Martyr na kung Martyr pero wala akong magawa kundi tignan na lang sila.

Bumuntong hininga din si Kape, even her frustrated na din sakin. " Sige tignan mo lang sila, hanggang sa magsawa ka"

Natahimik naman ako, kaya pinilit kong hindi na talaga sila tignan at nagfocus sa kinakain ko.

" Bakit may mga taong,mas gusto yung taong wala namang gusto sa kanila, not knowing na may ibang taong may gusto sa kanila, napaka ironic lang no?" Sabi ni kape sa gitna ng pagkain namin, seryoso akong tumingin sa kaniya.

" Human nature" maiksi sagot ko.

Tumingin naman siya sakin. " Yeah human nature compose of three aspects namely. Self-interest, Humanity-interest and life-interest" she pause. " Kase napakainteresado naman talaga yung love, bigla biglang na lang tatama sayo, walang pinili at nagkukusa. End up hurting someone in the process"

" Hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan"

Napanod naman siya. " Tama, kase kung hindi ka nasasaktan, hindi mo talaga mahal" 

Sabay pa kaming bumuntong hininga.

I really tried to focus myself sa mga bagay na walang konektado sa dalawa, pero mahirap ata dahil nakikita ko si kaps tuwing basketball practice namin. At ang gunggong parang hindi ako kilala kung umasta, ni hindi ako tinitignan at kung daan daanan ako ay para lang akong hangin sa kanya, pabor naman yun sakin pero nakakapanibago lang. Ilang araw ko naman iniiwasan si Shai pero hindi ko pinapahalata, pagbabatiin niya ako bumabati naman ako sa kanya, alam ko at nararamdanan ko na naninibago din siya sakin and eventually kakausapin na ako nun, kaya nga dapat masort out ko na tong feelings ko bago ko masira kung ano pa yung meron samin ni Shai, syempre yung frienship.

"o kamusta pagmomove-on natin?" pagkakamusta pa sakin ni kape.

"heto, struggling" sarkastiko ko namang sabi.

Natawa lang siya sa sinabi ko.

"kamusta na pala si chonggo?"
luminga-linga siya sa paligid.

Bago pa ako makapagsalita nanjan na siya at umupo pa sa tabi ko.

" I heard my name, miss me?" Todo ngiti pa siya, nagpapacute.

Ngumiwi lang ako. Nakakapagod siyang ipagtabuyan dahil paulit ulit din siyang babalik.

" Tsk!, Miss mo mukha mo, kala namin naglaho ka na talaga" sabi pa ni kape.

" Pwede ba naman yun?" Sabi niya habang nakatingin pa rin sakin, hindi niya ata inalis ang tingin niya sa mula nung dumating siya.

Mapaklang natawa si kape, nababaduyan na din dito sa chonggo na 'to. ," Ewan ko ba sayo, ang daming babae jan, sa tomboy ka pa nagkainteres. Bakla ka siguro?" Tapos natawa siya.

Nagulat siya sa sinabi ni kape at nanlalaki pa ang matang tumingin kay kape. " Ako?" Tinuro pa ang sarili niya. " Bakla? Are you kidding me?"

Napairap ako. " Dapat ata ako magsabi niyan. Are you kidding me? Magkakainteres ka sakin? Sinong niloko mo? Baka bored ka lang" napasandal na ako sa upuan ko tapos napacross arms at deretchong nakatingin sa kanya, Tumingin naman siya sakin.

Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon