Pisces's POV
Naiinis pa din ako sa sinabi niya kahapon.
" i will prove my self to shai........and not to you"
at anong ibig niyang sabihin dun! tsk! ginagalit talaga ako nung isang yun.
Pero kung ganon siya ka desedido, desidido din akong hindi sila magkakatuluyan.
Pagkatapos ng kapabayaan mo nung isang araw? hahayaan na lang kita? mas lalo kitang babantayan.
Nakita ko na silang dalawang sabay na namang kumain nakapag-order na ko at dala-dala na ang tray ko, nakangiting pinuntahan ko sila.
hindi ko hahayaan na magsolo sila.
"pwede maki-upo ulit?" nakangiting tanong ko pa nung nasa harap na nila ako, nilingin naman nila ako, nakangiti sakin si shai at nakabusangot yung isa.
"sige pi" agad namang sabi ni shai.
kaya naupo na ako sa katabing upuan niya, sinadya kong ilapit ang pag-upo kay shairie.
Bumuntong hininga naman si kaps na parang wala na talaga siyang choice ang makasama ako.
"malas naman, feeling ko pati siya dapat kong ligawan tsk!" pabulong na sabi niya na hindi nakaligtas sa pandinig mo.
napataas naman kilay ko dun. tsk!
"jaize, okay ka lang?" tanong sa kanya ni shai, napansin din ata niya na lumungkot si kaps sa pagdating ko.
"yeah, i'm okay, pero hindi pa rin ako sanay sa naging set-up natin" sabi niya.
umiling iling ako. " ayaw niya ata sakin" sabi ko.
"what?" nagtatakang sabi ni kaps, na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"akala ko okay na kayong dalawa?" sabi naman ni shai na biglang nalungkot.
"yeah i'm cool, pero siya.....kung ayaw mo ng ganitong set-up, sumuko ka na lang" sabi ko pa ng nakacross arms.
nagsalubong ang kilay niya. " hindi ako susuko" agad na sabi niya.
"then great" nakangising sabi ko. " Whether you like it or not, hindi ka man komportable sa prensya ko, you don't have any choice kundi ang makasama ako kapag kasama mo si shairie" diniinan ko ang bawat salita sa paraang ipinapaintindi ko sa kanya ang gusto ko.
Nakita ko naman ang pag-igting ng bagang niya.
"Pie" pagtawag sakin ni shairie kaya sinulyapan ko siya.
" Ako ang magsasabi kung pwede na siya para sayo shai." Tinago ko ang lungkot ng sabihin yun. Pilit akong ngumiti kay shairie. " Ayokong sa huli ay iiyak ka at magsisise, naintindihan mo ba ako?"
Napayuko siya at tumango.
Tapos na yung break namin kaya pumunta na kame sa kanya kanya naming classroom.
nasa second floor ang room ko at ni kaps kaya nagkasabay kami sa pag-akyat ng hagdan.
"what was that? umaakting ka lang ba?' sabi niya kaya napatigil ako sa pag-akyat na hagdan at napalingon sa kanya na nasa may dulo ng hagdan.
"anong acting ang sinasabi mo?" Tinaasan ko siya ng kilay
"you're cool with that? sinong niloko mo" may diing sabi niya.
napangisi ako at unti-unting humakbang pababa ng hagdan at tumigil na nasa harap ko na siya, nagkapantay ang height namin dahil sa baytang ng hagdan.
" let's say i'm cool with you courting her, pero wag mo na sanang paabutin na may gagawin na ako." pagbabanta ko.
"anong gagawin mo? " Paghahamon na tanong niya.
BINABASA MO ANG
Gusto Kita, Kahit Na, Tomboy Ka
RomanceTunghayan ang lovestory nina Jaize at Pisces. Ang dalawang magkaribal sa nagugustuhan, Sa huli magkakatuluyan?! PAANO?!