Fourteen

14 3 0
                                    


Pisces's POV

bilib din ako dun kay kaps ah, tinotoo yung sinabi niya, talagang iiwas siya samin? tatlong araw na siyang hindi nagpapakita samin, nung una hindi ko maintindihan yung sinabi niya pero nung mga nakaraang araw na wala siya, medyo naliwanagan ako.

pero di ba dapat masaya ako? mukha sumusuko na siya, pero...

malungkot ako nakatingin sa katabi ko, ni hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.

" kumain ka na" sabi ko kay shairie, kahapon pa siya ganyan ang lungkot ng ekspresyon niya, walang ganang kumain.

masama na ang kutob ko dito, nasasaktan ako na ganito na pala ang epekto ni kaps sa kanya, pero wala nama akong magawa.

" kumain ka na rin" sabi nitong chonggo na to sa harap ko na nakahalumbaba at masayang masayang nakatingin sakin.

ano bang pinakain ko sa isang, nagmukha asong ulol, siniringan ko siya at hindi pinansin.

" shai, magtatime na, kumain ka na" pakiusap ko sa kanya.

" hinihintay ko si jaize eh, paparating na din yun" sabi niya.

napatiim bagang ako.

" hindi na yun pupunta dito, mukhang sumuko na ata yung kaps na yun" hindi ko napigilang sabihin dahil sa sobrang inis ko.

mas lalong lumungkot ang mukha ni shairie, pinagsisihan ko tuloy ang sinabi ko.

" baka busy lang?" nakatingin siya sa pagkain niya habang sinasabi niya yun.

napapikit ako sa sobrang inis.

napasinghal ako. " kita mo naman? ilang araw na siyang hindi nagpapakita satin, busy? sinabi niya ba sayo? di ba wala? pinaasa ka lang ng gagong yun!" inis na sabi ko.

"huhuhu" napaiyak na si shairie.

" peste!" singhal ko nahampas ko pa yung lamesa.

"pie" tawag naman sakin ni chonggo, napalingon naman ako sa kanya.

"kalma lang" sabi niya, siniringan ko lang siya.

" wag siyang magpapakita sakin, babasagin ko yung mukha niya!" napatayo na ako, aalis na sana ako para pakalmahin ang sarili ko ng magsalita ulit si chonggo.

" baka nagsosort out lang ng feelings niya, baka nalilito na?" sabay tingin niya sakin, parang may pinaparating siya gamit ang mga titig na yun.

Anong nalilito ang pinagsasabi mo.

ngumiti lang siya, na akala mo basa niya yung nasa isip ko.

"tsk!" singhal ko, tapos umalis na ko, hindi ko kayang nakikitang ganon si shairie!

--
Umakyat ako ng rooftop para manigarilyo, nakatingin sa malayo at ang daming pumapasok sa isip ko.

magulo yung utak ko, kaya hindi ako pumasok ng panghapon kong klase.

Nag-isip isip ako kung ano bang gagawin ko, naguguluhan na din ako, at nasasaktan.

kahit naman na hindi sabihin sakin ni shairie, base sa kilos at ekspresyon niya kanina, alam kong meron na.

in just a span of time? may feelings na agad?

tsk! kahit naman ako, nagkagusto din ng mabilis kay shairie, hindi imposible na magkagusto siya kay kaps ng ganon kadali.

ang kinaiinis ko lang, hinayaan ko yung mangyare. Hinayaan kong magkalapit silang dalawa! tsk!

ngumiti ako ng mapait.

Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon