Jaize's POV
" Bago kayo magbakasyon ay mag-oouting tayo" anunsyo ni coach.
Bigla naman naghiyawan ang buong team ng basketball, pwera sakin, hindi ko alam kung bakit tahimik ako lately, madaming pumapasok sa isip ko, kahit si Shai ay napapansin yun.
"Saan naman tayo mag-oouting coach?" Nakangiting tanong pa ni Pisces na sinulyapan ko lanh siya saglit.
"Aakyat tayo ng bundok!" Nakangiti pang sabi ni coach.
Sabay sabay naman na nawala ang ngiti nila at sabay sabay ding bumagsak ang mga balikat nila.
" Coach! Hindi naman outing yan! Hiking yan coach" sabi ni Nick kaya nagtawanan kame.
" Kaya nga, Outing na din yun! Balita ko maganda dun at minsan niyo oang makikita ang pagsikat ng araw sa bundok kaya walang papalag"
Wala din naman kaming naging choice kaya kinagabihan nagpaalam ako kay mama, may waiver naman kaya pumayag din siya.
" Oo, may outing daw buong basketball team bukas" sabi ko habang kausap ko sa cellphone si Shai.
" Talaga? Sabi sakin ni Pi, aakyat daw kayo sa bundok?"
"Hmmmm"
" Masaya yun!"
" Ewan lang" sagot ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
" Basta mag-ingat kayo ni Pi dun"
Natahimik ako.
" I love you" wala sa sariling sabi ko.
Natahimik siya. " Huh?"
Maikli akong ngumiti.
" Sabi ko Goodnight babe"
"Ah-ah sige, GoodNight din Babe.......I love you too" mabilis niyang binigkas ang huling sinabi tsaka binaba yung tawag.
Nakangiti naman akong nakatingin sa Cellphone ko at iiling iling pa. Nilapag ko sa side table ng kama ang cellphone ko at nakatulala lang na nakatingin sa kisame. Nag-iisip, pinapakiramdaman ko ang sarili ko. Ilang araw na akong ganito, madaming iniisip, nalilito, hindi sigurado kung ano ba talaga ang gusto ko, naglalaban ang puso at utak ko, at parati ko lang iniiwasan yun. Pinikit ang mata at pinilit na matulog.
Nagising ako ng maaga para ayusin ang mga dadalhin ko mamaya sa outing. Tatlong araw at dalawang gabi lang naman kame dun. Nireasearch ko yung lugar na pupuntahan namin, Sinabi din ni coach na may camp Site pala dun sa lugar na pupuntahan namin kaya pinagdala niya kame ng tent.
Madilim pa lang ay nasa school na ako naabutan ko dun sina Dave at Mark na parehong nakahoodie, kasabay ko naman si Pisces na kakarating lang din.
" Good Morning Idol" Pabirong bati sa kanya ni Mark.
"Tsk! Good Morning din Idol" nakangiting bati niya rin.
"Oh?" Nakataas pa ang kilay na sabi niya sakin dahil nakatingin ako sa kanya.
" Oh rin" pabalik na sabi ko.
Inirapan lang ako pero nakangiti pa rin siya, Tapos lumapit siya sakin.
Nagtaka naman ako dun, Nahalata niya ata ang pagtataka ko dahil sa facial expression ko.
" Bantayan daw kita sabi ni Shai" sabi niya habang yakap yakap ang sarili dahil sa sobrang lamig, NakaT-shirt lang siya! At malaking backpack.
" Wala naman sinasabi sakin si Shai" sabi ko, tapos may kinuha ako sa bag ko.
Ngumuso lang siya.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy Ka
RomanceTunghayan ang lovestory nina Jaize at Pisces. Ang dalawang magkaribal sa nagugustuhan, Sa huli magkakatuluyan?! PAANO?!